Prologue : The Beginning

372 27 51
                                    

REMINDER:

Please don't forget to vote and comment down your thoughts in every chapter. Votes and comments are highly appreciated. Thank You!!!


×××


ALAS SAIS pa lang ay gising na ako pero hindi pa rin ako bumabangon. May pasok pa ako pero nakatitig lang ako sa kisame at nag-iisip ng kung ano-ano. Nagtatrabaho ako bilang isang staff sa isang coffee shop ilang metro lang ang layo. Hindi na ako namili pa ng ibang trabaho since mahirap ang buhay. Bukod sa sarili ko, kailangan kong magbayad sa pakikitira ko sa mga kamag-anak ko.


Halos sampung taon na ang lumipas mula nang matuklasan ko ang aking kakayahan. Ilang hinaharap na ang sinubukan kong iwasan at tulungan pero nabibigo lang ako at sa huli ay sisihin ko ang sarili ko dahil wala na naman akong nagawa.


Ilang taon na ang nakakalipas pero sariwa pa rin sa isipan ko ang alaala na sinapit ng mga magulang ko. At hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko dahil hindi ko man lang sila nagawang iligtas. Kung mas maaga ko lang sanang nalaman ang kakayahan na iyon ay sana nandito pa sila. Pero wala, eh. Dose anyos pa lang ako noon at wala pang kaalam-alam sa mga ganoong bagay.


Napaluha na lang ako nang rumehistro sa isip ko ang mga larawan nina Mama at Papa. Napabangon ako at saka umiiyak na niyakap ang mga tuhod ko.


"Ma, Pa, p-patawarin niyo po ako kung h-hindi ko kayo nagawang i-iligtas. M-miss na miss ko na po k-kayo."


Lumipas ang ilang minuto ay pinakalma ko muna ang sarili ko bago napagpasyahang maligo na.




×××




"One cup of cappuccino, please."  mabilis akong kumilos upang kumuha ng kaniyang order. Alas nuebe na ng umaga at dumarami na rin ang mga customer.


Hindi lang naman ako mag-isa, may kasama ako. Sina Jerome, Asion, Zay, at Blanca. Tatlo kami nina Zay at Blanca ang palaging nasa counter, o may isa o dalawa sa amin ang magse-serve. At 'yung dalawang lalaki ay nasa loob lang ng kusina. Kaya lang, nagkasakit si Blanca samantalang may importanteng emergency raw si Zay kaya ako lang ang mag-isa ngayon dito sa counter. Minsan lang naman lumabas 'yung dalawa, kapag breaktime o 'di kaya naman ay mabo-bored sila sa loob.


Mabilis ko lang na naihanda ang cappuccino'ng order nung lalaki kanina. At dahil nga mag-isa lang ako ay ako ang maghahatid niyon sa kaniya.


Maingat akong naglakad palapit sa lalaki. Nakaupo lang ito habang nagbabasa ng libro. Kahit na nakasuot ito ng eyeglasses ay mapapansin pa rin ang kagandahan ng hitsura niya.


"Your cappuccino, Sir."  huminto siya sa pagbabasa at kasabay ng paglingon niya ay nagsimula nang rumehistro sa akin ang mangyayari sa kaniya, mamaya...


Magkakagulo dahil magkakaroon ng aksidente. Masasagasaan siya mamaya pag-alis niya rito sa Coffee Shop. Maraming madadamay. Maraming mawawalan ng buhay.


"Thanks. Are you alright? You look pale."  saka lang nawala ang mga iyon nang magsalita siya. Napakurap-kurap lang ako saka napatango. Tumango lang din naman siya saka bumalik sa kaniyang ginagawa.

AyaWhere stories live. Discover now