Chapter 42 : Questions

31 4 10
                                    

NAPAMULAT ako nang makaramdam ng ihip ng hangin. Inilibot ko ang mga mata ko at napagtantong wala ako sa higaan namin. Dapat kasama ko si Zin ngayon. Anong nangyayari?



Nasaan ba ako? Bakit kakaiba ang paligid?



"Hija..." namilog ang mga mata ko nang marinig ang boses niya. Mabilis akong pumihit upang harapin siya at hindi nga ako nabigo.



Nasa harapan ko na ngayon si Inang Hiyas!



Sandali, ibig sabihin ay panaginip lang 'to? Nananaginip lang ba ako?



"Natutuwa akong muli kang makita." sabi niya saka ngumiti. Sa wakas, at masasagot na rin ang katanungan ko.



"Inang Hiyas, ano pong ibig sabihin nito? Bakit po ako nagkaroon ng ganiyan?" agad kong ipinakita sa kaniya ang palad ko na may simbolo. Hinawakan niya ang kamay ko at pinagmasdan ito.



"Iyan ang dahilan kung bakit kita binisita sa iyong panaginip. Naririnig ko ang pagtawag mo kaya ako naririto." nginitian ko nalang siya dahil sa saya na muli ko siyang nakita.



"Hindi ko binanggit sa iyo noong huli nating pagkikita sapagkat nais kong masaksihan mo ito. Batid kong nagtataka ka kung bakit at para saan ang simbolong iyan..." huminto siya at umiwas ng tingin. Pagharap niya sa kanan niya ay nagbago na ulit ang paligid. Nandito kami sa lugar na pinuntahan namin noong nagbalik-tanaw kami.



"Noong sina Hara Halia at Raja Estes pa lamang ang namumuno sa Manawari ay napansin ng Hara ang biglaang paglitaw ng isang simbolo sa kaniyang palad." pagkasabi niyon ni Inang Hiyas ay may nag-flash na alaala sa harapan namin at alam kong si Hara Halia iyon.



Pinagmamasdan niya ang palad niyang may nakaukit ding simbolo na katulad ng sa akin. Pero bakit naman kami nagkaroon ng gano'n?



"Hindi nila batid kung ano ang dahilan kung bakit at paano niya iyon nakuha. Sinubukan nila itong ipasuri sa isang mahusay na Atoo, ang Atoo ay ang mga nilalang na mahusay pagdating sa mga simbolo. Ngunit maging ang mga ito ay hindi nila mawari." so, walang nakakaalam kung para saan at kung bakit kami nagkaroon ng ganito?



"Lumipas ang panahon at muli na namang lumitaw ang simbolong ito sa panibagong Hara na si Hara Tiyara." anong ibig sabihin no'n? Lumipat ang simbolo sa kaniya?



"Ang akala ng lahat ay lumipat ang simbolo kay Hara Tiyara ngunit nakita nila ang simbolo na nasa palad pa rin ng pumanaw na Hara Halia. Kung kaya't naging malaki itong palaisipan sa lahat. Wala pa ring nakakaalam kung ano nga ba ang ibig sabihin ng simbolong iyon." so, hindi nga lumipat? Pero bakit naman nagkaroon ng gano'n si Hara Tiyara?



"Nagpatuloy lang sa agos ang paglitaw ng simbolong iyon. Nagkaroon din ang Hara Zaya, Hara Catalina at umabot din ito sa iyong ina. Ngunit wala pa ring nakapagsasabi kung bakit iyon lumilitaw sa Manawari." oo nga. Teka lang, bawat pagsilang ng panibagong Hara, nagkakaroon din ito ng simbolo. Pero para saan naman? At bakit? Ang gulo naman...



