12: "Mga Alaala ng" (1/2)

331 22 0
                                    

Ang maliit na itim na pusa ay komportableng nakahiga sa kandungan ni Jun Wu Xie, tinatangkilik ito ng hawakan ng kanyang Binibini.

'[Binibini, ang Palasyong Lin na ito ay na hindi ligtas, dapat na ba tayong umalis?]' Ang maliit na itim na pusa ay umungol. Ang nangyari ngayon ay nagpakita lamang na ang Palasyong Lin ay hindi na kayang magtagal pa. Ang mga aksyon ng Maharlikang Palasyo ay malinaw na nawawala sa katinuan.

"Hindi tayo pupunta kahit saan". Kaswal na sagot ni Jun Wu Xie.

Ang mundong ito ay hindi katulad ng kanyang nakaraang buhay, kahit na ang Palasyong Lin ay unti-unting gumuho, ito pa rin ang pinakaligtas na kanlungan.

Kahit na siya ay isang dalubhasa sa medisina, hindi niya mababago ang katotohanan na ang kasalukuyang kanya ay pisikal na mahina, sa kakaibang mundong ito ay napakaraming panganib na nakatago sa paligid.

"Ang pangunahing kapangyarihan ng Palasyong Lin ay si Jun Xian, dahil nandito ako, hindi ko sila hahayaang mamatay ng ganoon kadali." Bahagyang tumaas ang kilay ni Jun Wu Xie, kung sino man ang gusto niyang protektahan, hindi siya mabibigo dito.

'[Binibini, Nagpaplano ka bang gamutin sina Jun Xian at Jun Qing meow]?. Tanung ng itim na pusa.

"Oo, Ang kayarian ng katawan na ito ay masyadong mahirap, kahit na walang kontraktwal na espiritu, kung mayroon man ako kahit Isa ay makakaligtas ako sa mundong ito." Pabuntong-hininga ni Jun Wuxie

"Ang Ama ni Jun Wu Xie ay namatay sa kanyang kalakasan, Si Jun Qing ay nalumpo, Si Jun Xian ay isang bayani na lampas na sa kanyang kalakasan, At ikaw mismo ay walang Kontraktwal na espiritu. Dahil dito walang kinakatakutan ang hamak na iyon." Pag-alala ng Itim na pusa.

"Wag mo siyang alalahanin." malumanay na sagut ni Jun Wuxie.

'Ano nga ba ang isang kontraktwal na espiritu?' Ang maliit na itim na pusa ay walang alam sa mundong ito.

Itinaas ni Jun Wu Xie ang kanyang kanang kamay, at tiningnan ang kanyang singsing na daliri. Payat na mga daliri, malambot at makinis na parang puting batung-luntian.

Karaniwan kapag umabot sa edad na labing-apat, may lalabas na singsing sa kanang daliri ngunit wala sa kanya.

"[Meow?]" Hinawakan ng itim na pusa ang kanyang payat na daliri gamit ang mabalahibong mga paa nito, kumakapit sa kanyang mga daliring balingkinitan at marahang dinilaan ang daliring kanyang nailabas.

Bigla nitong hinila ang mga daliri ni Jun Wu Xie.

'[Binibini, ang iyong mga daliri ay tila may kung anong kapangyarihan sa paligid nito.]' Nararamdaman ng itim na pusa ang kaunting bakas ng espirituwal na pagbabago.

"Ito ay...? " Bahagyang tumaas ang kilay ni Jun Wu Xie,

Hinahaplos ang singsing na daliri ng kanyang kanang kamay, wala siyang makita na kahit ano, ngunit nang dumaan ang kanyang mga daliri ay nakaramdam siya ng kakaibang pag-agos ng espirituwal na pagbabago sa paligid ng kanyang daliri. Ang kanyang puso ay tumibok sa pananabik nang maramdaman niya ang kapangyarihang kumukulong sa kanyang singsing na daliri.

'[Ang enerhiya na ito ay mahina lamang! Kung hindi dahil sa pagiging dalawang espiritung nagsasalo sa isang katawan, hindi ko ito mararamdaman.]' Paliwanag ng itim na pusa.

Nagkaroon ng biglaang pagsabog ng kinang na nagpaliwanag sa buong silid!

Isang puting lotus na nababalot ng kulay-pilak na puting liwanag ang lumulutang sa hangin.

"Meow, Ang bango ng amoy Binibini, ano to?."

[Isang bulaklak?] Ang pares ng mga itim na mata ay kumurap ng ilang beses at tumingin kay Jun Wu Xie na may pag-aalinlangan.

Ang mga uri ng kontraktwal na espiritu ay nahahati sa dalawang uri - maaari silang maging mga sandata o maging makapangyarihang mga hayop.

Ngunit ang espiritu ni Wu Xie ay naging isang puting lotus ......Ang mga kontraktwal na espiritu ng halaman ay talagang hindi pa naririnig.

Maingat na inabot ni Jun Wu Xie ang puting lotus na dahan-dahang dumapo sa kanyang palad.

Habang dahan-dahan niyang pinag-aaralan ang lotus, may kumatok sa pinto.

Sa sandaling iyon, ang puting lotus ay nawala nang walang bakas.

"Pasok ka." naiinip niyang sagot.

Pumasok si Jun Wu Yao habang tamad siyang nakasandal sa pinto, may hawak na mangkok ng gamot ang mga kamay.
"Oras na para inumin ang gamot mo."

GENIUS DOCTOR  BLACK BELLY MISS (Tagalog Version)Where stories live. Discover now