Special Chapter 6 : The Finale

48 1 0
                                    

July 12, 2023

This part is the final ending of the story, guys! So, please ihanda niyo ang mga sarili ninyo dahil isa na lang at matatapos na ang ating paglalakbay! Well I really struggled while writing this part kasi hindi ako satisfied sa nagiging ending. It feels like may something na kulang kaya hindi ako makapag-decide kung ano ang magiging final ending niya. To be honest, nakailang ulit ko nang ni-revise itong ending kaya sobrang gulo at hindi ko na rin nasunod pa 'yong mga target deadlines ko. Kaya kung hindi kayo satisfied o masaya sa naging ending, I'm very sorry. But I tried my best para maging maganda pa rin ang maging wakas ng kuwento. Baka kasi dalawin ako ni Aya if ever na hindi maganda kaya umaasa talaga akong maging successful ang kahinatnan niya.


January 1, 2023

Hello guys! Happy New Year!
Juicecolored! Inabot na ng 2023 ang akda kong ito. Naloloka na ang lola niyo. Isang chapter na nga lang hindi ko pa matapos-tapos. Nakakaiyak!


Anyway, kaya hindi ko matapos-tapos ang kwentong ito ay dahil sa:


1. Tinatamad ako

Inaamin ko na sobrang tamad kong magsulat for the past 2 years. Lalo na noong mga panahon na marami akong kinakaharap sa buhay. Hindi ko naman ‘to maisabay kasi nga nahihirapan na ako at hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko.


2. Writer’s Block

Ito pa ang isa sa mga naging hadlang para hindi ko matapos ang nobelang ito. Pinipilit kong magsulat dati pero hindi umaabot sa 1,000 bilang ng salita ang nagagawa ko. Tapos ang pangit pa kaya hindi ko na lang itinutuloy.


3. Busy sa School

Lahat naman siguro tayo ay mayroong pinagkakaabalahan sa buhay. At sasabihin ko na sa inyo na sobrang dami ng nangyari sa akin sa buhay ko bilang isang Grade 12 student.  Naging President ako ng SSG na hindi ko kailanman binalak. Na-stress tuloy ako kasi wala akong kaalam-alam sa pagiging Presidente. Idagdag pa na Presidente rin ako sa classroom namin. Mas ayos na sana na kahit nasa room na lang ako mag-president, e. Isa pa sa naging problema ko ay ‘yong subject naming Practical Research 2. Grabe! Sobrang nahirapan kami sa subject na iyon, idagdag pa na medyo terror ‘yong subject teacher namin. Juiceko! As in, buong araw sa eskuwelahan, ang subject na ‘yon lang ang pinagtutuonan namin ng pansin kasi ayaw naming mahuli. Tapos sumabay pa ‘yong mga reportings sa iba’t-ibang subject. Hindi pa sila nakuntento, nagbigay pa sila ng mga performance tasks. May isang araw pa nga dati na halos wala kaming hinto sa pag-aaral. Ni hindi na nga kami nakakakain sa tamang oras dahil sa dami ng isipin at kailangang tapusin. I swear, Grade 12 life, sobrang hirap at nakapapagod.


4. Personal Life Problems

May kaniya-kaniya naman tayong personal na buhay ‘di ba? And I know na hindi natin ‘yon basta-basta binabalewala. So ito na nga. Habang stressed na stressed ang lola niyo sa schoolworks, nakisali pa ‘tong problema sa bahay. Hindi ko nalang ise-share kasi nga personal. Nakakapagod siya sa totoo lang. Nakakapagod na nga sa school, hindi ka pa makakapagpahinga nang maayos sa bahay. Hays.


So nakita niyo naman kung ano ‘yong mga naging problema ko sa buhay kaya sana maintindihan niyo kung bakit hindi ko pa natatapos ito. Inabot na nga siya ng mahigit dalawang taon which is wala naman talaga sa plano ko. Kaya naman nitong mga nagdaang linggo na wala masiyadong iniisip, sinubukan ko ulit magsulat and yes! Naging maayos naman siya kasi nakasulat ako ng marami. And fortunately, nabigyan ko na siya ng pagtatapos, sa wakas. Hindi ko alam kung nakaka-satisfy ba ‘yong naging ending or what pero ‘yon na ‘yon. Hindi ko na babaguhin. Pero sana, yes umaasa akong magustuhan niyo at mabigyan ko ng katarungan ang mga characters at ang kanilang kwento. Check it out now!

AyaOnde as histórias ganham vida. Descobre agora