"Oh, iyon naman pala. Nakatakas na naman pala sila at nakapagtago. Paano sila pinagmalupitan ng mga elder mermaid? Paano sila naging masama?" pagtataka ko naman.

Natawa si Ina, "Yue, hindi pa naman doon nagtatapos ang kwento" ang wika niya at dito ay ipinapatuloy ni inay ang kwento tungkol kay Merwin at sa kanyang nobyo.

"Nagawa nilang makatakas at mamuhay ng tahimik sa isang malayong malayong lugar. Ang akala nila ay tapos ang lahat ay ligtas na ang kanilang mga buhay. Ngunit hindi ganoon kadaling nakakalimot ang elder mermaids. Gumawa pa rin sila ng paraang para mapatay ang dalawang taksil," ang dagdag ni Ina.

"Pero paano nila napatay ang dalawa? Paano nila nagawa ang ganoong kalupit na bagay?" tanong ko na hindi maitago ang kabang nararamdaman.

"Sa pagkakataong ito ay ang mga tao na mismo ang ginamit ng mga elder upang patayin ang dalawa. Ibinulgar ng mga elder mermaid sa mga tao ang sikreto ni Merwin hanggang sa kumalat na ito sa buong bayan," ang dagdag ni inay.

"Hala! Bakit nila ginawa iyon? Sa kanila mismo nanggaling ang pagbubulgar?" tanong ko na hindi halos makapaniwala.

"Tama ang rinig mo Yue, inutusan nila ang isang mermaid assassin na ipagbida ang tungkol sa pagiging sirena ni Merwin. Kung hindi nila kayang tapusin si Merwin gamit ang mga ipinadalang assassin sa itaas ng lupa. Ay mas makabubuti na ang mga tao na mismo ang magsagawa nito," ang paliwanag ni Marine.

"At kumalat nga ang tungkol kay Merwin kaya naman noong gabi iyon ay sinugod nila ang bahay ng mangingisda at pinasok ang loob nito ng sapilitan. Dito ay nakita nila na totoo nga ang balitang kumalat na "ang bagong salta ay may tinatagong kamalasan!' Isang salot! Isang masamang binhi na mula sa ilalim ng karagatan!

"Pinagkaguluhan si Merwin noon, sinaktan siya at kinatakutan. Syempre ay nagalit ang kanyang nobyong manginigisda at kumuha ito ng itak Ipinagtanggol niya si Merwin sa mga taong bayan na gusto manakit sa kanyang pinakamamahal. Hanggang sa napatay nila ang binata.

"Si Merwin ay pinahirapan at pinatay rin ng mga taong bayan. Ayon na rin sa kanilang matangdang paniniwala noon na ang mga sirena ay mga salot at malas! Pinag pira-piraso si Merwin at ibinenta ang kanyang buntot sa mataas na halaga. At dito namin napagtanto kung gaano kasama ang mga elders at gayon rin ang mga tao dito sa ibabaw ng lupa," ang salaysay ni Ina.

"Hindi ako makapaniwala na gagawin ng mga matatandang gabay ang ganoong kalupit na bagay! Para silang mga halimaw sa ilalim ng karagatan," ang sagot ko naman, hindi ko maiwasang madala sa kwento ni Merwin at ng kanyang nobyo dahil kahit papaano ay makakarelate ako.

"At dahil sa ginawang iyon ng mga elder mermaids ay natakot na ang lahat na hindi sumunod sa kanilang nais. Kinatakutan ang matatandang elders dahil sa kanilang kalupitan. At hanggang ngayon ay ganoon pa rin sila kalupit!" ang sagot naman ni Marine.

"At ang nangyari kay Merwin ay ang simula ng isang "konotasyon" na mga tao sa ibabaw ng lupa ay malulupit at daig pa ang mga halimaw kung umasta," ang dagdag naman ni inay.

