“Mommy!”  tumakbo ako papalapit kay Mommy upang iligtas siya ngunit huli na ang lahat dahil bumaon na ang espada sa kaniyang dibdib.


Kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang paslangin ang kalaban. Hawak ko ngayon ang punyal na siyang magiging dahilan upang tuluyan nang mawakasan ang kasamaan.



“You killed my parents!”



Sinigurado kong sa dibdib niya iyon ibinaon upang tuluyan siyang mamatay.


Hinugot ko iyon at muling ibinalik bunga ng matinding galit at sakit.


“Your life will be the price for all of this.”


“Now, go and rest.”


Unti-unti siyang natunaw na parang abo.


Dali-dali kong dinaluhan si Mommy.


“T-thank you for s-saving us,”


“No, Mommy. Y-you saved us, you saved the w-whole world.”


“I-I’m sorry, b-baby. H-hindi ka na masasamahan pa ni M-mommy at D-daddy. I’m really s-sorry.”


“It’s alright, Mommy. You can rest now. I love you both.”


Kasabay ng pagtulo ng luha mula sa kaniyang mata ay ang pagbitaw niya sa aking kamay: hudyat na binawian na siya ng buhay.


“Mommy!”


Isinigaw ko ang lahat ng sakit at bigat na aking nararamdaman. This is more painful than losing a tooth.



“Ziyan.”  Napalingon ako nang marinig ko si Kuya Yue.


“It’s time to go.”


Tinulugan niya akong bumangon at magkasama naming pinanood ang pagkatunaw ng mga bangkay ng aking mga magulang.



Kasabay rin niyon ay ang unti-unting pagsikip ng aking dibdib at pananakit ng simbolong nasa aking kamay.

“What’s happening?!”


“Ziyan!”



“Yue!”  I heard Ate Chen’s voice. She knew what will happen to me.


“It’s a curse!”


“What?!”



“What are we gonna do?!”


Naging tahimik ang paligid. We all know that there’s nothing we can do. This is my end. Our family’s end.

Ilang taon na ang lumipas.


Pero sariwa pa rin ang lahat.



Lahat ng mga kaguluhang nangyari sa buhay ko. Sa pamilya ko.


Sa mga kauri ko.


Naaalala ko pa rin kung paanong ibinuwis ng mga magulang ko ang kanilang buhay para lamang makamit namin ang katahimikan. Ang pagsasakripisyo nilang habang-buhay kong babaunin.


At hinding-hindi ko rin makakalimutan ang taong naging dahilan kaya nandito pa rin ako ngayon—si Kuya Von.


Kung hindi niya ibinigay sa ‘kin ang buhay niya, wala ako ngayon. Tatanawin kong napakalaking utang na loob iyon.



“Ma, Pa, salamat po sa inyo. Huwag kayong mag-alala, hindi ko hahayaang muling mabahiran ng kaguluhan ang mundo.”


“Sir? Nandiyaan po ba kayo sa loob? Hinahanap po kayo nina Mr. Buenavista at iba pang partner niya sa business. Gusto ka raw po nilang ma-meet,”   napalingon ako sa pinto nang marinig ko ang boses ni Maxy, ang Secretary ko. Ibinalik ko na ang picture frame sa lamesa. “Susunod ako..”   nang maulinigan ko ang mga yapak niya papalayo ay inayos ko na ang sarili ko.


Bagong pagkakataon.



Panibagong buhay.



Sisiguraduhin kong hindi na muling mailalagay pa sa panganib ang mga kauri ko...


— pati na ang mundo.





Ako si Zieon Valdez-Fortido...





At ito ang simula ng aking kwento.

AyaWhere stories live. Discover now