Part 41: A Night To Remember

Start from the beginning
                                    

Natawa na lang si Ryou. Hindi naman siya mahigpit sa mga kasambahay. Ang bawat isa dito itinuturing niyang pamilya. Dahil dito ay talagang mahal na mahal siya ng lahat ng workers niya loob ng bahay.

Maya maya ay lumapit naman si Gino kay Yue at pati siya ay na stun sa angking kagandahang lalaki ng binata. Tinitigan ni Gino ang bawat anggulo ng mukha nito na parang bang sinusuri at kinakabisado. "Perfect.. napaka gwapo mo naman. May boyfriend ka na ba? Pwede ba ako manligaw?" ang salita nito.

Natawa si Ryou at hinila ang kaibigan palayo, "Sira! Huwag mo ngang ipakita kay Yue yung pagiging manyak mo."

"Kaya naman pala medyo nawawala ka sa sarili nitong mga nakakaraang araw. Nababaliw ka na pala sa kanya. Kung hindi mo kayang magtapat sa kanya, ako kaya bro!" ang biro ni Gino.

"Gago! Sira ka ulo ka talaga! Naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon," ang sagot ni Ryou.

"Paano si Jihan?" tanong ni Gino.

"Oh edi court her. Best friend kita diba? Ikaw ang bahala kay Jihan, I think kayang kaya mo na siyang ihandle. Ipinauubaya ko na siya sa iyo," ang hirit ni Ryou habang nakangisi.

Nagsimula ang celebration, nagpahanda si Ryou ng masasarap na pagkain para sa kanyang mga bisita. Ang lahat ay naki join sa kasiyahan habang tumutugtog ang masayang music sa labas ng bakuran.

Nagsalin din ng wine si Ryou at itinaas niya ang kanyang baso.

"Cheers! Congratulations Yue and Kurt! Sana ay simula na ito ng magagandang opportunity na darating sa kanilang buhay."

Itinaas ng lahat ng kanilang mga baso..

"Cheers!"

"Dito ka pala nakatira, ang laki ng bahay mo," ang wika ni Yue habang iniikot ang kanyang mata sa malaking tirahan ni Ryou.

Nahiya si Ryou, humble talaga ng binata, "Oo, ito ang resulta ng aking hard work, someday dito ka na rin titira kapag mag-asawa na tayong dalawa," ang sagot niya na may mahinang boses.

"Ano yun? Ang lakas ng music, hindi ko narinig yung sinabi mo," ang tugon ng binata.

"Wala, gusto mo bang ipasyal kita sa loob?" tanong ni Ryou.

Tumango si Yue at ngumiti, "Sure," ang pagsang-ayon niya.

Hinawakan ni Ryou ang kanyang kamay at nagsimulang silang lumakad sa loob ng bahay. Bawat sulok ng bahay ni Ryou ay mayroong paintings. Ang mga kagamitan ay halatang mamahalin kabilang na rito ang mga desenyo ng pader at mga haligi.

Samantala ay proud na proud si Ryou habang ipinapasyal ang binata sa loob ng kanyang bahay. Mula sa dine in area, entertainment room, sa kitchen at ipinakita rin niya ang kanyang work out room na punong puno ng gym equipments upang mapanatiling maganda ang kanyang katawan.

"Gusto mo bang mag work out dito mismo? May alam akong program para sa iyo," ang alok ni Ryou pero wala na si Yue sa kanyang tabi. Habang nagsasalita siya ay napatingin ang binata sa isang malaking aquarium sa isang parte ng bahay kaya't pinuntahan niya ito.

"Kawawa niyo naman, siguro namimiss niyo na ang dagat? Hayaan niyo kakausapin ko si Ryou na ibalik kayo doon sa tirahan ninyo," ang wika niya habang kinakausap ang mga isda sa loob ng aquarium.

Natawa na lang si Ryou habang nakatayo ito sa kanyang likuran, "Don't tell me nauunawaan mo yung mga sinasabi nila?"

