62: "Ang Piging" (4/6)

213 18 0
                                    

SA sandaling iyon nang bumagsak si Mo Qian Yuan, nakilala niya ang mahinang pabango ng bulaklak, na pamilyar na pamilyar sa kanya. Sa nakaraang mundo, may isang uri ng bulaklak at ang katas ng bulaklak na iyon ay maaaring gawing isang uri ng droga. Kung ang isang tao ay umiinom ng gamot na iyon, ang kanilang mga damit ay magkakaroon ng malabong bulaklak na amoy sa kanila.

Pagkatapos inumin ang gamot na ito, ito ay magpapalutang at magpapasaya sa mga tao, tinatapon ang lahat ng kanilang problema. Kung pangmatagalan na gagawin, maaari nitong baguhin ang kapasidad ng pag-iisip ng isang tao. Kung ang isang tao ay kumain nito sa loob ng mahabang panahon, siya ay magiging basura nang napakabilis dahil ang gamot ay hindi lamang nakakasira ng nerbiyo ng isang tao, kinaagnasan din nito ang kanilang mga organo. Bukod dito, ito ay lubos na nakakahumaling at kung hindi kinuha sa oras, para bang may daan-daang langgam sa kanila at ang matinding paghihirap na ito ay maaaring maging sanhi ng mga karamdaman sa pagkatao.

Hindi inisip ni Jun Wu Xie na may ganitong karumal-dumal na gamot sa mundong ito at ang mas ikinagulat niya ay ang pabango na ito ay nagmula sa Prinsipeng tagapagmana!

Kung titingnan ang kanyang hindi maayos na kalagayan, tila hindi lamang ito labis na pag-inom ng alak kundi higit na nauugnay sa inilalabas na pabango ng bulaklak.

“Ang tagal ng pag-inom niya ng gamot ay parang medyo matagal na. ” Hinawakan niya ang kanyang baba habang sinusuri ito base sa kanyang karanasan. Mukhang ilang taon na siyang umiinom ng gamot na ito, hindi niya ito dapat ipatuloy ng mas matagal. Kung magpapatuloy siya, tinatayang mayroon na lamang siyang dalawang taon na natitira.

Walang pinagkaiba sa kanya kung mabubuhay man siya o mamatay.

Subalit, ang Emperador ay maaaring magbigay-katwiran sa kanyang kamatayan at gamitin ito bilang isang paraan upang itaas ang Ikalawang Prinsipe, Mo Xuan Fei.

Ito ay isang bagay na ayaw niya.

“Ang taong ito ay hindi maaaring mamatay . ” Nagpasya siya kaagad habang pinikit ang kanyang mga mata sa matibay na hangad.

Maaari rin itong maging isang magandang pagkakataon upang matulungan ang isang naliligaw na prinsipe at marahil ay mapatunayang kapaki-pakinabang siya upang baguhin ang kasalukuyang Estado ng Qi.

Eh, anuman ang dahilan kung bakit hindi masaya ang kanyang kaaway, mas maging masaya siyang tumulong.

"Lolo, iniligtas ni tatay ang buhay ng prinsipe noon?" Mahinang tanong niya.

"Matagal na panahon na iyon, ang iyong ama ay katatapos lamang na mamuno sa  Hukbong Rui Lin. Ang taon na yon, ipinanganak ang Prinsipeng tagapagmana at ang Reyna ay nasa daan upang dalhin siya para bisitahin ang kanyang pamilya. Nakasalubong nila ang mga tulisan sa daan, buti na lang at nasa paligid ang tatay mo at nailigtas niya sila . ” Kaswal na sagot ni Jun Xian.

"Medyo maganda ang pagganap ni Mo Qian Yuan, Subalit, sa mga nakalipas na taon ay tila nagkaroon siya ng pagbabago sa kanyang pagkatao. Kung siya talaga ang magiging Hari ng Qi, marahil ang ating Palasyong Lin ay maaaring hindi nahihirapan. ” Bumuntong-hininga si Jun Xian, ang tanging pangakong Prinsipeng tagapagmana ay nakataya na rin ngayon.

Masyadong maraming tao ang nailigtas ni Jun Xian at ng kanyang mga anak, kaya naman hindi na siya nagsalita pa.

Pinakipot ni Jun Wu Xie ang kanyang mga mata habang nakatingin sa Prinsipeng tagapagmana.

Mula sa alaala ng nakaraang Wu Xie, kaunting tsismis lang ang nahanap niya sa kanya. Si Mo Qian Yuan ay ipinanganak ng anim na buwan na mas maaga kaysa kay Mo Xuan Fei, bilang panganay na anak ng Emperador, nang siya ay isinilang, siya ay binigyan ng titulong Prinsipeng tagapagmana. Noong bata pa siya, sinabi ng mga karaniwang tao na siya ay may talento, mahinhin, maalalahanin at magalang, marami ang umawit ng papuri sa kanya. Sa oras na iyon, ang Emperor ay nagmahal din sa kanya at pinuri siya ng lahat.

Ang lahat ng ito siyempre ay noong nariyan pa ang Reyna at ang kanyang pamilya ay isang malaking pangkatin na may maraming kapangyarihan. Ang Reyna pa rin ang namamahala sa harem noon.

Sa pagpanaw ng Reyna, ang buong bansa ay nagluluksa at si Mo Qian Yuan ay nagkasakit nang malubha sa loob ng tatlong buong buwan at pagkatapos ng kanyang paggaling, ang kanyang ugali ay sumailalim sa malalaking pagbabago.

GENIUS DOCTOR  BLACK BELLY MISS (Tagalog Version)Where stories live. Discover now