C H A P T E R 52

527 32 0
                                    

C H A P T E R  5 2

Ayesha Madrigal PoV,

Ngayon sana ang pinakamasayang araw para sa bestfriend kong si Bria, ngunit hindi sumipot si Archie sa kanilang kasal.

Lahat ay nagtataka at dismayado, habang sina Tita Ara at Tito Richie ay nagpupuyos sa galit dahil sa malaking eskandalong ginawa  ng kanilang unico iho, maging ako ay hindi maiwasang magalit at mainis kay Archie. . .

"Where's the groom?"

"Ara, nasaan na ang pamangkin ko? Anong oras na. . .pupunta pa ba si Archie sa kasal niya?" tanong ng isang ginang.

Tumikhim si Tito Richie. "Actually, we didn't know where he is." sagot nito sa mga bisita.

Hinanap ko sa paligid sina Hashii, ni anino ng mga tukmol na yun ay hindi ko manlang maaninag. Hindi kaya, may alam sila kung bakit hindi sumipot ang kaibigan nila?

Nakapagpaalam naman sa akin si Khalix na sasaglit siya sa Prime Whyxz para pirmahan ang kontrata, samantalang si Kaizhee ay abala sa mga kasong hawak niya sa PIVORLAW.

Dagli kong inalalayan si Bria, nang muntik na siyang matumba. Simula't kanina pa kasi itong umiiyak. . . akala namin ay baka prank lang ni Archie ngunit ilang oras na ay hindi pa ito dumadating.

"M-may balita na b-ba sa kaniya, Bff?" gumagaralgal niyang tanong.

Malungkot akong umiling. "Hindi ko macontact. . ."

Binalingan ko ng tingin ang mga reporters na nagwawala sa labas, marahil ay uhaw na uhaw na naman sila sa tsismis.

"Nakakahiya Bff. . ." pagyakap sa akin ni Bria.

Marahan kong hinaplos ang likuran niya. "Hayaan mo sila, ang mahalaga ay super ganda natin for today. . ." paglambing ko at sinabayan ng mahinang pagtawa.

Napapitlag ako ng bumulaga sa harapan ko ang bubwit. Humiwalay ako kay Bria, at pinasadahan ang suot nito, himala at hindi niya kasama ang anak ko.

"Oh ba't k-ka nandito?" sumisinok na tanong ni Bria sa kaniya.

Humagikgik ang bubwit. "Invited ako eh."

"Aba!"

"Abakada!" pilyong saad nito.

"Okay na sana eh, bagay yang suot mo dahil nagmumukha kang inosente kaso pasaway ka talagang bata. . ." inis kong sinabi.

Nabigla ako ng yakapin niya ako. "Thank you Tita Pretty. . . ikaw rin, bagay yang suot mo kaso kinulang ka sa dede!" aniya at mabilis na pinisil ang dibdib ko.

Aakmang kukurutin ko ito sa tagiliran ng saktong dumating ang kapatid ko at nakiyakap rin sa amin. Dumampi sa braso ko ang dala niyang pagkain, at natawa nalang ako ng mapansing may amos pa ito sa gilid ng labi kaya nawala ang inis ko kay Yna.

"Hug! Ate Bria let's hug! Group hug!" bibong sigaw ni Aileen.

Napangiwi ako ng nakahawak parin si Yna sa kanang dibdib ko at panggigilan nitong pisilin. Nahihiyang napayuko ako ng mapansin ito ng mga pinsan nila Khalix.

"It so soft!"

"Nakakahiya nga talaga Bff!" bulong ko kay Bria at naiiling niyang tinampal ang kamay ng bubwit.

Nakahinga ako ng maluwag ng humiwalay ang dalawang bata sa amin. Inayos ko ang suot kong dress, at sinamaan ng tingin ang bubwit.

"Nakakainggit ka Tita Pretty. . . kahit maliit yan, marami parin nagkakagusto sayo!" nangingiting aniya habang hindi matanggal tanggal ang tingin sa cleavage ko.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now