30: " Mga Kamay Na Nagpapagaling" (4/4)

275 17 0
                                    

Bahagyang nagulat si Jun Wu Xie nang tumingin siya nang may pagsimangot.

Kaswal na tinungo ni Jun Wuyao ang pinakamalapit na upuan habang siya ay nakaupo at tamad na isinandal ang kanyang ulo sa kanyang kamay habang binigyan siya ng isang nakakaakit na ngiti. Ang kanyang mahabang itim na buhok ay nakatali sa gilid at naka-hugis ang kanyang napakarilag na mukha.

Ang larawang iyon mismo ay isang kasalanan.

Hindi siya nakita ni Jun Wu Xie nitong mga nakaraang araw at halos nakalimutan na niya ang tungkol sa kanya. Hindi akalaing bigla na lang siyang susulpot.

Sa hitsura nito, malabo niyang naamoy ang pamilyar na amoy ng dugo, kahit natatakpan ito ng malakas na halimuyak ng mga halamang gamot, sa kanyang sensitibong ilong, naaamoy niya pa rin ang malabong bakas na iyon.

Masayang tumingin sa kanya si Jun Wu Yao ngunit halos gumuho ang ekspresyon nito nang makita niyang nakakunot ang noo ni Jun Wuxie habang tinatakpan ang kanyang ilong gamit ang kanyang kamay. Ang gwapo niyang ngiti ay nagyelo.

"Dinala mo na naman ang masamang  amoy na yan,  Sa susunod, kung hindi mo pa tuluyang inalis ang amoy, bawal ka sa botika. " Binalaan ni Jun Wuxie si Jun Wuyao na may malalim na pagkunot ng noo. Wala siyang pakialam kung saan siya galing, Magagawa niya kahit anong gusto niya,  hangga't hindi niya guguluhin ang Palasyong Lin at siya.

Dahan-dahang tumayo si Jun Wu Yao habang nakatingin sa kanya nang may pagkabahala na ekspresyon.

Ang amoy ay halos hindi mahahalata bukod pa ang lugar na ito ay may napakalakas na masangsang na amoy ng halamang gamot, gaano kalakas ang ilong niyang ito para maamoy iyon mula sa napakaraming amoy na ito?

"Ganoon ka ba ka-ayaw sa amoy na ito?" Tumawa siya nang marahan.

"Oo" Nakita niya itong dahan-dahang naglalakad palapit sa kanya. Hindi niya namamalayan na napaatras siya nang papalapit ito. Ang amoy na ito ay nagparamdam sa kanya ng matinding sakit kung hindi niya ginagamot ang sinumang pasyente!

"Talaga... Paumanhin." Habang nakatingin siya kay Jun Wu Xie na umi-iwas sa kanya, sumilay ang masamang ngiti nang siya'y bigla  nawala . Bago pa man siya makapag-salita ay niyakap na siya ng isang pares ng malalakas na braso.

Ang kanyang maselang maliit na mukha ay pilit na idiniin sa kanyang malapad na dibdib habang tumatama ang amoy ng dugo sa kanyang ilong  sapagka't ito ay mas malakas ng ilang beses. Si Jun Wu Xie ay nakatayo roon na nababato.

"Pakawalan mo ako!"

“Maging mabuti ka, sa susunod hindi ko na hahayaang maamoy mo ito. ” Hindi lang bumitaw si Jun Wu Yao, mas hinigpitan pa niya talaga ang yakap kay Jun Wuxie.

Napakaliit, Napakalambot, para itong maliit na hayop na nagtatago sa isang ligtas na lugar ngunit ang maliit na hawak niya ay tila may matatalas na pangil at nagbabadya ito.

Nataranta siya nang yakapin siya nito ng mahigpit at hinimas ang ulo niya na para bang isa siyang alagang hayop! Kailangang palitan muli ang damit na kakapalit lang niya dahil amoy dugo na ito. Nang sa wakas ay pinakawalan niya siya, nagmamadali siyang lumabas ng botika at naghilod ng maraming beses bago siya kusang lumabas .

Matapos iwanan ng kanyang amo, ang maliit na itim na pusa ay nakatitig lamang kay Jun Wu Yao. Hindi napigilan ni Jun Wu Yao na tumawa nang makita niya ang tumatakas na anino ni Jun Wu Xie.  Naramdaman ng itim na pusa ang ilang malakas na pagbabago-bago ng enerhiya at napagtanto kung gaano talaga kadelikado ang lalaking ito! Agad niyang sinundan ang yapak ng kanyang amo at tumakas sa botika.

'Master! Huwag mo akong iwan mag-isa sa baliw na lalaking ito!'

.........

Sa wakas ay gumalaw si Jun Qing nang makita niya ang isang pamilyar na anyo na nakaupo sa tabi ng kanyang kama. Habang unti-unting nanumbalik ang kanyang paningin, napagtanto niya na ito ay ang kanyang nag alalang Ama na tila lalong  tumanda simula nung huli niya itong nakita.

"Ama?" Nagsisikap si Jun Qing na umupo ngunit naramdaman niya ang kanyang katawan na para bang naghiwalay ang lahat ng buto niya sa sobrang tindi ay hindi siya makagalaw .

“Huwag kang gumalaw! Humiga ka!” Mabilis na lumapit si Jun Xian. Humiga ka!” Mabilis na lumapit si Jun Xian.

“Anong nangyari sa akin?” Bagama't ang buong katawan niya ay parang namamanhid at hindi siya makagalaw, Subalit nakaramdam pa rin siya ng kaginhawaan at kagaanan.

"“Talagang halos Mamatay ang iyong Ama  sa takot”.

“………” Walang magawa si Jun Qing na tumingin sa nagtatampo na pigura sa tabi ng kanyang kama.

GENIUS DOCTOR  BLACK BELLY MISS (Tagalog Version)Where stories live. Discover now