C H A P T E R 49

547 31 0
                                    

C H A P T E R 4 9

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya ng mapadako ang tingin ko sa labas. Naroon si Kaizhee na walang emosyong nakatingin sa amin.

"Kai!" pagtawag pansin sa kaniya ng kapatid.

Mahinang natawa ako ng hindi manlang siya nito pinansin. Napaayos ako ng tindig at aakmang lalapitan ko si Kaizhee ngunit pinigilan ako ni Khalix.

"What?" tanong ko.

Umirap ang gago. "Stay."

"Pero si-"

Nagulat ako ng biglang nasa harapan ko na si Kaizhee nang lumingon ako sa gawi nito. Mabilis akong hinapit ni Khalix palayo sa kaniya ng muntikan ng magbangga ang tungki ng ilong namin.

"Uh ikaw pala K-kaizhee." awkward kong saad.

Salitan niya kaming tinignan ni Khalix, bago unti-unting nag-iba ang kaniyang ekspresyon.

"Kaizhee, ayos ka lang?" tanong ko.

Kiming ngumiti ako kahit naiilang ako sa paraan ng pagtingin niya sa amin. Pansin kong naglalabasan ang litid sa kaniyang leeg at sintido na para bang may mali akong nagawa o nasabi sa kaniya.

"Act like a normal, Kaizhee." seryosong saad ni Khalix dahilan ng pagsilay ng nakakatakot na ngisi sa kaniyang labi.

"Uh huh." nangungutyang aniya.

Humiwalay ako kay Khalix nang dumaan si Kaizhee sa gitna naming dalawa. Tinabig niya ang pinsan dahilan ng pagkawala ng balanse ni Khalix.

Naiiling itong tumawa. "Act like a normal, Dude." may halong pang-aasar ang tinig nito.

Dagli kong linapitan si Khalix at tinulungan siyang tumayo. Hindi naman siya nasaktan bagkus tumawa rin ito. Aba! may lahing abnormal yata ang magpinsang to!

Umatras ako ng dumaan ulit si Kaizhee sa pagitan naming dalawa ni Khalix. Sinamaan ko siya ng tingin ng dumiretso ito kay Giselle, at bahagya niya itong binuhat.

Nilingon niya ako."I'd rather take the responsibility than you'll be in jail." aniya.

"Ayoko dito lang ako! Hey put me down! Elaiza sabihan mo nga itong kapatid mo!" pagpupumiglas ni Giselle.

Nagkatinginan kami ni Khalix, kibit balikat akong tumango samantalang siya ay napairap at maingat akong hinawakan sa kamay.

"Then take the responsibility and I will take her home." nangingising sinabi ni Khalix dahilan ng biglaang pagbitaw ni Kaizhee kay Giselle.

Napapikit ako sa malakas na pagbagsak ng bruha sa sahig. Dumilim ang awra ni Kaizhee ng mapatingin sa magkasiklop naming mga palad ni Khalix.

"Arghh ang s-sakit. . ."

Maaawa na sana ako sa kalagayan ni Giselle pero kulang pa ang lahat ng yan sa mga sakit na idinulot niya sa buhay ko. Kulang na kulang pa ang karma para sa kaniya at gagawin kong impyerno ang buhay niya.

"Kai why did you do that?!" sita sa kaniya ni Elaiza. "Kukunsintihin mo rin ba ang kriminal na yan?" dagdag niya at dinuro ako.

Natawa ako ng irapan siya ni Kaizhee. Sumulyap ako kay Khalix, naiiling na napangiti akong nasa akin rin pala ang tingin niya. Panatag na ang loob ko ng hindi niya kakampihan si Giselle.

Ngayon, kailangan ko nang gawin ang lahat ng plano ko. Hindi ko hahayaang masira ng kung sino lahat ng pinaghirapan ko, sapat na ang dalawang taong naging malaya si Giselle.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now