Chapter 13 : That Guy

50 9 52
                                    

NAGKUKUWENTUHAN lang kami ni Von habang naglalakad patungo sa sakayan ng tricycle. Natanong niya rin kung saan kami pumunta kahapon kaya ikwenento ko sa kaniya. Natutuwa ako dahil mukhang magiging close na kami ng pinsan ko.



"Kuya, pasakay po." tawag ni Von sa isang tricycle na agad namang lumapit sa amin. Nandito na kami ngayon sa sakayan ng tricycle.



Pinauna niya akong pumasok at siya ang sumunod. "Saan tayo, boss?" tanong ng driver. "Sa sakayan po ng jeep, Kuya."

Malayo pa ang Robinson's dito. Madadaanan pa namin ang Hiraya Beach bago makarating sa Robinson's. Kaya kailangan pa naming sumakay ng jeep para makarating doon. Medyo malayo rin kasi sa sakayan ng jeep kaya kailangan pang mag-tricycle.



Matapos ang ilang minuto ay narating na namin ang sakayan ng jeep. Doon ay sinalubong kami ng mga kasama niya. Alam ko na sila ang magkakasama, pero hindi ko alam na magkikita-kita pala sila rito. Hindi ako na-inform at hindi ako dapat ma-inform dahil naisama lang naman ako dito haha.



"Oh, pre, sino'ng kasama mo?" tanong ng isang lalaki nang mapansin niya ako. Tumigil naman sila sa pagsasaya at tumingin lahat sa'kin. Oh, alam kong maganda ako haha joke.



"Ah, this is Aya, pinsan ko." pagpapakilala ni Von sa'kin sa mga kasamahan niya. Isa-isa naman silang lumapit sa akin para magpakilala. Medyo nailang ako dahil puro lalaki sila. Hindi katulad kay Jerome at Asion na nasanay na'ko.



"Hello, I'm Kevin. Nice to meet you, Aya."  si Kevin 'yung lalaking nakapansin sa'kin kanina. Mukha naman siyang mabait at magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi siya gwapo. Kahit na moreno ay mapapansin mo pa rin ang kagandahan ng hitsura niya. Napansin kong siya rin ang madaldal sa kanilang apat dahil kanina pa siya salita nang salita. Parang si Jerome lang.



"Hi, ako naman si Wen, nice to meet you."  nakangiting pagpapakilala ni Wen. Siya yata ang pinakamaliit sa kanilang grupo. Gwapo rin siya kahit siya lang ang naka-eyeglasses sa kanila. Sakto lang naman ang puti niya at sa boses niya pa lang ay masasabi kong mabait siya at taliwas kay Kevin na sobrang ingay.



"I'm Leo, nice to meet you." si Leo naman ang pinakamakisig sa kanilang lahat. Kapansin-pansin ang mga malulusog niyang muscles at ang six-pack abs niya sa kaniyang manipis na polo. Gwapo siya at katulad ni Kevin ay moreno rin siya.



Nginitian ko lang silang lahat matapos magpakilala. Mas lalo tuloy akong nahiya dahil ang guguwapo nilang lahat! Baka isipin pa ng mga taong makakakita sa'min na ang landi ko, na ang harot ko. Well, wala naman akong pakialam sa mga sasabihin nila, kasi alam ko naman sa sarili ko na wala akong ginagawang mali at masama. Naiinggit lang sila at walang magawa sa buhay.



"Tara na sa loob, baka maubusan pa tayo ng seats."  anyaya ni Kevin kaya naglakad na kami papasok sa jeep.



Sa tabi ng babaan at pasukan ng jeep ako pumwesto at katabi ko si Von. Nasa tabi niya naman ang mga kaibigan niya na kanina pa kuwentuhan nang kuwentuhan. Natatawa na lang tuloy ako dahil kanina pa sila pinagtitinginan ng mga tao rito sa jeep dahil sa kaingayan nila.

AyaΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα