Part 68: The Secret Garden

Começar do início
                                    

"Pagkatapos ay papatuyuin ang laman hanggang sa maging powder. Ito ang special na ingredients para sa anti aging products na hanggang ngayon ay tinatangkilik sa merkado. Ang sangkap ng produkto ay nananatiling confidential bagamat ito ay 100% effective!" ang paliwanag ni Warren habang ipinakita kay Jihan ang proseso kung paano karnehin ang sirena na parang isang ordinaryong isda sa merkado.

"Malaking tulong din ang kaliskis ng sirena, ang kanilang kaliskis ang espesyal na sangkap sa Singh's make up brand. Ang makinang at crystalize na kaliskis ng mga sirena ay ang pinaka magandang sangkap sa mga lipsticks at make up branding ng ating cosmetics. At sa paglipas ng mga taon ay tuloy tuloy pa rin ang pagdedevelop ng mga products gamit ang mga buntot ng mga sirena. Ito ang sikreto ng Singh Secret Garden of Intellegence," ang dagdag ni Nigel.

"Ngayon ay masasabi mong literal na genius ang iyong ama. Patuloy na namamayagpag ang Singh's Cosmetics sa buong mundo dahil sa secret facilities na ito," ang dagdag pa ni Warren.

"Kung ganoon ay saan kayo nakakahuli ng mga mermaids? Sa ilang taong operasyon ng business, gaano karaming mga sirena ang nahuhuli at ipepreserve niyo sa lab na ito?" tanong ni Jihan.

"Marami rami na rin Sir Jihan. Iba't iba ang kulay ng mga buntot ay iba't iba rin ang quality na ibinibigay nito. Ang pinaka common na kulay ng buntot ay orange, pula o dilaw. Ang pinaka rare sa lahat ay ang mga kulay Silver na siyang pinakamataas na kalidad. Rare type din ang kulay berde, asul at itim," ang paliwanag ni Warren.

Ngumiti si Jihan, "sa palagay ko ay mayroon na tayong silver tail, maganda ba ang kalidad ng produkto na maipproduce nito?" nakangiting tanong ni Jihan, ngayon ay alam niyang gumagawa na ng paraan ang kanyang ama upang hulihin si Yue at madala sa lugar na ito.

"Opo Sir Jihan, ang silver tail ay rare type. Hindi lang basta high quality products ang maipproduce nito. Maraming bagay pa ang maaari nating magawa sa kanyang buntot," ang sagot ni Nigel.

Ngumiti si Jihan, "ngayon lang ako na excite ng ganito, si Dad ang talagang genius!" ang wika ng binata. Hindi niya maitago ang kakaibang saya habang pinagmamasdan kung paano karnehin ang mga naka preserve na mermaid sa laboratory.

"Mas maeexcite ka dahil nakahanda na ang lahat," ang sagot ni Nigel.

"Nakahanda ang lahat? May gagawin ba tayo?" tanong ni Jihan.

Ngumiti sina Warren at Nigel, "Yeap, ngayon ay manghuhuli tayo ng mga sirena. Ipapakita namin sa iyo kung gaano kasaya ang hulihin sila. Ready ka na ba sa once in a life time adventure na ito?"

Lalong na excite si Jihan! Ngayon ay hindi maitago sa kanyang mukha ang labis na pananabik! "Always ready!"

Hindi pa rin humuhupa ang galit niya kay Yue! At ngayon ay isinumpa niya sa kanyang sarili na uubusin ang lahi ng mga sirena at wala siyang ititira ni isa!

Ngayon ay aware na siya sa sikreto ng Singh's Cosmetics at ang susunod na step ay sundan ang yapak ng kanyang ama upang maging mahusay na tagapagmana ng kanilang empire.

******

TSUNARIA

ELDER MERMAID'S CAVE

"Seito, huwag mong sabihin sa amin na ikaw ay nabigo pa rin? Ganyan ba kalakas si Yuelo upang hindi mo siya mapatay?" tanong ng mga elder sa binata.

"Patawad ngunit hindi ko nagawang ituloy ang misyon ng pagpatay kay Ryou Guerrero at Yuelo dahil sa kakaibang pangyayari na hindi ko halos maipaliwanag," ang sagot ni Seito.

