C H A P T E R 34

826 33 3
                                    

C H A P T E R 3 4

Ayesha Madrigal PoV,

4 years later. . .

"Babe, will you marry me?"

Bakit ba na-uso ang social media sa panahon ngayon? Pati tindera, imbes na magtinda at kumita ng pera. . . heto nakikiusyoso sa trending na engagement proposal ng gagong yun.

"Babe please wake me up if it is just a dream."

"It's never been a dream, Babe."

Napairap ako sa ere, kotang-kota na talaga ako sa video na iyan, kahit saan palagi ko nalang napapakinggan. Hindi pa ba enough na laging siya ang headlights sa mga magazines at news? kahit sa internet palaging nadadawit ang pangalan niya. . . talagang wala akong takas sa gagong yun.

Tumikhim ako. "Ale, magbebenta po ba kayo o manonood nalang diyan?. . . Tatlong bag ng gummies at hetong malaking chuckie ho bibilhin ko!"

Saglit niya akong tinignan. "Teka lang Ineng. . ."

"Paki-pause nga po muna. . . nagmamadali ho kasi kami ng anak ko." timping inis kong sinabi.

Umusbong ang inis sa sistema ko, kanina pang nakaharap ang tindera sa pinapanood. . . nakakangalay din kayang tumayo ng halos kalahating oras.

"Mimi. . ."

Sumulyap ako sa anak ko, pinapasok na niya ang tatlong bag ng gummies sa kotse habang iniinom na niya ang chuckie na parehong hindi ko pa nabayaran.

"Ale." pagtawag ko sa tindera.

"Konti nalang. . . magyeyes na siya!" kinikilig niyang sigaw at napapadyak pa ito sa tuwa.

Naghahanapbuhay pa ba ang tinderang to? Kung kiligin at makahiyaw sa tuwa akala mo naman gwapo yung nagpropose, tss napakapangit kaya!

"Ale, yung ending niyan nag-yes yung girl pagkatapos ayun may fireworks. . . then nagkiss yung panget at si girl. . ." sarkastikong sinabi ko at napairap ng muling tumili ito.

Humagikgik yung tindera. "Hindi kaya panget si Khalix Trevor. . . kahit may girlfriend na siya pinag-aagawan parin." aniya.

Sa sobrang inis ko, nakalimutan ko nang magbayad sa tindera. Tuwang tuwa naman ang anak ko dahil libre daw iyon sa amin ng tindera, kasalanan naman din kasi nung Ale mas inuna niya ang mga walang kwentang bagay kaysa sa kaniyang negosyo.

"Fasten your seatbelt, Kalin." sabi ko.

"Done, Mimi."

Napangiti ako. "Bigboy kana ha."

"Mimi, gusto ko na po magkababy-sister."

Napaubo ako at napilitang itigil ang sasakyan sa gilid ng daan. Inagaw ko sa kaniya ang iniinom niyang chuckie at agad na linagok iyon.

"A-ano ba. . . yang p-pinagsasabi m-mo ha Kalin Riguel!" nagkanda-ubong sinabi ko.

Namungay ang mga mata niya. "Mimi I want a little sister. . ."

"Tseh!"

Ngumuso ito. "Ang daming naliligaw sayo Mimi, why don't you said yes to one of them po?" conyong tanong niya.

"Nanliligaw kamo. . . bakit ko naman sasagutin ang isa sa mga tukmol na yun kung hindi ko naman siya mahal?" balik kong tanong.

Nalukot ang mukha niya. "Okay Mimi, you win."

Impregnated By The Billionaire Donde viven las historias. Descúbrelo ahora