34: Mahiwagang Dalubhasa"

276 19 0
                                    

Anong Master? Oh pakiusap wala kang Master!

Si Jun Wu Xie ay nanatiling kalmado at nagipon ng magara at malamig na ekspresyon.

"Ano! Sabi mo kinain mo rin ang buto ng lotus? Kamusta ka? Sobrang sakit ba?" Nasaksihan ni Jun Xian ang kanyang Anak na isang heneral ng labanan na nabaluktot na parang isang hipon dahil sa matinding sakit. Ano pa kaya ang isang labing-apat na taong gulang na batang babae na walang isang katiting ng espiritung enerhiya? Siya ay sobrang  humindik sa pananangis habang nag aalala nyang tanong .

Umiling si Jun Wuxie, “Ayos lang ako, nagkaroon lang ng kunting kahirapan ngunit hindi katulad kay Tito. Masama ang naging reaksyon ng kanyang katawan dito dahil siya ay nalason noon at ang lason ay tumagos nang malalim sa kanyang mga siwang ng buto sa mahabang panahon na ito. Nililinis ng buto ng lotus ang utak ng buto at nagbibigay ito sa kanya ng isang hanay ng mga buto na katulad ng muling pagsilang. Naranasan niya ang ganoong sakit habang pinipiga nito ang lahat ng lason mula sa bawat sulok at kumalansing. Habang ang lason ay nakabaon nang malalim sa kanyang mga buto, ang proseso ng paglilinis ay lubos na masinsinan upang maalis ang lahat ng mga dumi at lason. Ang lahat ng ito ay pinalabas sa pamamagitan ng kanyang napakaliit na mga butas kasama ng kanyang pawis, kaya hindi na kailangang mag-alala para sa anumang komplikasyon sa hinaharap."

Kung hindi man lang niya mailigtas si Jun Qing, hindi na talaga siya karapatdapat na mabuhay pa .

Nang marinig ni Jun Xian ang lahat ng mga dumi  ni Jun Qing at ang lason na pinalabas kasama ng kanyang pawis, halos lumabas ang mata niya .

"Pag gising ko, Nakaramdam ako ng kakaiba. Mas gumaan ang pakiramdam ng katawan ko at nang maupo ako ngayon, ang aking mga binti ay nakakaramdam ng ilang mga  pandama. ” Tuwang-tuwa na sabi ni Jun Qing.

Ito ay iba sa lahat ng mga taon na lumipas, para bang wala siyang paa. Ngayon, kahit kaunting pakiramdam, natutuwa naman siya .

"Sinabi ni Master na pagkatapos na malinis ang lahat, na may karagdagang gamot at panggamot na paliguan na nagpakundisyon, sa kalahating taon na ito ang iyong mga binti ay magiging tulad ng dati."  Nanghihiram siya ng pangalang  'Master'  upang ihayag kung gaano siya kagaling .

Natahimik ang buong silid.

Nakatitig ang dalawang lalaki kay Jun Wu Xie, Na nakadilat ang mga mata .

Matapos ang paghihirap sa loob ng mahigit isang dekada, sa wakas ay nakakita sila ng kislap ng pag-asa!

“Xie-er, ano ang ibig mong sabihin sa...tulad ng dati...? Makakalakad na ba talaga ulit ang Tito mo?" Hindi mapigilan ni Jun Xian ang kanyang pananabik,  kulang na lang na tatalon siya sa tuwa at nangamba na baka matakot niya si Jun Wuxie.

Tumango siya, "Magagawa niyang maglakad tulad ng isang normal na tao, Kaya lang, mahigit isang dekada na siyang nakagulong-upuan, hindi pa  gaanong nabuo ang kanyang mga kalamnan. Kaya kung gusto niyang bumalik sa dati niyang kalagayan, kakailanganin niya ng hanggang isang taon para sanayin at paunlarin ang kanyang pang ibabang katawan. ”

"Ano?...Magagawa kong bumalik sa ganoong estado sa loob ng isang taon?" Pakiramdam ni Jun Qing ay parang lumulutang siya sa isang panaginip. Napatulala lang siya at tuwang-tuwa hanggang sa nakaramdam siya ng pagkahilo at ang ekspresyon niya ay gulat na may halong kaligayahan.

Akala niya sa buhay na ito, siya ay laging sasakay sa gulong-upuan habang buhay. Ang anumang pag-asa na makalakad siya muli ay isang panaginip. Isang panaginip na ipagpapalit niya ang lahat para maging totoo.

At sinabi ni Jun Wu Xie na makakalakad pa ulit  siya at maibalik sa dati niyang kondisyon!

Hindi ba talaga siya nananaginip?

Tiningnan ni Jun Wu Xie ang dalawang lalaki na halos maluha-luha habang ang buong mukha nila ay namumula sa tuwa. Tumingin siya sa kanila na may bakas ng pagtataka. Kailangan bang maging ganito kasabik?

Hindi niya maintindihan, hindi naging problema ang kanyang mga binti. Ang pagkuha ng lahat ng lason na tumagos nang malalim sa kanyang mga buto ay ang problemadong isyu, gayunpaman, ngayong napag-usapan na, bakit sila ay Tuwang-tuwa?

GENIUS DOCTOR  BLACK BELLY MISS (Tagalog Version)Where stories live. Discover now