51: "Sampal Sa Mukha Ng Paulit -ulit...At Paulit- ulit" (3/3)

241 18 3
                                    

Habang tinitingnan ang kumikinang na alikabok ng bituin na umaagos sa kanyang mga daliri, si Jun Wu Xie ay walang kahit isang bakas ng emosyon na makikita sa kanyang mukha.

Ang lahat ay nakatayo sa kanilang mga lugar na nababato at nakatitig sa kanya na natulala na ang kanilang mga mata at panga ay parehong nakabukaka.

Sina Mo Xuan Fei at Bai Yun Xian ay ganap na galit.

Sa simula pa lang, walang balak ang batang ito na makuha ang kanilang pabor, ang ginawa ng batang ito ay parang sampal sa mukha!

Habang tinatanggal niya ang lahat ng natitira sa kanyang kamay, tinitigan niya si Mo Xuan Fei sa mata habang dahan-dahang gumapang ang kanyang hinliliit na daliri sa tapat bg leeg niya habang nakatingin siya sa kanya na nakagagalit.

Si Mo Xuan Fei ay namumula at halos balistiko. Lumalabas ang mga ugat sa leeg niya.

Kung hindi ito Maka-Multong Lunsod, pinatay na niya ang mayabang na bata na ito ng isang milyong beses!

Kinagat ni Bai Yun Xian ang ibabang labi niya at tinitigan niya ng masama si Jun Wu Xie.

Dahil nasiyahan sa pagmamasid sa ekspresyon ni Mo Xuan Fei, tumalikod si Jun Wu Xie at ibinigay ang kahon na naglalaman ng siyam na Perlas ng Silangan sa isang gusgusin na binata sa likod.

"Ang Aklat ko . " Tanong niya .

Saglit na natigilan ang binata habang wala sa sarili nitong iniabot sa kanya ang ilang sira-sirang Aklat.

Nang makita ng karamihan ang palitan na isinasagawa, ang kanilang isip ay nalilito.

Ang batang ito...hindi naman ganoon katanga... tama?

Pagdurog ng hindi mabibiling hiyas naging alikabok at ngayon ipinagpalit ang isang kahon ng mahalagang Perlas Ng Silangan para sa...para sa ilang sira-sirang Aklat?!!

Ang Lahat Ay Nababaliw.

May ugali talaga ang batang ito! Masyado siyang mayaman! Masyadong dominante!

Nang makita ni Mo Xuan Fei na pinalitan ni Jun Wu Xie ang mga makikinang na Perlas Ng Silangan na iyon para sa ilang luma at luma na mga Aklat, halos sumuka siya ng dugo. Ang ilan sa mga aklat na ito ay bahagyang napunit ang ilan sa kanilang mga balat, ang mga aklat na ito ay nasa napakasamang kalagayan na kahit na iwan sila sa tabi ng kalsada, walang sinuman ang magdadalawang-isip na tingnan ang mga ito . Ang mga aklat na ito ay talagang ipinagpalit para sa siyam na Perlas ng Silangan?

Ngayon, siya ay talagang napahiya hanggang sa buto.

Nang mahawakan na ni Jun Wu Xie ang mga Aklat, naramdaman niya ang kaligayahan ng Munting Lotus. Ngayong naayos na ang lahat, tumalikod na siya para umalis.

"Munting Lalaki! Pag may time ka mangyaring bumalik muli! Punta ka sa tuwing malaya ka, maging Perlas Ng Silangan man ito o anumang Spirituwal na Diamante na hinahanap mo, marami ako!" Sigaw ng matanda sa kanya.

Pagkaalis niya, naramdaman ni Jun Wu Xie na may sumusunod sa kanya mula sa likuran. Umikot siya at nakita niya ang gusgusin na binata. Kumurap siya ng ilang beses at binigyan siya ng nakakalokong ngiti.

"Anong gusto mo?" Malamig niyang tanong.

"Eh, iniisip ko kung mayroon ka pa bang Salamankang gamot na kakapalit mo lang?" Napakamot siya sa ulo sa hiya.

"Sabi mo hindi ka Interesado?" Sumimangot si Jun Wu Xie. Dahil sa tinanggihan niya ang mga Salamankang gamot niya kaya ngayon lang niya naranasan ang lahat ng iyon.

"Uh, hindi ko alam na mayroon kang ganoong kalidad na Salamankang gamot, sa mga ganoong lugar kadalasan ay walang ganoong kalibre ang lumalabas ." Sumagot siya ng totoo na may parang tusong tono . Hindi man lang niya inilagay ang Angkan ng Qing Yun sa kanyang mga mata, ano pa ang maiaalok ng isang batang bata?.

Gayunpaman nang buksan ng matandang iyon ang bote, alam niyang nakagawa siya ng isang malaking pagkakamali!.

"Eh, diba sabi mo bibigyan mo ako ng isa?" Tanong niya habang tinatago ng marumi niyang mukha ang pamumula.

"Ang kahon na iyon ay may SIYAM na Perlas Ng Silangan. " Paalala niya.

Dati ay nangako siya sa kanya ng isang Salamankang gamot ngunit ngayon na nagbayad na siya ng doble, hindi na niya kailangan na ipasa sa kanya ang isang bote ng Salamankang Gamot.

Higit pa rito, hindi niya ito gusto noong una!.

"Maaari kitang bayaran ng lima!" Mabilis niyang alok.

"Hindi ko kailangan . " sagot nya agad habang nakatalikod . Kailangan pa niyang maghanap ng angkop na paraan ng paglilinang para sa kanyang sarili.

Nang makita siyang umalis nang ganoon, napakamot sa ulo ang gusgusin na binata sa paraang nanlulumo habang nakatingin sa kahon ng mga perlas sa kanyang mga kamay sa pagkabigo.

GENIUS DOCTOR  BLACK BELLY MISS (Tagalog Version)Where stories live. Discover now