"Bago sumiklab ang digmaan sa pagitan ng iyong mga magulang laban kay Zino, may isang bata noon ang nakapagsabi kung ano ang ibig sabihin ng simbolong iyon. Ngunit sa kasamaang palad ay bigla itong naglaho na parang bula. Napag-alaman na ang pangalan ng batang iyon ay Zieon." Zieon? Sino naman ang taong iyon? Parang wala naman akong naririnig na tungkol sa kaniya. Bata? So, ibig sabihin ka-edad lang namin siya? At kung siya ang nakakaalam kung ano ang ibig sabihin ng simbolong hawak namin ay siya lang ang makakatulong sa'kin. Pero wala na siya, kaya paano ko siya makakausap?



"Misteryoso rin ang paglitaw ng batang iyon sa Manawari. Walang nakakaalam kung saan siya nanggaling at sino ang mga magulang niya. Wala ring nakakabatid kung ano ang kapangyarihan ang taglay niya bukod sa pambihirang bilis na malimit nitong gamitin." so, walang nakakaalam kung sino talaga si Zieon? Buhay pa kaya siya? Kung buhay man siya, saan ko naman siya hahanapin? Ang hirap naman ng ganito...



"May dapat pa akong sabihin sa iyo, hija. Tungkol ito sa iyong kakayahang makita ang hinaharap ng isang tao." napalingon ako sa kaniya sa sumunod niyang sinabi. Wait, ano'ng ibig niyang sabihin?



"Ang kakayahang iyon ay namana mo sa iyong lolo na si Raja Rani. Siya lang ang may kakayahang makakita ng hinaharap noon ngunit magkaiba kayo. Nakikita niya kung ano ang mangyayari sa hinaharap subalit hindi ang hinaharap ng isang tao. At bukod doon ay may limitasyon lang iyon." so, kay lolo ko nakuha ang kakayahan na 'yon? Pero kung si lolo ang dahilan, bakit saka ko lang 'yon natuklasan nang mamatay sina Mama at Papa.



Akala ko si Mama ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng gano'ng kakayahan, hindi pala. Pero ano 'yung kapangyarihan na ibinigay sa'kin ni Mama? Iyon na ba ang Hayana? Kasi 'di ba, ibinigay ni Mama ang kapangyarihan niya sa'kin? Parang pakiramdam ko may mga bagay pa akong hindi nalalaman. May parte pa rin sa pagkatao ko ang kulang at mga katanungang hindi pa nabibigyan ng kasagutan. Bigla kong naalala 'yung sinabi sa'kin ni Inang Hiyas dati..



"Inilipat sa iyo ng iyong ina ang kaniyang buong kapangyarihan at inalis niya ang lahat ng mga alaala ng mga Harami..." teka lang, kung inilipat ni Mama sa'kin ang kapangyarihan niya para maisalba ang Manawari, iyon ba ang Hayana? Pero hindi naman niya sinabi na iyon ang Hayana. Ang gulo...



"Ngunit Inang, sinabi niyo po sa'kin na... Inang Hiyas?" napahinto ako sa pagsasalita nang mapagtantong wala na pala si Inang Hiyas. Nasaan na siya? May kailangan pa akong tanungin sa kaniya...



"Inang Hiyas? Nandiyan ka pa po ba? Inang?!" napabuga na lamang ako ng hangin dahil sa pagkadismaya. Wala na si Inang Hiyas kaya hindi na masasagot ang tanong ko.



Pakiramdam ko talaga may hindi pa sinasabi sa'kin si Inang Hiyas. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako na kailangan ko nang malaman ang bagay na iyon bago pa mahuli ang lahat. Ang dami ko pang tanong na kailangang masagot.






Una, ang tungkol sa Hayana. Kung ano ba talaga ito.





Pangalawa, ang tungkol sa marka sa palad ko. Kailangan kong mahanap si Zieon dahil alam kong siya lang ang makakatulong sa'kin. Pero saan ko siya hahanapin?





Pangatlo, kung ang Hayana ba ang ibinigay sa'kin ni Mama o ang kapangyarihan niya lang talaga.











Kailangan ko nang mahanap ang kasagutan sa mga tanong na ito sa lalong madaling panahon.

;
















AyaWhere stories live. Discover now