BONUS CHAPTER

61 1 2
                                    

                      15 years later



“It’s good to see you again, Mr. Fortido. And I am amaze to see how you greatly manage your company at your age. Congratulations!”   inabot ko ang nakalahad na kamay ni Mr. Santos. I’m very grateful dahil nakarating siya sa selebrasyon ng Hayana Company. He’s one of the big help for me to achieve where I am right now.



“Thank you so much, Sir. Hindi naman po ako makararating sa kung nasaan ako ngayon kung wala kayo. I owe you this achievement, Sir,”   sabi ko na nagpahagikgik sa kaniya.



“You did it all by yourself, Zieon. I just guided you,”   tugon niya pa kaya ngumiti nalang ako. Alam ko naman na ipagpipilitan niya lang ang gusto niya. “Enjoy, Sir.”


Iniwan ko na si Mr. Santos doon para naman makapag-enjoy siya sa party. Minabuti ko na munang magtungo sa office ko. It’s exhausting but I’m more than happy dahil unti-unti nang nasusuklian ang mga pinaghirapan ko.


I opened my phone and quickly dialed a number. It’s ringing and after a few seconds sinagot na nila.


“Oh, Zieon! Congratulations! Pasensya ka na kung hindi ka namin natawagan kaagad. Marami kasing gawain dito kaya busy kaming lahat. Kamusta ka naman diyan?”   napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Kuya Yue. It’s been years mula noong huli kaming nagkita.


“Okay lang ako, Kuya. Salamat po.  Kamusta naman po si Ate Chen tsaka si Yuchen? Pakisabi po kay Yuchen na dadalaw ako diyan kapag may oras ako.”


“Ayon, malaki na pero ang kulit-kulit pa ri—”


“Pa, si Ninong na po ba ‘yan?”   narinig kong lumapit si Yuchen.


“Ninong! Kamusta ka diyan? Malapit na ang birthday ko, kalian ka ulit pupunta dito?”



“Marami pa akong ginagawa, e pero pupunta ako diyan sa birthday mo. Promise,”   sabi ko sa kaniya.



“Yes! Kuya, huwag mong kalilimutan ‘yong napag-usapan natin ha?”   natawa ako bigla nang maalala ko ang hiniling niya sa akin noon para sa birthday niya.



He asked me if I could buy him a car. Siyempre pumayag naman ako. Matagal niya na kasi akong kinukulit na bilhan ko siya dahil gustong-gusto niya magkaroon ng gano’n.


“Oo naman. ‘Pag balik ko diyan, bibilhin na natin ‘yon with consolation prizes,”   sabay kaming natawa matapos niyon. I really missed them so much, especially him. Kaya lang hindi ako makapunta agad dahil ang layo ng Canada. Idagdag pa ang pagpapatakbo ko sa kompanya. Hindi ko naman pwedeng iwan nalang ito dahil maraming kailangang gawin.



“Oh sige na po, Ninong. Kitakits nalang po!”   Hindi na ako nakapagpaalam dahil pinatay na niya ang linya.



Napalingon ako sa picture frame na nasa ibabaw ng lamesa ko. Kinuha ko iyon at kasabay nito ang pag-rehistro ng mga alaala sa ‘king isipan.

AyaWhere stories live. Discover now