Chapter 19 : Am I Inlove?

43 9 28
                                    

HINDI ko mapigilan ang sarili kong hindi matawa dahil sa pang-aasar ko kay Aya. Eh, sino ba naman kasi ang hindi matutuwa kapag isang babae ang nagbihis sa'yong 'di ba? Gagi, nakakakilig 'yon! Bakit? Akala niyo ba mga babae lang kinikilig? LOL!



Iniwan niya na ako dahil sa inis niya. Kaya mag-isa akong nagbihis. Gagi! Ang lamig pala sa labas! Sino ba naman kasing tanga ang lulusong sa ulan? Kabobohan!



Galing kasi ako sa Zinotes kanina upang mag-report sa kanila. Pero hindi nila alam na hindi ko sinasabi sa kanila ang totoong nangyayari. Alam kong naramdaman nila ang presensya namin nu'ng magbakasyon kami sa Hiraya. Malapit lang kasi ro'n ang lagusan para marating ang sikretong lugar na pinagtataguan ng mga Zinotes, patungo sa ibang lugar. And yes! I'm one of them! Actually, hindi lang ako. Vino is also part of the organization. Hindi ko nga alam kung bakit organisasyon ang tawag doon, eh. Pero tumiwalag sila dahil sa maling pamamalakad ng organisasyon, sa maling pamamalakad ng aking ama.



You heard it right? Yes, it's because of my own father. Hindi ko alam kung bakit niya 'to ginagawa but one thing is for sure, he wants more power. More power for him to take control every human being and even the whole universe. Yes! Napakasakim niya right? So selfish!



Si Papa lang naman ang bumuo ng organisasyon na 'yon at kabilang din doon ang ilan sa mga kauri namin. Hindi talaga siya titigil hangga't hindi nila nakukuha ang gusto nila kay Aya. Marami na silang bihag na kauri namin para kunin ang mga kapangyarihan nila. Nang sa gayon, mas maging malakas si Papa at ma-kontrol na niya ang mundo.





Well, nagsimula lang naman ang lahat ng 'yon when my mother died. Nagkaroon ng war dati, at sila rin mismo ang nagpatayan. Nakakabobo right? Sarili mong kalahi pero para sa kapangyarihan handa kang kalabanin sila. All my mother wants is peace para sa mga kagaya namin. But Tito Maze, my dad's older brother was too greedy, he did everything just to be the most powerful among us. Then, he planned to kill every one of us para makuha ang kapangyarihan namin. But unfortunately, hindi siya nagtagumpay. And dahil iyon sa mga magulang ni Aya.



Malilit pa lang kami noong mga panahon na 'yon pero meron na kaming kaniya-kaniyang kapangyarihan. Dati pa ay close na kami ni Aya but because of what happened, nagkalayo kami.



When Tito Maze died, my father wants to get revenge for what they did to his brother. Pinigilan na siya ni Mama pero hindi nakinig si Papa. Nagplano siya ng digmaan para sa mga magulang ni Aya and that time, wala kaming magawa ni Mama dahil mas makapangyarihan na si Dad noon and mas nagiging makapangyarihan pa dahil itinuloy niya ang naiwan ni Tito Maze.



One night before the war, nagplano kami ni Mama. Aanib kami sa mga magulang ni Aya, iyon lang daw ang alam niyang paraan para hindi magtagumpay si Papa. I know it's hard for her to do it, pero kailangan. Tumakas kami habang abala si Papa sa paghahanda para sa paparating na digmaan.



Nagkausap si Mama at ang mga magulang ni Aya. Kasama rin ang matataas na konseho para hindi magtagumpay si Papa sa plano. And narinig kong napag-usapan nila na papatayin nila si Papa para matapos ang kasamaan, si Mama pa ang nag-suggest niyon sa kanila.

AyaWhere stories live. Discover now