C H A P T E R 59

281 21 0
                                    

C H A P T E R  5 9 ( Six Weeks later )

Ayesha PoV,

Iminulat ko ang aking mga mata ng maramdaman ang tila mainit at nakakapaso na bagay na nakadagan sa aking katawan.

Malaya kong napagmasdan ang malalim na kulay kayumanggi niyang mga mata, na abala din sa pagtitig sa akin.

"Goodmorning, Love." paos niyang bulong.

Nanlaki ang aking mga mata sa napagtanto, bumuhos ng mga katanungan sa aking isipan habang siya ay hindi tinatanggal ang titig sa akin.

Geez anong nangyari? Teka! May nangyari sa'ming dalawa? Huh!? Paano?. . . ni wala akong matandaan.

"Ahh-rayy!"

Napangiwi ako sa hapdi ng sinubukan kong gumalaw. Mabilis siyang bumangon at inalalayan ako sa pag-upo.

Namula ako ng pasadahan ang hubo't hubad niyang katawan. Mala-adonis at kaakit-akit nga talaga ang hubog ng kaniyang katawan at hindi ko mapigilang mapakagat labi ng mapasulyap sa kaniyang pumuputok na abs!

Tumindig ang balahibo ko ng dumampi ang kaniyang mainit na balat sa akin. Tila ako'y kinuryente ng marahan niyang hawakan ang aking noo.

"Thank god you don't have a fever." aniya at napabuga ng hangin.

Nag-init ang pisngi ko kasabay ng pag-iinit sa paligid. Naasiwa ako sapagkat pareho kaming walang saplot, hindi ko alam kung ano ang sasabihin at kung ano ang unang gagawin.

Tumikhim ako. "Uh m-magdamit. . . m-magdamit n-nga muna t-tayo. . ." kandautal kong saad at nag iwas ng tingin.

"Oh yeah! I'm sorry, Love. . . I forgot!"

Dagli siyang nagdamit at kumuha ng roba sa closet, at maingat niyang sinuot sa akin. Gayunpaman, hindi mawala-wala sa isipan ko ang mga katanungan. . . pagkatapos ng halos anim na taon, nadiligan ako ng wala akong maalala?

Sumandal ako sa headboard. "H-hindi ako nagsisisi na may nangyari sa atin. . .pero bakit wala akong maalala bukod sa salo-salo na dinaluhan natin kina Tito Richie. . . kagabi?" nahihiyang tanong ko.

Magkakasama kaming dumalo sa Mansyon ng mga Mondragon para gunitain ang malaking biyaya na dumating sa pamilya nila. Masayang ibinalita ang pagbubuntis ni Bria kaya umuwi agad sina Tito Richie at Tita Arabella para i-celebrate kahit hindi pa nila nahahanap si Archie.

Ipinilig ko ang aking ulo, pilit inaalala ang mga sumunod na nangyari. . . ngunit wala parin akong matandaan.

"It's all Kaizhee's fault. . ."

Lumingon ako sa kaniya. "Si Kaizhee?"

Paanong kasalanan niya, kahit naalibadbaran ako sa klase ng pagtitig niya sa akin kagabi ay hindi ko maalalang nagsalita siya o lumapit manlang siya sa akin.

"I think he drugged you. . ." sagot niya.

Bumuntong hininga siya. "I noticed you both suddenly disappeared so I looked for you. . . I was hurt when I found you and Kaizhee kissing in garden."

Nanlaki ang aking mga mata. "Ano? Ako at si Kaizhee naghahalikan?!" sigaw ko at napapunas ng bibig.

"Seeing my girlfriend kissing my cousin. . . Damn! I was really hurt, Love." malungkot niyang saad.

Saglit na binalot ng katahimikan ang paligid. Sobrang na-guilty ako dahil nagawa ko iyon sa kaniya. . . Inabot ko siya at mahigpit siyang yinakap.

"I was really hurt, Love. . ." ramdam ko ang sakit sa boses niya.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now