C H A P T E R 32

749 29 0
                                    

C H A P T E R 3 2

Brianna Amy PoV,

Kaloka. . . pang World War III yata ang peg ng mga action star dito sa mansion nila Boss Khalix. . . teka, may shooting ba dito?. . . gosh! Nandito sina hubby James at Kyle Swest.

"James. . . my hubby."

Matamis akong ngumiti ng mabungaran ko ang ultimate hubby kong si James Thompson. Gwapo parin siya kahit magulo yung ayos niya, kahit masungit yung awra niya at kahit. . .

"Stop staring at me. . ."

Hinawakan ko siya sa braso. "H-hubby."

"In your dreams." asik niya at mahinang tinulak ako.

Napabusangot akong sumunod sa kanila. "Hmmp!"

Sinalubong siya ng mga taong may suot na maskara. Pamilyar ang isa sa akin, dahil butler iyon ni Boss Khalix. . . sa pagkakaalam ko ay pinsan ito ni Sir Raquel kaso hindi ko alam kung bakit ang hilig niyang magsuot ng maskara, gwapo naman siguro siya?

"Bakit ang aga nilibing si Claire?" tanong ko sa kanila. "3:20 am?" di ko sigurado.

Liningon ako nung lalakeng nakasmara, habang ang mga kasama niyang may suot na maskara ay dumiretso papunta sa kusina.

"You are?" tanong niya.

Tumikhim si James. "Archie's girlfriend."

Speaking of Archie, ang loko hindi manlang ako ginising kaninang madaling araw nang masamahan ko sina Tita Agatha at Bff. Pero okay lang, atleast nagpromise siyang may date kami mamaya.

"Oh, for real?" gulat yarn?

Ngumisi ako. "Brianna Amy Dela Cruz. . . 25 years old, singl-. . . singerist. . ." oo nga pala jowa ko si Archie, my 'bebeko'.

"Arghhhhhhhh!"

Napaigtad ako ng makarinig ako ng malakas na pagsigaw. Sinabayan niya iyon ng pagwawala at pagdaing, na para bang pinapahirapan ito.

"Hubby. . . I'm scared" pagyakap ko sa kaniya.

Tinulak niya ako. "I'm contented with my Wife."

"Ay so totoo yung tsismis?. . . At sino namang pinalit mo sa akin?" nang-iintriga kong tanong.

"Arghhhhhhhhhhhh!" sigaw ng kung sino.

Kinabahan ako sa narinig, acting'an pa ba yun?. . . masyadong brutal yata ang ginagawang scene nila Kyle Swest sa loob. Hindi ko kere ang manood ng panghorror, geez!

"Let's go, Ms. Brianna Dela Cruz." pagtawag sa akin nung lalakeng nakamaskara.

Nagpameywang ako. "May 'Amy' sa pangalan ko!"

"Let's go Ms. Brianna Amy Dela Cruz. . ."

Tumabi ako sa kaniya sa pagpasok sa loob, ayaw kasing magpahawak ni James akala mo naman may dala akong virus. . . tss!

Unang nakita ko ang mga future parents-in-law kong si Daddy Richie ngunit napatigil ako ng makitang namumugto ang mga mata ni Mommy Arabelle at tulala siya sa kisame.

"How's the company?"

Tumindig ako. "Lahat po ay tumaas ang sales rate. Our Prime Whyxz branch sa America, New Zealand at Japan ay 3% ang tinaas sa paghahandle ni Sir Kaizhee. . ."

"About Philippine Digital Enterprise tumaas po ng 1.85% sa paghahandle ni bebeko. . . este ni Sir Archie, and also ang Prime Whyxz Main Branch ay tumaas ng 3. 79% under the management of Mr. Trojan Keio Roque? . . ." pilit ngiting paliwanag ko.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now