Nagkibit balikat si Gino, "Oh bakit ganyan ang tanong mo? Hindi ako expert pagdating sa pag ibig pero sa tingin ko ay pwede naman silang magsama at magkaroon ng happy ending. Walang imposible sa pagmamahal dahil ito ang pinaka makapangyarihang bagay sa mundo. Medyo weird ang tanong mo pero sa tingin ko ay mag w-work naman ito."

Ngumiti ako, "salamat bro."

"Alam mo, minsan ay sobrang weird mo. Napansin ko rin na kakaiba ang kinikilos mo nitong nakakaraang araw. Mayroon sana akong gustong itanong sa iyo bro. Sana huwag kang magagalit sa akin," ang tanong ni Gino

"Ano ba iyon?" tanong ko sa kanya.

"Nag ddrugs ka ba bro?" tanong niya.

Natawa ako, "Gago! Hindi ako nag ddrugs. Sadyang marami lang akong iniisip nitong nakakaraang araw. What if tulungan mo akong hanapin si Yue?"

"Teka lang bro, isa pa iyan sa hindi ko lubos maunawaan. Ano ba ang problema ng Yue na iyan? Bakit nakikipaglaro siya ng hide and seek sa iyo? Saka bakit umalis sya ng walang paalam?"

"Dahil nanganganib ang buhay niya, kaya siya umalis dito," ang seryoso kong sagot.

Sumeryoso rin ang kanyang mukha, "You mean, mayroong may gustong pumatay sa kanya? Teka, anong klaseng tao ba iyan? Base sa background investigation ko ay simple at tahimik ang kanyang buhay. Kung totoo nga iyang sinasabi mo ay bakit kailangan mong iinvolve ang sarili mo sa sitwasyon niya?" tanong ni Gino sa akin.

Paano ko ba sasagutin ang tanong niya? Hindi ko naman maaaring sabihin ang totoo. Kaya naisipan kong mag imbento na lamang, "dahil masyado siyang magandang lalaki, malakas ang sex appeal, maraming mga masasamang loob ang nagtatangka at nagnanasa sa kanya," ang sagot ko.

"O edi sana inofferan mo ng maayos na security si Yue, binigyan mo siya ng maayos na bahay na mayroong nakabantay na guard. Bakit hinayaan mo siyang lumayo?"

"Umalis siya noong mga sandaling nasa ospital ako. Nito ko lamang nalaman ang tungkol dito," ang sagot ko sa kanya.

******

YUELO POV

BAYAN NG ROSALKA

"Saan ka naman kumuha ng perang pambili ng mga groceries?" tanong ni Inay sa akin noong umuwi kami ni Tiya Marine bitbit ang aming mga pinamili.

Natawa si tiya, "Nakabili ng mga gamit ng hindi man lang nagagalaw yung savings namin. Matalino rin itong si Yue dahil ibinenta niya yung mga perlas na galing sa luha niya."

"Oo inay, mahal pala ang value ng perlas dito sa high ground. Sa atin ay hinahayaan lamang natin itong anurin ng tubig pero dito ay alahas pala ito," ang natutuwa kong sagot.

"Kung ganoon ay parati na lamang tayong iiyak upang marami tayong perlas na maibebenta," natatawang sagot ni Inay.

"Lahat ng luhang iniiyak ko dahil sa kalungkutan ay inipon ko dito sa garapon. Hindi rin pala nasayang yung mga luhang itinapon ko dahil kay Ryou," ang biro ko sa kanila.

"Ang perlas na galing sa luha ng kaligayahan ang pinakamataas ang kalidad sa lahat. Kaya dapat ay manood tayo ng mga nakakatawang pelikula hanggang sa maiyak tayo sa katatawa," ang sagot ni Tiya Marine.

Tawanan kaming lahat.

Sa ilang araw na pananatili namin dito ay naging mayapa naman ang aming mga buhay. Hindi namin gamay ang buong paligid ngunit mas kaunti ang mga tao dito. Ang aming bahay ay nasa paanan ng bundok at medyo malayo na ito sa ibang mga kabahayan.

Mabuti na lamang at alam ni Tiya Marine kung paano magsisimulang muli. Kami ni inay ay labis na naninibago sa kapaligiran. Gayon pa man ay mas tahimik dito, mas ligtas at mas mapayapa.

May mga sandali na nag aalala ako kay Ryou, ngunit kapag naiisip kong marami siya mga body guards at security sa kanyang paligid tiyak na magiging ligtas siya mula sa kamay ni Seito, lalo't ngayon ay aware na siya sa kanyang sitwasyon. Sana lang ay hindi siya tatanga tanga at sana ay lagi siyang alerto sa lahat ng pagkakataon.

Hindi ko alam kung kailan kami magkikita, o kung magkikita pa nga kami. Ito yung mga bagay na nagbibigay sa aking malalim na kalungkutan dahil ang totoo noon ay namimiss ko na siya. Ngunit ngayong alam na niya ang aking sikreto ay lalo lamang gugulo ang sitwasyon.

May tatlong dahilan kung bakit ninais ko na ring lumayo sa kanya.

Una ay dahil ayokong madamay pa siya sa akin at sa problema ko sa Tsunaria. Tiyak na ngayon ay mas marami pang mga mermaid assassins ang aakyat dito para patayin ako.

Ikalawa ay dahil nahihiya na ako, wala na rin akong mukhang ihaharap sa kanya dahil malinaw naman na niliko ko siya at pinaniwala ko siya na ako ay kanyang uri, pero hindi naman talaga.

Ikatlo ay dahil nais ko siyang magkaroon ng normal na buhay. Deserve niya ng normal na taong mamahalin at deserve niya na maging masaya sa piling nito. Ang mga katulad ko ay hindi maaaring magmahal dahil isa itong malaking pagkakamali. Natatakot ako na ang aming sitwasyon ay matulad sa nangyari kay Merwin.

"Nakakapanibago rin pala ang manatili ng matagal dito sa high ground," ang nakangiting wika ni Inay noong makita ko siyang nakaupo sa likod ng bahay. Nakaharap siya sa bukirin at magandang hugis ng luntiang kabundukan.

Tumabi ako sa kanya, "inay, sorry inilagay kita sa ganitong uri ng sitwasyon. Kung hindi lamang ako nabigo sa aking misyon ay baka payapa na tayo ngayon."

"Yue, nais kong malaman mo na ang lahat ng ito nakatadhana. Kahit nagawa mo ng maayos ang iyong misyon ngayon ay paulit ulit ka pa ring bibigyan ng misyon at paulit ulit ka nilang gagamitin katulad ng ginagawa nila kay Seito. Magiging kasangkapan ka ng mga elder mermaid lalo't alam nila na espesyal ka at isang malakas na sandata para sa kanila," ang tugon ni inay sa akin.

"Kung ganoon ay malupit pala talaga ang mag elder mermaids?" tanong ko.

"Oo, kung tutuusin ay dapat ikaw ang pinuno ng ating lahi dahil ikaw ang pinakahuling mermaid na nagtataglay ng silver tail. Ang mga mermaid na mayroong silver tail ang pinakaunang lahi ng mga mermaid sa mundo, sila ang ating mga ninuno. Ngunit hindi ito kinilala ng mga elder, at ang kasaysayan ay kanilang binura at pinalitan," ang malungkot na sagot ni inay.


The Ocean Tail: Loving The Merman BXBحيث تعيش القصص. اكتشف الآن