Chapter 50 : Changed

22 2 0
                                    

GABING-GABI na pero hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Naglalakad lang ako sa tila walang katapusang kalsada.




Katahimikan lang ang bumabalot sa paligid. Malamig ang ihip ng hangin at walang bakas ng kahit na sino.




Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa mapagtanto kong nandito pala ako sa Hiraya Beach.




Ano'ng ginagawa ko rito?




Nagpalinga-linga ako sa paligid at hindi nga ako nagkakamali, nandito nga ako sa beach. Walang mga tao pero nakita kong bumukas ang mga ilaw sa hotel at sa food court.




Ano'ng nangyayari?




"You can't kill him! He's still my son!"  napatakip ako sa bibig ko nang makarinig ng pamilyar na boses sa 'di kalayuan. Naglakad ako para tingnan kung saan nanggaling ang sigaw na iyon.




"Pero kalaban siya! And he betrayed you!"   boses iyon ng isang babae, isang pamilyar na boses ng babae. Maingat akong nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa maging malinaw at malapit na ako mismo sa pinanggalingan ng mga boses. Pumwesto ako sa isang malaking pader malapit lang sa kinaroroonan nila at saka sumilip.




Sina Zino at Cassandra! Ano'ng ginagawa nila rito?!




"I know. But you just can't kill him! Ako na ang bahala sa kaniya."  sino ba ang pinag-uusapan nila? At bakit galit na galit si Zino?




"Ano bang nangyayari sa'yo?!"  sigaw ulit ni Cassandra kay Zino. Nakaharap si Zino sa dagat samantalang tinitingnan naman siya ni Cassandra. Ano bang problema nila?




"I'm keeping a promise!"  a promise? Kanino?




"A promise?! With whom?!"   nagtatakang tanong pa ni Cassandra.




"I made a promise to her and I want to keep it. Ito lang ang magagawa ko."   napailing-iling naman si Cassandra at napasabunot sa kaniyang sarili. Sino ba kasi ang pinagtatalunan nilang dalawa?




"So, you still love your wife? That's why you still care for your son?"   halata sa boses ni Cassandra na nasaktan siya. So, si Zin at ang mama niya ang pinagtatalunan nilang dalawa? Ano naman kaya ang ipinangako ni Zino sa asawa niya? Akala ko wala na siyang pakialam, eh..




"I still love her kahit na nagawa niya akong iwan. Hindi nawala ang pagmamahal ko sa kaniya and it's because of our son. They're still my family and no one can ever replace it."   si Zino ba talaga 'to? Bakit parang bigla siyang bumait?




"Stupid love, Zino! I thought ako na ang mahal mo and not them! But I was wrong! I'm sorry, but itutuloy ko ang plano ko sa ayaw at sa gusto mo."   matapang na sabi ni Cassandra saka iniwan si Zino. Nagtago ako ng mabuti para hindi ako makita ni Cassandra. Saan na kaya 'yon papunta? At ano ang planong sinasabi niya?




Nang mawala na si Cassandra sa paligid ay muli kong sinilip si Zino. Nakatitig lang siya sa malayo.




"Yna, I'm sorry sa lahat-lahat ng mga nagawa kong kasalanan. I know na hindi na iyon mababalik ng isang sorry. But I promise that I will keep my promise to you. I will take care of our son. And itatama ko na ang lahat ng mga maling nagawa ko."   umiiyak ba siya? Totoo na nga sigurong nagbabago na si Zino. Matutuwa kaya si Zin kapag nalaman niyang magbabagong-buhay na ang tatay niya?




"I know you're there..."   napapitlag ako nang magsalita ulit siya. Alam niya na nandito ako? Paano?




"I can feel your presence pero hindi ko lang pinapansin. You can come out now."   hindi ko alam kung bakit pero namalayan ko na lang ang sarili ko na lumabas sa pinagtataguan ko at lumapit kay Zino.




AyaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz