29: "Mga Kamay na Nagpapagaling" (3/4)

266 19 0
                                    

Si Jun Qing ay nakababad sa panggamot na tubig sa paliguan na espesyal na inihanda ni Jun Wu Xie para sa kanya. Bagama't siya ay walang malay, maliwanag na bumuti ang kanyang kalagayan dahil ang kanyang paghinga ay hindi na kasing hina at ang kanyang mukha kahit na maputla ay  hindi na ito gaya ng dati. Nakikita ito ng lalaki ngunit nagmamataas pa rin ang kanyang kalooban habang nagdaramdam pa rin siya ng ilang mga hinaing kay Jun Wu Xie.

Si Jun Xian ay nasa tabi ng kanyang anak sa lahat ng oras na ito at nang makita niya ang pagbuti, nakahinga siya ng maluwag.

“Kung tutuusin, pamanking niya si Wu Xie, maaaring siya ay medyo walang muwang sa nakaraan, ngayon ay malaki na siya. Hindi ka dapat magkaroon ng anumang pagtatangi laban sa kanya, Maaaring siyang... maaaring kailanganin niya ang pagtatanggol mula sa inyo para lumaki nang ligtas sa hinaharap . ” Matiyaga na ipinaliwanag ni Jun Xian sa lalaki. Masasabi niyang hindi masyadong gusto ng lalaking iyon si Jun Wu Xie. Gusto niyang subukang iwaksi ang poot hangga't sa abot ng kanyang makakaya.

Nanatiling tahimik ang lalaki at lumabas ng silid nang makita niyang bumuti na ang kulay ng balat ni Jun Qing.

Pagkatapos niyang maligo at magpalit ng bagong pares ng damit, Si Jun Wuxie ay umupo sa kanyang botika habang hawak niya ang isang tasa ng tsaa sa isang kamay habang ang isa naman ay isinusulat ang lahat ng iba't ibang pangalan ng mga halamang gamot na may kasiglahan.

Ang kalagayan ni Jun Qing ay naging matatag ngunit upang ibalik ang kanyang kalagayan sa kasukdulan nito, maraming pagsisikap ang kailangan, habang abala siya sa pagsusulat ng lahat ng mga gamot na kailangan.

Para pandagdag sa gamot, isinulat din niya ang listahan ng mga pagkaing  ipapares sa gamot, para umakma sa isa't isa para mapalusog siya at mapabilis ang proseso.

Isang katok sa pinto ang pumutol sa kanyang iniisip.

"Pasok ka . ”

Bumukas ang pinto at nakatayo ang matayog na lalaki na laging humahadlang sa kanya habang ginagamot niya si Jun Qing. Nagsalubong ang kilay niya.

"Kung may sasabihin ka, sabihin mo ka agad, o kung wala umalis kana agad." Para sa mga tao maliban sa pamilya, hindi niya pinapansin ang mga salitang ginamit. Sinasabi niya kung ano ang pumapasok sa isip niya nang walang pakialam.

Nang matapos siyang magsalita, Ang lalaking nakatayo sa harapan niya ay biglang  napaluhod ng may malakas na kalabog.

"Komandanteng heneral ng Hukbong Rui Lin si Long Qi ay lubos na sinaktan ang damdamin ng Binibini. Mangyaring parusahan ako ayon sa tingin mo ay nararapat!" Malungkot niyang sabi haban nakaluhod ang kanyang matangkad na katawan sa isang tuhod at bahagyang yumuko ang kanyang ulo.

Hukbong Rui Lin Komandanteng Heneral...sumulyap siya kay Long Qi. . Palagi niyang nararamdaman na lagi itong tahimik sa tabi ng kanyang Tiyuhin at pinagkakaabalahan siya sa ilang pagkakataon, kahit na siya ay palaging nag-iisip na hindi siya mukhang katulong o guwardiya,  hindi sumagi sa isip niya na siya ay isang Komandanteng heneral ng Hukbong Rui Lin!

Ngunit...

"Sige?" Napakunot ang noo ni Jun Wu Xie.

Ipinagpatuloy ni Long Qi ang pagluhod sa sahig, nang hindi bumibigkas ng kahit isang salita.

Hindi niya itinanggi na palagi siyang may hindi matwid na palagay sa kanya. Labis pa nga ang hinala niya na nilason niya si Jun Qing! Nang makita niya kung gaano siya ka-metikuloso habang ginagamot niya si Jun Qing at makikita ang mga epekto ng kanyang paggamot, alam niyang mali siya.

Ang mga kalakaran ng Hukbong Rui Lin  ay palaging mahigpit kung kaya't nakaugalian na niyang humingi ng sarili niyang parusa. Ito ay isang mahigpit na tuntunin na ang bawat solong miyembro ay sinanay mula noong unang araw.

Kung ang isa ay may nagawang mali, parusahan iyon!

"Ayus lang, nag-aalala ka lang, tumayo ka, pwede ka ng umalis. ” Wala siyang interes sa kanyang posisyon o kahilingan. Ang lalaking ito ay paulit-ulit na humarang sa kanya ng maraming beses ngunit ito ay dahil sa kanyang pag-aalala kay Jun Qing, kaya  nang naging  bastos siya, hindi niya talaga pinansin o isinasapuso yon.

"Oo Binibini"
Nanatili siya sa kanyang posisyon nang ilang sandali, tumayo siya at lumabas na ng kwarto. Sa pagkakataong ito, ay napakagalang niya kay Jun Wuxie at bahagyang yumuko pa bago niya isara ang pinto.

“Wow, anong pambihirang bagay ang ginawa mo habang wala ako? Mukhang kawili-wili ito…” isang misteryosong boses na may bakas ng kalokohan ang bumungad sa pintuan.

GENIUS DOCTOR  BLACK BELLY MISS (Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon