C H A P T E R 7

1.4K 52 0
                                    

C H A P T E R 7

In my 25 years of existence ko sa mundo, hindi ko aakalaing makakapagtravel ako abroad, at kasama ko pa ang taong mahal ko.

Sulit na sulit ang three days na kasama siya sa Japan. Wala kaming ibang ginawa kundi magshopping at kumain sa mga sikat na restaurant. At magrelax sa mga sikat na tourist spot.

Ngayon ko lang napagtanto, marami pa palang mga bagay akong hindi nagagawa simula ng magpakasal kami ni Raquel.

"Khalix?" tanong ko sa loob at maingat na kumatok.

Ang sabi nang tauhan niya, may importante siyang tinatapos kaya lagi siyang naglalagi dito. Subalit, madalas ko lang namang mapansing mga pintura at canvass ang mga pinapasok nila sa kwartong ito, imbes na mga papeles na siyang pinagtataka ko.

Sumilip ang gwapong mukha nito. "Yes, Love?" tanong niya.

Pinakita ko ang dala kong tablet. "Nagbook ka pala ng dalawang ticket papuntang France. . . uh magtatravel ba tayo ulit?" excited kong tanong.

"Yup!"

Hinila ko siya palabas at mahigpit siyang yinakap. Super-duper excited nakong makapunta. After ng Japan. . .gosh! My dream destination. . . the City of Love - Paris!

Hinalikan ko siya sa labi. "I love you so much Khalix!" gigil kong sinabi.

Nagulat siya sa ginawa ko, kung kaya't napahagikgik akong napatakbo papunta sa kwarto, dumiretso ako sa cabinet at nilabas lahat ng mga dress na binili namin sa Japan.

"Ang pretty neto. . . nasan yung gift ng mga tropa ni Khalix?!" paghahanap ko sa ibang mga dress.

Ano pa kayang dadalhin ko? Yung mga dress ba na binigay ni Kaizhee na masungit-slash-weirdo? Or yung expensive dress nalang na binili namin ni Khalix sa shop ni Ate Elaiza?

Winter season ngayon sa France, hindi ko magagamit yung binigay nila Archie dahil pang summer outfit yun. Eh yung binigay ni Raquel sa akin, pwede ko namang gamitin kaso pang Manang ang style nun.

Lumabas ako sa kwarto. "Mga Kuya, kung susuotin ko po ba ito. . .bagay po ba sa akin?" tanong ko sa mga tauhan ni Khalix na nagbabantay.

Nagkatinginan silang lahat. "Yes Miss."

Bumalik ako sa loob, humarap ako sa full body mirror. Kung iisipin ko ang magiging thoughts ni Bria, paniguradong lalaitin lang ako nun kasi nga flat chested na nga ako, straight body pa!

"Atleast maganda!"

Kinusot ko ang aking mata ng mapansing parang magic na nagkaroon ako bigla ng dibdib at nag-iba ang size ng aking balakang.

"For real?!"

Pinisil ko pa ang magkabilang dibdib ko, hindi naman ako gumagamit ng bra na may foam o push up bra. Sa pagkakaalala ko, 32A size ako, kaya nga flat chested nga diba?

Binuksan ko ang isang cabinet, hinanap ko ang mga bra na binili mismo ni Khalix. Napasinghap ako nang puro size 36A lahat ng size. . . kaya naman pala, hindi siya nagtanong noong nasa Mall kami.

"Anong nangyayari sa akin?!"

Dali-dali akong lumabas ng kwarto. "Kuya straight body parin po ba ako?" panigurado kong tanong.

"Miss ano uhmm. . . coca cola shape po." sagot ng isa.

Masayang-masaya ako para sa sarili ko, hindi na dapat ako affected sa mga panlalait sa akin ni Bria, dahil. . . mas malaki na yung akin at may dagdag asset pa ako kaysa sa kaniya.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now