"Kung sakaling magtatago tayo ay may posibilidad rin ba na ulitin ng elders ang ginawa nilang pagsasabog ng balita sa mga tao? May posibilidad bang gawin din nila iyon sa atin?" pagtataka ko.

Napabuntong hininga si Inay, "hindi malayong mangyari ang ganyang bagay lalo't matindi ang galit ng mga elder mermaids mga nagtataksil at lumalabag sa kanilang nais. At sa palagay ko ay hinahanap na rin nila ako sa ngayon."

"Sigurado iyon, kaya't dapat tayong lumayo at mag ingat," ang tugon ni Marine.

"Pero paano tayo lalayo?" tanong ko na may halong takot.

"Mayroon akong perang naipon sa pagbebenta ng paintings, mayroon din tayong naipon na pagbebenta ng souvenirs, tama?" nakangiting wika ni tiya Marine.

"At mayroon din akong naipong kaunti doon. Sa palagay ko ay maaari natin iyon gamitin upang makapag simula muli," ang tugon ko sabay hawak sa kamay nilang dalawa.

"Inay, tiya Marine, kayong dalawa na lamang ang mayroon ako ngayon. Hindi ako papayag na mapahamak kayo, hindi ako papayag na masaktan kayong dalawa. Pangako, lahat ay gagawin ko para makasiguradong ligtas kayo. Mahal na mahal ko kayong dalawa," ang salita ko at hindi ko napigilan ang mapaiyak.

"Alam naman iyon, at ganoon rin kami sa iyo. Hindi namin hahayaang may masamang mangyari sa iyo. Ang iyong tunay na ina ay matalik naming kaibigan at nangako kami sa kanya na aalagaan," ang sagot ni tiya Marine.

Isang mahigpit na yakap naman ang iginawad sa akin ni Inay, "mahal na mahal kita anak, hindi ka man nanggaling sa dugo at laman ko ay nanggaling ka naman dito sa puso ko."

Ang gabing iyon ay naging emosyonal para sa amin. At noong gabi rin iyon ay nagdesisyon kaming lumayo na lamang at magtago sa lugar kung saan kami magiging ligtas.

Hindi ko alam kung ano pa ba ang kayang gawin ng mga elder mermaid, pero nangako ako sa aking sarili na gagamitin ko ang lahat ng aking kapangyarihan at abilidad upang makaligtas at walang mapahamak sa aming lahat.

Ito lang ang mga bagay na sigurado ako sa ngayon.

The rest? I don't know..

Alam ko naman na ang paglayo ay nangangahulugang pag iisa. Iiwanan ko si Ryou at maaaring hindi na kami magkita pa. Pero mabuti na rin iyon upang hindi na siya mahanap pa ni Seito.

Kaya lang naman niya kami nasundan doon sa rest house ay dahil sinundan niya ang aking amoy. At hindi naman lahat ng mga mermaid ay may ganoong kakayahan. Sadyang espesyal lamang ang kakayahan ni Seito kaya niya ito nagagawa.

Si Tiya Marine ay matagal ring namalagi dito sa high ground. Halos dito na rin siya tumanda kaya't kabisado na niya ang mga lugar. Sa mga oras na ito ay nakapag isip na rin siya kung saan kami lilipat.

At ang aming gagawing paglipat ay sikreto, tahimik at walang nakakaalam.

Napamahal na rin sa akin ng mga taong nakakasalamuha ko sa araw araw. Tiyak na magtataka sila kung bakit para bula kaming nawala.

Sa kabilang banda ay sumasagi pa rin sa aking isipan si Ryou. Kumusta na kaya siya ngayon? Maayos na kaya ang kanyang kalagayan?

Wala akong pinagsisisihan sa aking ginawang pagligtas sa kanya at sa pagbubulgar ko sa aking sarili. Alam ko namang darating din sa puno na malalaman rin niya ang katotohanan.

Mas mabuti nang nalaman niya ito ng mas maaga..


The Ocean Tail: Loving The Merman BXBWhere stories live. Discover now