Chapter 36 : The Plan

35 5 19
                                    

NANDITO kami ngayon sa isang silid kasama ang mga staffs ng organisasyon. Dinala nila ako rito para isagawa ang plano nila. Ikinulong nila ako sa loob ng isang malaking space na may makapal na salamin. At bago mangyari 'yon, kailangan kong makagawa ng paraan para makatakas at hanapin si Zin at Vino. Nabanggit ng babaeng kasama ko sa kuwarto kanina na nasa iisang silid lang sila.


Napatayo ang lahat nang may pumasok na isang lalaki at isang babae. Si Zino at 'yung babaeng kasama ko kanina. Nakita ko pa si Qwerty na nakatayo lang sa tabi ng flatform sa harapan. Wait, ano'ng ibig sabihin nito?


"I know you are all aware who is this beautiful girl, she's Cassandra Ilouhan, the main founder of this organization." nagpalakpakan ang lahat matapos ipakilala ni Zino si Cassandra. So, hindi pala si Zino ang tunay na pinuno ng organisasyon na ito at parang nagulat ang mga tauhan. Parang may mali...


"At nandito siya ngayon para ituloy ang plano. Our plan to conquer the humanity. And we can only succeed by the help of this girl." tila robot na sabay-sabay lumingon sa'kin ang mga staffs at muling nagpalakpakan. Napatitig ako sa mga mata nila at napansin kong para lang silang wala sa sarili na nakatulala sa kawalan. May mali nga sa mga nangyayari.


"As of today, isusuko na niya ang kaniyang sarili para makamit natin ang tagumpay. So, please be ready because once that we get the Hayana out of her, we will transfer it to Cassandra as the main founder of this organization. Now, start..." kahit na nagpalakpakan at naghiyawan ang mga staffs ay hindi nakatakas sa'kin ang lihim na pagsulyap ni Zino kay Qwerty nang hindi napapansin ni Cassandra. Sinasabi ko na nga ba at taksil si Zino. Once na makuha na nila ang gusto nila, papatayin nila ako at saka aagawin ni Zino ang Hayana kay Cassandra.


Hindi man lang napapansin ni Cassandra ang mga kilos ni Zino. Napakasakim talaga niya! Kakampi niya ay pagtataksilan niya. Wala talaga siyang sinasanto!


Maya-maya ay nakaramdam ako ng enerhiya na dumadaloy sa aking katawan. Ngayon ko lang napansin na may mga nakaturok pala sa'king mga maninipis na tube, 'yung mahaba at manipis na tubong nakikita kapag naka-dextrose, at papunta iyon sa isang machine. Ito ba ang paraan para makuha nila ang Hayana? In the very first place, ano ba talaga ang Hayana? Dugo? Kaluluwa? Ano ba 'yon at kailangang ganito ang gawin sa'kin? Tiyak na ikamamatay ko ito kapag hindi kinaya ng katawan ko.


Nakita ko pang sinenyasan ni Zino ang dalawang lalaki na nakasuot ng lab gown at pumasok sa kinaroroonan ko. Napabaling ako kay Cassandra at tahimik lang siya habang nanonood. Walang kamalay-malay na pinagtataksilan na pala siya ng itinuturing niyang kakampi.


"We believe that after having her blood ay makukuha ang Hayana. So, we need to transfer all her blood into a machine and put it on Cassandra's body. Now, proceed." huwaat?! Kukunin nila ang lahat ng dugo ko?! No! Talagang mamamatay na ako kapag nangyari 'yon!


Muling nagpalakpakan ang mga tao habang tila nasisiyahan pa sa nakikita. Muli ay naramdaman ko ang pagdaloy ng enerhiya sa katawan ko at nakita ko na lamang sa mga transparent na tube ang dugo kong dumadaloy patungo sa machine na nasa tabi ko lang. No! Hinihigop ng mga ito ang dugo ko! Hindi pwede!


"Sandali! Sandali!" pagkasigaw ko ay umalingawngaw iyon sa apat na sulok ng tila aquarium na kinalalagyan ko. Nakita kong itinaas ni Zino ang kaniyang kamay at huminto naman ang pagdaloy ng dugo ko sa tube. Nararamdaman ko na unti-unti nitong nilalamon ang lakas ko.


"How can you be sure that by getting my blood you will get what you need? Are you sure that it's in my blood? Don't you think na kapag nakuha niyo na nga ang dugo ko and namatay ako, tapos mali pala kayo. Useless." ito lang ang paraan na alam ko para hindi nila maituloy ang binabalak nila. And besides, hindi ko talaga alam kung paano nila makukuha sa'kin ang Hayana. I don't even know what's that thing that I have. Si Mama kasi, pinapahiran pa ako!


AyaWhere stories live. Discover now