"Pangyayari katulad ng?" tanong ng matatandang gabay.

"Si Yuelo ay nagkaroon ng pangitain, nagbigay siya ng babala sa ating lahat," ang sagot ni Seito.

Natawa ang mga matatandang gabay, "at kailan pa nagkaroon ng kapangyarihan si Yuelo na makita ang hinaharap? At naniniwala ka naman sa kanya? Paano kung isa lamang itong paraan upang linlangin tayong lahat?" tanong ng mga elders.

Natahimik si Seito, hanggang ngayon ay nananatili pa rin sa kanyang isipan ang kaganapan noong nakaraang gabi kung saan napakabihirang pagkakataon na makita si Yuelo na nagliliwanag ang buong katawan habang nakalutang sa ere. Sa tingin niya ay hindi nagbibiro ang binata sa mga tinuran nito.

Napuno ng nakakabinging katahimikan ang buong lugar..

"Sa palagay ko ay seryoso si Yuelo at hindi siya nagbibiro," ang sagot ni Seito.

"At anong kabaliwan naman ang sinabi ni Yuelo?" tanong ng mga elder, hindi nila maiwasang matawa na lamang. Alam nilang walang kakahayan si Yue na tukuyin ang hinaharap.

Napabuntong hininga si Seito, "ang sabi ni Yue ay umalis na tayo dito sa Tsunaria dahil parating na ang delubyong bubura sa ating lahi! Lahat tayo ay mapapahamak at mamamatay, dadalak ang dugo sa karagatan at ang Tsunaria ay babagsak! Ito raw ang magiging kabayaran ng mga Elder Mermaids dahil masyadong kayong makasalanan! Ito rin daw ang magiging kabayaran dahil binago ninyo ang kasaysayan!"

Noong mga sandaling iyon ay bumakas ang galit sa mukha ng mga elder,

"Tampalasan! Paano niya nagagawang magsalita ng mga ganitong bagay?! Sa ginagawa niya ay lalo lamang niyang pinabibigat ang kanyang kaparusahan! Ngayon ay nararapat lang patawan siya ng mas MABIGAT na kaparusahan! PATAYIN SI Yuelo NG DALAWANG BESES!" ang galit na sigaw ng elder.

"Wala siyang kaparatang magsalita ng kahit na anong bagay na makasisira sa mga elder mermaids! Wala siyang utang na loob matapos natin siyang kupkupin ay ganito pa ang ipagkakalat niyang balita! Isa siyang masamang ehemplo! Isa siyang masamang ugat na kailangan putulin bago pa lumago!" ang galit na sagot ng isa.

Noong mga sandaling iyon ay tahimik lamang si Seito, saksi ang kanyang dalawang mata sa hiwaga ng mga salitang binitiwan ni Yue. At sa mga oras na ito ay unti unting kumakabog ang kanyang dibdib lalo't batid niya na ang hinaharap ay napaka lupit.

At bago pa matapos ang pagpupulong ay siya namang pagpasok ng mga kawal na mermaid sa loob ng kweba kung saan naroon sina Seito at ang mga elders.

"Patawad po sa aming biglaang pagpasok. Ngunit kailangan niyo pong malaman na may mga kakaibang bilog na bagay ang nakakalat ngayon sa buong paligid ng karagatan!" ang bungad ng mga kawal.

"Ano ang bagay na iyon?" tanong ng mga elder.

"Isang human made device! Hindi pa namin alam kung para saan ang mga ito. Ngunit kinakailangan natin ng ibayong pag iingat," ang sagot ng mga kawal.

"Ito na ang simula! Ito na yung sinasabi ni Yuelo!" ang natatakot na sagot ni Seito.

"Tumigil ka Seito! Kung maniniwala ka kay Yuelo ay para mo na ring inalisan ng bait ang iyong sarili!" ang singhal ng mga Elders.

Noong mga sandaling iyon ay wala ni isa man sa kanila ang naniwala sa babala ni Yue. At noong mga sandali rin iyon ay wala silang kamalay malay na ang grupo ni Jihan ay patungo na sa kanilang lupain upang hulihin silang lahat!


The Ocean Tail: Loving The Merman BXBOnde histórias criam vida. Descubra agora