Chapter 40 : Symbol

34 3 11
                                    

PAGKATAPOS naming kumain ay napagpasyahan namin na mag-ensayo. Kailangan naming maging handa sa muli naming pagharap sa mga kalaban. Alam kong kailangan namin ng matinding pagsasanay para hindi nila kami mabilis na mapatumba. Lalo pa't malalakas at makapangyarihan ang makakaharap namin. Lalong-lalo na si Cassandra, hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang kapangyarihan na meron siya.



Hinugasan ko muna ang mga pinagkainan namin samantalang si Zin naman ay nasa labas at naghihintay. Nabanggit ko kasi sa kaniya na may lugar na pwede naming puntahan para sa pagsasanay.



Nang matapos akong maghugas ay pumasok na muna ako sa kuwarto ko. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gagawin ko dito sa loob hanggang sa matagpuan ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa harap ng salamin at nakatitig sa sarili kong repleksiyon.



Sa kabila ng lahat ng mga nangyari, masasabi kong marami ang nagbago. Pagod na pagod ang hitsura ko at malayo sa dating maaliwalas. Medyo namumugto rin ang mga mata ko at lumitaw na rin ang kaunting eyebags dito. Napahinga ako ng malalim at saka nginitian ang sarili ko.



"Kaya mo 'to, self... Magiging maayos din ang lahat." sabi ko habang nakatingin pa rin sa aking repleksiyon. Bigla akong napalingon nang may kumatok sa pinto. Mabilis akong nagtungo ro'n at bumungad siya sa harapan ko.



"Let's go?" anyaya niya sa'kin kaya tumango lang ako at lumabas ng kuwarto. Hinawakan niya ang kamay ko saka kami sabay na naglakad palabas ng bahay. Ang sarap lang sa pakiramdam na hawak ko ang napakalambot niyang kamay. Wait lang, babae ba 'to? Mas malambot pa yata ang kamay niya kaysa sa'kin, eh!






×××





"You can do it. Just trust me. Huwag kang mag-aalala sa'kin..." pagpupumilit niya pa pero hindi ako pumapayag. Gusto niyang maglaban kami para raw mas makita namin kung ano ang naging resulta ng ilang oras naming pag-eensayo. Paano kung mapuruhan ko siya? Paano kung hindi niya kayanin? Hindi naman sa pagmamayabang pero alam ko na pwedeng mangyari ang mga 'yon dahil sa kapangyarihan na meron ako. Ayoko, natatakot ako.



Kanina pa kami nag-eensayo rito sa Guidiguid at sobrang saya ko dahil kahit papaano ay mas lalo kong nakilala ang buong kapangyarihan ko. Bukod sa kakayahang makakita ng hinaharap, manggagamot ng sugat, paggamit sa mga elemento, makabasa ng isip, at maglaho ay nagagawa ko na ring lumipad, magpalit ng anyo, maging maliit o malaki, magmanipula ng mga nasa paligid ko, kuryente, pahintuin ang oras, at marami pa akong nadiskubre pero medyo nahihirapan lang ako kasi kapalit ng paggamit ko ng mga 'yon ay ang sarili kong lakas. Nakakaramdam ako na unti-unting nako-consume ang enerhiya ko kaya nag-iingat talaga ako sa paggamit. Lalo na kapag 'yung mga mabibigat ang ginagawa. Pero ang nakakapagtaka lang, kanina kasi nagkamali ako at natumba sa mga bato-bato. Akala ko nasugat ako pero pagtingin ko, wala naman. Bakit kaya?



"Ayoko. Tumigil ka! Paano kung may mangyaring masama sa'yo? Anong gagawin ko? Ayoko talaga!" pagtanggi ko pa pero tinawanan niya lang ako. Napairap nalang tuloy ako sa kaniya dahil hindi niya ako sineseryoso. Nakakainis...



"So, you're afraid of losing your handsome boyfriend?" pang-aasar niya pa kaya binato ko siya ng bato na agad naman niyang naiwasan. Nang-iinis pa talaga siya akala mo naman kung sinong malakas!



"Hey, alam ko na malakas ka but paano natin malalaman kung hindi natin susubukan sa pakikipaglaban 'di ba? Iba kapag ginamit mo na ang kapangyarihan mo sa kalaban. Kaya sige na, don't worry about me." seryosong sambit niya kaya muli ko siyang nilingon. Napaisip ako, tama nga naman siya. Hindi namin malalaman kung ano ang epekto nito sa isang tao. Parang mas madali kasi kapag sa bagay lang ginagamit ang mga kapangyarihan ko.



AyaWhere stories live. Discover now