C H A P T E R 6 5

428 20 1
                                    

C H A P T E R  6 5

Kaizhee has a severe mental illness, at the age of 33 he was diagnosed having a obsessive love disorder and mixed mania. Walang nakakaalam kung paano at bakit siya nagkaroon ng ganoong kalalang sakit, may mga haka-haka na namana niya raw ang sakit sa utak sa kaniyang ina.

"Ayesha needs me! Pakawalan niyo ako!" pagwawala niya.

Sa anim na buwan niyang nasa loob ng asylum, ay wala paring pinagbago. Palagi nalang siyang nagwawala, minsan sinasaktan niya ang kaniyang sarili. Gusto kong sisihin ang sarili ko, dahil lahat ng mga kasamaang nagawa niya ay para sa akin.

"Babe don't worry I will get revenge for you! Ako mismo ang papatay sa gagong yun!" paulit ulit niyang sigaw.

Nabulag siya at naputol ang kanang kamay, himala't nabuhay pa siya sa kabila ng mga paghihirap na natamo niya sa kulungan.

Ang dating Presidente ang mismong gumawa sa kaniya nito para sa hustisya sa kaniyang apo at ilang mga magulang na namatayan ng anak.

"Ayesha please don't cry. . . Wait for me, I will kill him with my bare hands." malumanay niyang sinabi na para bang nasa harapan niya ako at nakikitang umiiyak.

Bumuntong hininga ako ng malalim, at napagpasyahang i-off na ang monitor kung saan napapanood at nababantayan namin si Kaizhee.

Pagkalabas ko ng Security Control Room, bumungad agad sa akin ang pinaka-nakakairita at pinaka-panget na lalake sa buong mundo.

Matalim ko siyang tinignan.  "Anong nginingitian mo diyan?" inis kong tanong.

"Uh Love, sasamahan ko kayo sa check up." nag-aalangang sagot niya.

Pinasadahan ko siya ng tingin, bagong ligo at kahit malayo ay tiyak na maaamoy mo ang pabango niya. Talagang may pinopormahan ang tarantado, history repeats itself na naman ba?

"Ay hindi! Ayoko! Ayokong kasama ka. Lalandiin mo rin lang naman ang mga nurse doon. Imbes na sa anak ka natin magpokus. . . ayun! Makikipagtawanan sa mga nurse, diba? Kaya wag na wag kang sasama!" naiinis at pagalit kong saad.

Nilagpasan ko siya at dumiretso na sa kwarto ng mga anak namin. Nadatnan kong binibihisan palang ni Ate Ferlyn ang dalawa.

Masaya akong makitang ang dating aso't pusa kong mga anak ay magkasundong- magkasundo na ngayon.

"Rogue let's play after your check up!" bibong sinabi ni Kalin.

Tipid siyang ngumiti. "Okay just don't invite girls. I really don't like your little Auntie. . ." aniya.

Madalas kasing dinidikitan ni Aileen si Rogue para asarin at kulitin na makipaglaro sa kaniya ito. Kung dati ay ang kapatid ko ang may ayaw kay Rogue, ngayon ito na ang nagpapansin at naghahabol.

"Mga anak tara na?"

Magkasabay silang lumingon sa akin, at patakbo nilang akong dinagma ng marahang yakap. Liningon ko ang nasa likuran ko ng yumakap din ito sa akin.

"Hmm let's go, Love?" paglalambing niya.

Siniko ko siya para lumayo. "Hindi ka sasama." pinal kong sinabi.

"Anak bakit parang ang init-init ng dugo mo sa asawa mo?!" rinig kong tanong ni Popshie.

"Siya? Asawa ko? Ayaw nga akong pakasalan eh!" inis kong sagot at nauna nang sumakay sa kotse.

Iritable ako buong biyahe, kahit na nilalambing ako ng mga anak ko ay hindi ko parin maintindihan ang sarili ko. Sa tuwing nakikita ko si Khalix, parang gusto kong awayin siya buong araw.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now