Tumango si Yue, "Oo, ang sabi nila ay gusto na nilang umuwi at mas gusto nila ang salt water kaysa sa fresh water. Bigyan mo ako ng asin," ang sagot ng binata.

"Asin?"

"Oo, bigyan mo ako ng asin," ang sagot niya.

Agad na kumuha ng asin si Ryou at ibinigay sa binata. Ibinudbod ni Yue ang asin sa tubig at dito ay kitang kita ni Ryou kung paano maging masigla ang mga isda sa loob ng aquarium. Umiikot ikot pa ang mga ito na parang nagsasayaw sa kanilang harapan. Namangha si Ryou, napatingin na lang siya sa mukha ni Yue na noon ay masayang masaya habang sinusunda ang mga isda sa loob ng aquarium.

"Kakaiba talaga siya, ang cute," ang bulong ni Ryou sa kanyang sarili.

Makalipas ang ilang saglit ay nagdesisyon naman si Ryou na dalhin si Yue sa kanyang silid. Nais niyang ipakita sa binata ang kanyang painting. At nais rin niyang makita ang reaksyon nito.

Pagpasok nila sa loob ay agad na isinama ng binata si Yue sa kanyang working area. Marahan niyang kinuha ang kanyang artwork at inialis niya ang puting tela na nakacover dito.

"Ito ang aking painting, nais kong marinig ang iyong comment," ang wika ng binata.

Tumambad sa harapan ni Yue ang art work ni Ryou. Imahe ito ng isang lalaki na nakalubog sa karagatan at yakap siya ng isang merman na may silver na buntot.

Noong mga sandaling iyon ay nagbalik sa ala-ala ng binata ang ginawa niyang pagligtas sa binata noong kasagsagan ng lindol sa karagatan. Halos ganitong ganito ang senaryo nilang dalawa. Hindi niya akalaing ipipinta ni Ryou ang mga bagay na ito na kanyang naranasan.

"Ang lalaking iyan sa larawan ay ikaw, tama?" tanong ng binata.

Tumango si Ryou, "Oo, at hanggang ngayon ay naniniwala ako na isang sirena ang nagligtas sa akin. Alam kong iniisip mo na weird ako pero ito talaga ang mga bagay na gusto kong panindigan," ang sagot ni Ryou sa kanya.

"Naniniwala ako sa iyo, at huwag mong isiping pinagtatawanan kita," ang sagot ni Yue at may kinuha siyang isang bagay sa loob ng kanyang bag.

Isang maliit na container ito na naglalaman ng kulay puting cream na animo glue. "Ano iyan?" tanong ni Ryou.

"Isa itong espesyal katas ng sea weeds na matatagpuan sa isang isla sa karagatan. Ginamit namin ito ni Kurt para mas mapaganda pa ang aking costume kanina sa contest," ang paliwanag ni Yue.

Kumuha siya ng kaunting amount ng cream sa container at ipinahid sa buntot ng mermaid sa painting. Makalipas ang ilang saglit ay nag glow ang silver na buntot nito noong tamaan ng liwanag mula sa lampshade.

Ito ay kapareho na rin ng painting na ginawa niya noon.

Namangha si Ryou at lalo siyang natuwa noong makita ang malaking pagbabago sa kanyang artwork. Mas lalo itong nabuhay at mas lalong naging realistic pagmasdan.

Humarap sa kanya si Yue at ngumiti.

Tumingin sa kanya si Ryou, marahang niyang hinaplos ang makinis na mukha ng binata

Tahimik sa buong silid..

Marahang gumalaw ang mukha ni Ryou at hinalikan niya ang binata sa labi..

Ito ang unang pagkakataon na hinalikan ang labi ni Yue at hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam. Tila ba huminto ang kanyang mundo..

Ito ang gabi na hinding hindi niya makakalimutan.


The Ocean Tail: Loving The Merman BXBWhere stories live. Discover now