Chapter 17 : His Farewell

52 9 32
                                    

"Ako ang papatay sa'yo..."

Tila may bumarang tinik sa lalamunan ko dahilan para hindi ako makapagsalita. Humalakhak na naman siya. Naririndi na ako sa tawa niyang mala-demonyo. Nananatili akong nakatayo sa puwesto ko na tila tinakasan ng libo-libong enerhiya sa katawan para hindi makagalaw.

"Matagal na kitang hinihintay at mabuti na lang, naisipan mong bumalik dito." nakakatakot ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Hindi ko pa rin maaninag ang mukha niya dahil balot na balot siya ng itim na kasuotan.

"Ngayon, mas mapapadali na ang misyon ko para makamit ang inaasam kong kapangyarihan." hindi ko maintindihan ang sinasabi niya kaya kumunot ang noo ko.

"Alam ko ang kakayahang meron ka at kung makukuha ko iyon ay panigurado akong ako na ang pinakamalakas dito at magagawa ko nang makabalik sa mundo niyo, kailan ko man naisin." muli na naman siya humalakhak pero ngayon, kakaiba na. Ramdam na ramdam ko ang pagkasabik niya na magtagumpay sa masama niyang binabalak. Hindi pwede! Hindi ko hahayaang makulong ako rito! Hindi ako papayag!

"Bakit hindi ka nagsasalita? Natatakot ka na bang mamatay?" sarkastikong tanong niya pa na lalo lang nagpakabog ng mabilis sa dibdib ko. Sumisikip na rin ang bawat paghinga ko na tila may pumipigil sa'kin na makahinga.

"Sino ka ba talaga?!" hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para sigawan siya. Nabigla naman siya saka napatawag muli. Kumulo ang dugo ko dahil kanina pa ako naririndi sa mga demonyo niyang halakhak kaya muli ko siyang sinigawan.

"Hindi ako natatakot sa'yo! Magsalita ka!" tumawa lang siya at biglang huminto.

"Hindi ka natatakot pero bakit nanginginig ka?Nagtatapang-tapangan ka, eh halos lumubog ka na nga sa kinatatayuan mo ngayon." pang-aasar niya pa sa'kin kaya mas lalong kumulo ang dugo ko. Ramdam ko nga ang panginginig ng buong katawan ko pero pilit ko iyong nilalabanan.

Hindi ako pwedeng magpadala sa kaniya. Kailangan kong mahanap kaagad si Ven at makalayo sa nilalang na ito!

"Since ngayon ka na lang pumunta rito, ka-kamustahin na muna kita." seryosong patuloy niya pa. Naglakad-lakad pa siya harapan ko at doon ko lang napansin na may hawak siyang scythe na kumikinang-kinang na ngayon. Lalo akong nakaramdam ng takot.

"Napapansin mo ba? Hindi ka na nakakakita ng mga hinaharap? Bakit kaya?" dahil sa sinabi niya ay kumunot ang noo ko. Anong alam niya sa'kin? At tama siya! Napapansin ko nga rin na hindi na ako nakakakita ng mg hinaharap nitong mga nakaraan. Ibig sabihin ba ay wala na ang kakayahan kong iyon? Pero bakit nandito ako? Ang gulo!

"Alam kong napapansin mo 'yon. Alam mo ba kung bakit hindi ka na nakakakita?" huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin. Pinasadahan niya pa ng tingin ang hawak niya saka tumingin sa'kin.

"A-anong gagawin mo? H-huwag kang l-lalapit! Lumayo ka s-sa'kin!" nanginginig na sigaw ko sa kaniya nang magsimula siyang maglakad palapit sa akin. Hindi siya nagsasalita kaya mas lalo lang akong natakot. Umatras ako nang umatras at nang maramdaman kong hindi siya titigil ay mabilis pa sa alas-kwatro akong tumakbo palayo.

"Gusto mong makipaglaro? Sige! Maglaro tayo ng tagu-taguan! Excited na akong mahanap at patayin ka, Aya!" umalingawngaw ang nakakakilabot niyang boses at ang mala-demonyo niyang halakhak.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Napahinto ako sa pagtakbo nang tumambad sa harapan ko ang dalawang pinto. Ang unang pinto ay kulay itim at ang isa naman ay puti. Paulit-ulit ko lang na tiningnan ang dalawang pinto, hindi makapag-desisyon kung saan ako papasok.

AyaWhere stories live. Discover now