Chapter 32 : It's Not Done Yet

30 3 12
                                    

"Aya."



"Aya.."



"Aya..."



Nasa'n ako? At parang pamilyar ang boses na tumatawag sa pangalan ko...


"Aya..." inilibot ko ang mga mata ko pero wala akong ibang makita kung 'di liwanag. Malayo ang pinanggalingan no'n pero malinaw kong naririnig. Maliwanag at tahimik ang buong paligid. Nasaan ba 'ko?


"Aya... aking anak." napaawang ang bibig ko nang muli kong marinig ang boses. Ngunit ngayon, mas maliwanag na at alam kong nasa likuran ko iyon.



Paglingon ko ay nakita ko si Mama!



"Ma! Ma!" kumaripas ako ng takbo at agad na niyakap si Mama pero bigla akong tumagos mula sa katawan niya.


"Hindi mo ako mahahagkan, anak. Maging ako ay nananabik nang mahagkan ka ngunit hindi maaari." malungkot na sabi niya kaya nilapitan ko siya. Isa na lang siyang kaluluwa kung kaya't hindi ko siya pwedeng mahawakan.


"M-miss na miss ko na po kayo." umiiyak kong sabi habang nakatingin sa mga mata niya. Kitang-kita ang kalungkutan mula roon.


"Nami-miss kana rin namin ng iyong ama. Patawarin mo kami kung wala kami sa tabi mo ngayon. Nais kong maunawaan mo na ginawa namin iyon para ikabubuti ng lahat, at sa ikabubuti mo." wika ni Mama at nakita ko rin ang pagtulo ng luha niya. Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang umiiyak.


"Batid kong nahihirapan at lubusan kang nasasaktan sa mga nangyayari at nasasaktan dahil wala akong magawa. Pero huwag kang mawalan ng pag-asa, anak. Sana maintindihan mo na kailangang may magsakripisyo para sa ikabubuti ng nakararami. Hindi lahat nagiging masaya, anak, ngunit hindi iyon mahalaga. Ang mahalaga kahit na ilang beses ka ng natalo, kahit ilang beses ka ng nadapa at kahit ilang beses ka ng nasaktan. Ang mahalaga, lumaban ka pa rin, anak." taimtim lang akong nakikinig sa mga sinasabi niya. Bawat salitang binibitawan niya ay tila nagbibigay sa'kin ng liwanag at pag-asa.


"Alalahanin mo, na ang mga sakripisyong ginawa ng mga mahal mo sa buhay ay ginawa nila para sa'yo. Hindi nila gugustuhing isisi mo lahat sa iyo ang mga nangyari sa kanila. Lagi mo ring tatandaan anak na hindi ang kapangyarihan ang tunay na sandata para manalo ka sa laban, kung 'di ang puso mo. Iyan ang tutulong sa'yo upang gapiin ang kasamaan at tuluyan itong mawakasan. Makapangyarihan ang puso, anak at huwag na huwag kalilimutan kung paano iyon gamitin." napaiyak ako dahil sa mga sinabi ni Mama. Tila nagkaroon ako ng lakas ng loob at nagising ang pagkatao ko.


"Masaya ako na makita kang muli, anak. Naniniwala akong ikaw ang magwawagi sa huli. At huwag mong kalilimutan kung ano ang dahilan kung bakit ka nagpapatuloy. Sa isang mahabang paglalakbay, kailangan mo ring mamahinga. Ngunit huwag na huwag kang susuko kahit ano man ang mangyari. Gaano man kahaba ang gabi, sasapit din umaga." at sa mga sandaling iyon, wala akong magawa kung 'di panoorin si Mama na unti-unting naglalaho.





"Aya!"


"Aya!" napabalikwas ako nang yugyugin ako ni Vino. Malabo pa ang nakikita ko pero unti-unti ring naging malinaw. At napagtanto kong, wala na kami sa Zinotes.


Agad kong naramdaman ang malagkit kong pisngi at ang mabibigat kong mata. Agad kong pinunasan ang mukha ko gamit ang kamay ko.


"I'm sorry. Nakita kasi kitang umiiyak habang natutulog kaya ginising kita." malamig ang boses na sabi ni Vino. Ramdam na ramdam ko pa rin ang lungkot at pagluluksa sa pananalita niya.


AyaWhere stories live. Discover now