Chapter 26 : Trapped

31 6 56
                                    

"Sa Hiraya..." iyon ang naisip kong lugar na puntahan dahil kakaiba ang pakiramdam ko sa lugar na 'yon.



Isa pang dahilan, baka makita ko ulit doon 'yung matandang ale na nagbigay ng babala sa'kin. Sana nga makita ko siya dahil alam kong siya ang makakatulong at makakasagot ng lahat.



"Sa beach? 'Di ba pinasarado 'yon?" oo, pinasarado nila ang beach na 'yon at isang magandang tiyempo iyon. Dahil walang ibang makakakita sa amin.



"Oo, kaya iyon ang napili ko dahil bukod sa walang makakakita, wala rin tayong maaabala." nagsitanguan naman sila.



"Ngayon na ba tayo pupunta?" tanong pa ni Jerome.



"Bukas ng madaling araw, para hindi tayo maabala sa biyahe." alam kong kokontra si Zay, nabasa ko isip niya.



"Madaling araw? Eh, wala pa namang tricycle sa ganoong oras." gotcha!



"Wala tayong choice, maglalakad tayo." nagulat silang lahat pero agad ding nakabawi.



"Okay, dito tayo magkikita-kita." patuloy ko pa sa kanila.



Sana lang talaga at may malaman ako bukas. Sana maalala ko na ang lahat para mapag-aralan ko. Mahirap na at baka mahuli pa ang lahat.




×××




KAGAYA ng napag-usapan, magkikita-kita kami ngayon dito sa shop. At nandito na ako ngayon habang naghihintay sa kanila.



Inagahan ko talagang pumunta rito para makapag-isip-isip. Susubukan kong silipin kung ano ang mangyayari sa hinaharap.



Umupo ako sa sahig, pumikit at nag-concentrate. Pinakiramdaman ko ang paligid at ang malamig na ihip ng hangin. Inisip ko kung ano'ng mangyayari sa hinaharap pero wala akong makita. Sinubukan ko ulit pero nabigo lang ako, wala pa rin akong makita.



Siguro nga ang mga hinaharap lang ng pangkaraniwang tao ang kaya kong makita. Hindi ko na kasi makita ang mga hinaharap sa mga mata nina Zay, Jerome, Asion at Blanca simula nang magtapat sa'kin si Zin. Maging siya ay hindi ko rin makita. Siguro, iyon ang disadvantage, hindi ko pwedeng masilip ang hinaharap ng isang kagaya kong naiiba.



Tumayo na ako at umupo. Napatingin ako sa wristwatch ko at mag-aalas kwatro pa lang ng madaling araw. 4:30 ang napag-usapan namin pero mukhang hindi iyon mangyayari.



Nag-kape na lang muna ako habang hinihintay sila. Kumain naman na ako sa bahay kaya wala ng problema.



Makalipas ang halos dalawampung minuto ay dumating na rin sila. Mukhang kagigising pa nga lang nila sa mga hitsura nilang namamaga pa ang mga mata.



"Mag-kape muna kayo bago tayo pumunta. Alam ko naman na kagigising niyo lang." biro ko sa kanila. Tumawa naman sila at umupo.



Isang oras ang iginugugol namin dito sa shop at saka namin napagpasyahan na simulan ang lakad. Sumikat na ang araw pero hindi pa naman ganoon kataas kaya hindi pa mararamdaman ang init nito. Hindi naman pwedeng magtagal pa kami dahil siguradong mainit kapag tumaas na ang araw.

AyaWhere stories live. Discover now