C H A P T E R 48

810 32 11
                                    

C H A P T E R  4 8

Natawa ako ng may maisip akong kalokohan. Nangingising sumulyap ako sa mga pulis at sa mga reporters bago ibinaling ang tingin sa tatlong bruha.

Napaatras si Giselle ng maglakad ako palapit sa kaniya. Pinatamaan ko ang sahig dahilan ng pagtitili nila.

"Y-you B-bitch!" duro sa akin nito.

Sarkasmong napatakip ako ng bibig."Oh am I?"

"Sisiguraduhin kong makukulong ka! Walang sinuman ang makakatulong sayo kahit pa humingi ka nang tulong kina Tito Logan!" gigil niyang sigaw.

Nang-iinsulto akong tumawa."That's your goal huh? Then make it sure."

"Don't worry Giselle, my husband has alot of connection. He can easily put her in jail." nakangising saad ni Elaiza at yinakap ang braso ng asawa.

Nagkatinginan kami ni Liam, napangiti ako ng tanguan niya ako at kunwareng inayos ang suot na spectacle ng tignan siya ni Elaiza.

Tinaasan ko ng kilay si  Elaiza ng possessive itong yumapos sa bewang ni Liam at masamang tumingin sa akin.

"Don't drool over my husband, Ayesha. Hindi pa ba sapat na pinagsasabay mo ang kapatid ko at si Khalix." mapanuyang sinabi ni Elaiza at sinabayan pa nito ng paghalakhak.

Napasinghap ang marami, napalingon ako sa mga reporters. Pansin kong naka-on ang camera nila, at ang ilan ay nakatutok ang mga cellphones sa amin. Tiyak kong umi-ere na sa socialmedia at television ang nagaganap dito sa presinto.

Sira na ang pangalan ko, at hindi ako papayag na ako lang ang masisira dito. Kung babagsak ako, isasama ko silang tatlo.

"Inagaw mo na kay Giselle ang bestfriend ko, nilalandi mo pa si Kai. Mahiya ka naman Ayesha, tinuhog mo talaga yung magpinsan?!" sabi ni Irene.

Sinenyasan kong huwag makialam sina Quiro at Capt. Jack. Tumango sila, at nagsiatrasan ang mga tauhan nila, maayos silang pumwesto sa may pinto.

Kung heto ang gusto nila, pagbibigyan ko sila. Makikita ng lahat ang gagawin ko sa tatlong bruha sa harapan ko.

"Ano Ayesha?! Gagamitin mo yang mga tauhan nila Tito Kin laban sa amin? Hindi pa ba sapat na pinakidnap mo ako at sinaktan!" sigaw ni Giselle at nagsimulang umiyak.

Dagli akong lumapit at walang alinlangang idinikit ko sa kaniyang noo ang nguso sa hawak kong baril. Idiniin ko ito at kunwaring ipuputok.

"Die?!"

"Ms. Ayesha!"

Sumilay ang malademonyong ngisi sa aking labi ng makita siyang naistatwa at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin.

"S-sige, s-subukan mo. . ." pagmamatapang niya kahit pansin kong nanginginig na siya sa sobrang takot.

Pinutukan ko ang pwesto nila Elaiza ng nagtangka siyang lumapit sa akin.

"H-hayop ka Ayesha!" sigaw nito.

Umirap ako at muling pinaputukan ang pwesto niya. Sunod kong pinutukan ang pwesto ni Irene. Napayakap siya kay Elaiza, malakas akong tumawa sa nakikita, hindi na maipinta ang itsura ng dalawa habang magkadikit na nagyayakapan.

"Ms. Ayesha!" pagpigil sa akin ni Quiro.

Tumikhim ang Chief. "Ms. Madrigal bawal ang ginagawa mo, maaaring madagdagan pa ang kasong isasampa namin sayo." aniya.

"REPUBLIC ACT No. 10591-" napatigil si Irene sa pagsasalita ng itinutok ko sa kaniya ang hawak kong baril.

Nilingon ko ang Chief. "Chief, bakit hindi nalang tayo magsampahan ng kaso? Tutal makukulong naman ako, eh ikaw? tanggal lisensya at habang buhay kayong makukulong, pano ba yan?" nakangising saad ko.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now