Chapter 55 : His Twin Brother

19 2 0
                                    

PAGKABALIK ko sa Guidiguid ay bumungad sa'kin ang seryosong mukha ni Zin. Nakaupo lang siya sa malaking bato at basang-basa ang damit niya ng pawis.



"Where did you go?" panimula niya at saka ako tinitigan ng diretso sa mga mata. Heto na naman siya sa mga nakakamatay at napakaseryoso niyang mga titig.



"Ah, hinabol ko kasi 'yung lalaking nagmamasid sa'kin. Hindi na ako nakatiis kaya hinabol ko na. Muntik ko na nga siyang mahuli kaya lang nakatakas pa." sinabi ko na sa kaniya ang totoo dahil hindi ko naman kailangan na ilihim pa ang bagay na 'yon.



Umiwas naman siya ng tingin saka nagpunas ng pawis. Hinubad niya rin ang damit niya kaya hindi ko naiwasang mapanganga dahil sa sobrang ganda niyang katawan. Six-pack abs, malulusog na muscles, plus pawisan.... Perfect Body with a Perfect Smile!



"Natunaw na 'ko niyan.." agad akong napaiwas ng tingin nang mapagtantong tinitigan ko na pala siya. Bakit ba kasi ang gwapo ng lalaking 'to?!



"Hey, I think there's something about that guy. Kung hindi man siya kalaban, pwedeng maging kakampi natin siya. I think we need to catch him immediately." napalingon ulit ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Bakit siya biglang nagka-interes tungkol doon? At gusto niya pang mahuli na namin kaagad ang lalaking 'yon?



Pero tama siya. Feeling ko talaga may gustong sabihin sa'kin 'yung lalaking 'yon, eh. Hindi ko naman masasabi kung kakampi siya o kalaban dahil hindi ko naman siya kilala. At hangga't hindi niya ako hinaharap ay hindi pa rin ako dapat na mapanatag.



"What do you think?" tanong niya pa kaya tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. Gusto ko na rin namang malaman kung ano ba talaga ang pakay niya sa'kin o sa amin. Kung kalaban ba siya o kakampi.



"Paano naman natin siya huhulihin? Mabilis siyang tumakbo." tanong ko naman sa kaniya nang maalala 'yung lalaki, pero imbes na sumagot agad ay ngumiti lang siya. Ano'ng meron sa ngiting 'yan?



"I'm fast too, remember?" ay, oo nga pala! Nakalimutan ko mabilis din pala 'tong lalaking ito. "Ikaw ang huhuli sa kaniya and if ever na tumakas siya, ako na ang bahala. Just get yourself ready. Kung kaya mo siyang patulugin, gawin mo." dagdag niya pa kaya tumango-tango nalang ulit ako. Kaya ko naman sigurong patulugin ang lalaking 'yon. Sana nga maging successful ang plano naming dalawa. I really really want to meet that guy.



"Ah, oo nga pala. May napulot akong kuwintas kanina matapos ko siyang habulin." bigla kong naalala 'yung kuwintas na napulot ko kanina kaya inilabas ko iyon sa bulsa ko at ipinakita kay Zin. Natigilan naman siya at napatitig sa hawak ko.



"W-wait, that's mine. Saan mo napulot 'yan?" napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Paanong naging kaniya 'to, eh sa lalaking pakipot na hinahabol ko nakuha 'to. At isa pa, wala naman akong nakikitang suot-suot niyang kuwintas kaya paano magiging kaniya 'to?



"Hindi ko alam kung anong lugar 'yon, pero alam kong sa lalaking hinahabol ko nakuha 'to." tugon ko at saka napatitig sa kaniya. Magkahalong gulat at naguguluhan ang nakapinta sa hitsura niya ngayon. Tumayo siya at nagmamadaling pumasok sa bahay. Ano'ng meron do'n?



Ilang sandali ay bumalik din siya at may hawak-hawak siyang kuwintas na kaparehong-kapareho ng kuwintas na napulot ko. Pabilog 'yon tapos may ibon sa gitna. Kaya naman halos mapanganga ako dahil sa pagkabigla. Paanong magkapareho ang kuwintas na meron si Zin sa kuwintas na hawak-hawak ko?



Walang nakapagsalita kaagad sa aming dalawa habang pinagmamasdan ang isa't-isa pati na rin ang mga kuwintas. Naguguluhan pa rin ako sa nangyayari. Parang may something sa mga kuwintas na 'to pero hindi ko lang masabi kung ano.



AyaWhere stories live. Discover now