C H A P T E R 25

942 33 0
                                    

C H A P T E R  2 5

Nagsidatingan sina Mr. Kin, Tito Kherro, Uncle Logan at Tito Richie. Umupo narin sina Mama at Papa sa tabi ni Jared, pansin kong galit si Mama.

"Huwag ka ngang magbiro!"

Hindi sana totoo, please! Imposibleng kayang patayin nila Papa si Claire, ayokong magpadalos dalos sa iniisip. Ngunit kung pagtatagpiin ko lahat ng mga narinig at nalaman ko kanina, ay sila ang naiisip kong maaaring gumawa ng krimen kay Claire.

"Real yun! Deds na talaga siya. . ."

Napatakip siya ng bibig.  "Uh condolence po Tito Leo, kawawa naman po yung sinapit ng anak niyong si Claire. . ." malungkot niyang sinabi.

"Patay na si Claire?" hindi makapaniwalang tanong ni Jared. Tumabi sa kaniya ang mga bagong ligong sina Copper at Hashii, naka-american suit pa si Raquel na dumating.

"What happen to Claire?" tanong ni Raquel.

"Patay na po siya. . ." sagot ni Bria.

"Richie, Kin, Logan, Kherro at ikaw Leo! sumunod kayo sa akin, may pag uusapan tayo." may bahid ng galit ang himig sa boses ni Mama.

Umalis si Mama, walang imik na sumunod sina Papa sa kaniya. Tumingin ako sa dinaanan nila, may kung anong nag uudyok sa akin na sundan sila ngunit naisip ko ang nangyari kay Claire, parang natatakot akong malaman ang katotohanan.

"Nakita nila sa dumpsite si Claire."

"They already know who killed her?" tanong ni Hashii.

Umiling ito. "Hindi pa, nadelete lahat ng footage kaya walang primary supect."

"Magpapahangin lang ako." pagsisinungaling ko.

Maingat akong naglakad papunta sa rooftop. Sumilip ako at saktong nakatalikod sila sa pwesto ko, nagtago ako ng may maaninag na anino sa madilim na parte.

Nang makasigurong wala ng tao, tumakbo ako papunta sa gilid kung saan nahaharangan ng mga sirang appliances at taimtim na nakikinig sa pinag uusapan nila.

"Agatha will you calm down?!" sabi ni Uncle Logan.

Umiling si Mama. "Bakit niyo ginawa iyon kay Claire!"

Lumapit sa kaniya si Papa. "Wife, she's nothing to us. . ." aniya na ikinasampal sa kaniya ni Mama.

"Anak mo iyon, Leo! Sana pinigilan mo sina Kin na mangyari sa kaniya ang bagay na iyon. . .''

Nag angat ako ng tingin ng may tumigil na lalaking nakamaskara sa tabi ko. Umusog ako konti, at pinigilang huminga para hindi mapansin ngunit hindi siya umalis.

Nagtagpo ang mga mata namin. "Hey, Miss Ayesha."

"Shshs!"

"I understand, Miss." sabi niya at naglakad palapit kina Mr. Kin.

"Captain Jack." sabi nila Papa.

Taas noong sumaludo ito "Sir."

Namutla ako ng ngumisi siya sa akin. What if isumbong niya ako? For sure, papagalitan ako nila Popshie kapag nakikinig ako sa usapang ganito.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now