Chapter 39 : Calm

35 5 18
                                    

ILANG oras na ang lumipas pero hindi pa rin ako makatulog. Nakatitig lang ako sa kisame at ang daming tumatakbo sa isip. Hindi pa nga ako nakakahinga ng maayos sa mga sunod-sunod na nangyari nitong mga nakaraan tapos ngayon, may panibago na namang dadagdag.



Gumulong ako pakaliwa at umaasang makakatulog na, pero walang nangyari. Pumihit ako pakanan pero gano'n pa rin kaya napalitan akong bumangon na. Hindi na talaga ako makakatulog nang dahil sa dami ng iniisip.



Bigla kong naalala si Zin. Saan kaya natulog 'yon? Masilip nga...



Paglabas ko ng kwarto ay bumungad sa akin ang malamig na hangin kaya napayakap ako sa sarili ko. Naka-tsinelas lang ako at suot ko na ang dati kong damit dahil inalis ko na 'yung lab gown na suot-suot ko kanina. Naaalala ko na wala nga pala akong kahit na anong suot na tsinelas o sapatos noong lumabas ako sa kwarto ng ospital. Natawa tuloy ako dahil sa isiping para akong takas sa mental.



Napatigil ako at hinanap si Zin sa paligid pero wala akong makita. Hanggang sa mapalingon ako sa kaliwa ko at nakita ko siyang mahimbing na natutulog sa isang mahabang sofa na malapit lang sa kwarto ko.



Agad ko siyang nilapitan dahil lukot na lukot siya dahil sa panlalamig kaya naman nagmadali ako at kumuha ng makapal na kumot sa kwarto at agad iyong ipinatong sa kaniya. Kung bakit ba kasi dito pa natulog-tulog? Ang dami naman kwarto na pwede niyang tulugan. Ang tigas talaga ng ulo...



"S-sino ka?" natahimik ako sa pagsasalita nang marinig ko siyang magsalita. Nananaginip ba siya? Malamang, Aya! Ano pa sa tingin mo ang ginagawa niya?



Tinitigan ko siya sa mukha pero nakapikit talaga siya at nananaginip.



"B-bakit mo kilala si dad? What do you mean?" napakunot ang noo ko nang muli siyang magsalita. Sino naman kaya ang nasa panaginip niya?



"It's not true.." nang magsimula nang gumalaw-galaw si Zin ay nag-alala na ako at tinapik nang marahan ang kaniyang mukha. Mabilis naman siyang napamulat at napabalikwas ng bangon kaya napatayo ako. Grabe ha!



"Ayos ka lang ba? Nananaginip ka yata kaya kita ginising." panimula ko kaya napatingin siya sa'kin. Magkahalong gulat at naguguluhan ang mababasa hitsura niya. Ano bang napanaginipan niya?



"I-I'm okay, thank you. Pero, bakit gising ka pa?" wew, ako naman ang tinanong ngayon. Anong sasabihin ko? Hindi ako makatulog dahil dinalaw ako si Inang Hiyas at ipinakita niya sa'kin ang pinagmulan ng Hayana? Wait, alam niya kaya ang tungkol doon?



"What is Hayana? And anong alam ko kaya ang tungkol doon?" napakagat ako sa ibabang labi ko nang maalala na nakakapagbasa nga pala ng isip 'tong lalaking ito! Shemay!



"Hindi mo alam ang tungkol doon?" umiling lang siya kaya alam kong wala nga talaga siyang alam. Bakit hindi ba sinabi ni Zino sa kaniya 'yon?



"I can read what's on your mind, it's funny that you're calling my father like that." kunwaring napakamot ako sa ulo ko dahil sa kahihiyan. Oo nga naman, bakit ko tinatawag na Zino na lang ang tatay niya? Nakakahiya!



"It's okay. He's not my father anymore.." sabi niya pa kaya tumango na lang ako. Hindi ba siya titigil sa kakabasa ng nasa isip ko? Pwede ko kayang pigilan siya para mabasa kung ano ang nasa isip ko?



"Hey, don't do that. I'll stop..." napangiti naman ako sa pagsuko niya. Takot naman palang hindi mabasa ang isip ko, eh. Kikiligin ba ako?



"Kiligin ka..." pinandilatan ko siya nang marinig kong magsalita siya.



"Binabasa mo pa rin ang nasa isip ko! Madaya ka! Pipigilan na kit---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil mabilis niya akong hinila at napayakap ako sa kaniya dahil sa pagkabigla.



Ayaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن