C H A P T E R 9

1.3K 47 0
                                    

C H A P T E R 9

Nagising akong wala na si Khalix sa aking tabi. Himala't maaga siyang umalis para magtrabaho, madalas kasing hindi na siya pumapasok sa Digital Enterprise at Prime Whyxz kapag tinanghali na kami ng gising.

Napahawak ako sa aking tiyan at patakbong  pumunta sa banyo ng makaramdam ng pagduduwal. Ilang araw narin simula ng maramdaman kk ito, imbes na tumuloy kami sa France ay naging bugnutin ako kung kaya't lagi kaming nagkukulong sa kwarto.

"Love. . . l-love, ikaw ba yan?" mahinang tanong ko nang makarinig ako ng pagbukas at sara ng pinto.

Kumapit ako sa may wall glass bilang suporta at marahang tumayo. Tumungo ako sa may pintuan at pinakarimdaman ang mga yapak.

"Love may nakalimutan ka ba? O na miss mo agad ako?" pabiro kong tanong.

Wala paring sumagot subalit naging maingay sa labas, at mukhang nasa living room sila. Inayos ko agad ang sarili at nagpalit na ng damit, may bisita yata si Khalix.

Kumunot ang noo ko ng sunod-sunod na may kumatok sa pinto na tila ba hindi na makapaghintay na pumasok.

"Teka lang, Love. M-medyo nahihilo pa ako." sabi ko at sumandal saglit sa pader.

Hindi ito nakinig at tuloy tuloy parin ito sa pagkatok. Binalot ng inis ang buong sistema ko, ngunit agad kong isinantabi iyon. Wala namang ibang gagawa ng kalokohan ngayon kundi si Khalix.

Napapikit ako ng makaramdam muli ng pagsusuka. "Love, sa kabila ka muna." 

"Khalix sa kabila ka muna." sabi ko ngunit walang nagsalita at panay katok lang ito.

Sumilip ako sa labas. "Haynako, wag mo akong mabiro-biro diyan KHALIX TREVOR! hindi kita paiisahin-"

Napatigil ako sa pagsasalita nang bumungad sa harapan ko si Kaizhee. Konting pulgada nalang ang layo ay magkakabanggaan na ang mga ilong namin. Mabuti nalang at may humila sa kaniya.

Si Steffany. Nakataas ang kilay sa akin at tila nandidiri. Napatampal ako sa noo, malamang sa malamang. . . narinig nilang dalawa yung sinabi ko kanina.

"May cr sa labas." sabi ko.

Inirapan lang ako nito. "Landi."

"Tresspasser."

"Bitch." aniya.

Nginitian ko ito. "Witch."

"Anong sabi mo?!"

"Witch." mapang asar na sagot ko.

Nanlisik ang kaniyang mga mata. "How dare you!" galit niyang sigaw.

Pumikit ako at handa nang saluhin ang marahas niyang sampal ngunit ilang saglit ay walang dumapo sa aking mukha.

Napamulat ako, at nakitang hawak ni Kaizhee ang kamay ni Steffany. Nagpumiglas ito ngunit hindi siya binitawan.

"In exchange, prove to us that you're really pregnant. Uncle Kin is-"

Hindi na natapos ni Kaizhee ang sasabihin ng malakas siyang bumagsak sa sahig. Natapon ang dala nila, at nagkalat sa sahig ang mga PT kit.

"I'm sorry, I'm late."

Sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ni Khalix. Yinakap niya ako at inilayo kina Steffany.

Napatingin ako sa may pinto, nasa sahig na ang mga tauhan ni Quiro at ang iba ay pilit hinaharangan ang mga reporters.

"Can you fvcking leave!" sigaw ni Khalix.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now