Part 39: Moment of Truth

Start from the beginning
                                    

Makalipas ang ilang minuto ay natapos rumampa ang lahat. Agad na umakyat ang host hawak ang resulta ng tabulation scores. Ang lahat ay kinakabahan noong mga sandaling iyon pati ang audience ay panandaliang tumahimik.

Suspense Music Playing..

Nagsimula ang pagtawag sa top 10 finalist. Tinawag ang pangalan ni Jihan sa ikatlong spot kaya naman na secure na niya agad ang kanyang pwesto. Mas lalong naexcite ang crowd dahil tinawag si Yue sa ikalimang spot!

Halos naiyak na lamang si Kurt sa matinding kaligayahan! Sa 18 na baguhang designers na lumaban sa contest ay siya lamang nakarating sa TOP 10. Proud na proud sa kanya ang mga kaibigan at binuhat pa siya ng mga ito! Malaking karangalan na ang top 10 lalo't maraming mga professional designers ang hindi pinalad na maka penetrate sa finals ngayong taon.

Noong moment na iyon ay marami na ring mga company ang lumalapit nag ooffer kay Kurt bilang maging inhouse designer at dagsa na rin ang mga manager ag producer na nag aabang kay Yue sa back stage.

Samantalang hindi na itago ni Ryou ang kanyang kaligayahan! Nagdesisyon siya na liliwagan na ang binata at hindi na niya hahayaang mawala ito sa kanyang mga mata. Pero paano si Jihan? Hindi niya alam, basta ang gusto lamang ni Ryou ay maging masaya kasama ang taong kanyang nagugustuhan.

Sa kabilang banda ay hindi maitago ni Jihan ang pag-inis at ang kanyang galit dahil nakapasok pa rin ang kanyang karibal sa Top 10 finalist. Ngayon, ang tanging magagawa na lamang niya ay paghusayan upang hindi makawala ang titulo sa kanyang mga kamay. May tiwala rin siya sa mga kaibigan ng kanyang ama na nakaupo ngayon bilang judge ng contest!

"Relax ka lang Jihan, I'm sure naman na mananalo ka eh," ang wika ng kanyang designer na si Rezy.

"Dapat lang na manalo ako! Hindi ako papayag na matalo ng isang baguhan!" ang sagot ni Jihan.

"Well kung ang pagbabasehan ay ang experience at professionalism sa pagmomodelo ay 100% sure na ikaw ang mananalo dahil popular ka na at alam na nila ang market ng fan base mo. Pero kung ang pagbabatayan ng judges ay ang "fresh face" baka makuha ito ni Yue. Pero okay lang naman ang first runner up diba? Malaking karangalan na rin iyon," ang tugon ni Rezy habang nakangiti.

Humarap sa kanya si Jihan at sinampal siya, "Shut up! Kakampi ba kita o kalaban? Ayoko ng first runner up at lalong ayokong maging clapper! Gusto kong manalo at maging ELITE SUPER MODEL! Kaya gawin mo ang best mo para maipanalo ako! Matandang bakla!" ang sigaw ni Jihan.

****

Tuloy ang contest at ngayon ay mas lalong naging intense ang bawat sandaling lumilipas..

HOST: Palapit na tayo ng palapit sa moment of truth. Ngayon ay nandito na tayo sa pinaka finale segment ng ating competition kung saan ipapakita ng mga candidate at kanilang mga creative designers ang totoong meaning ng elegance, glamour at poise! Huwag na natin patagalin pa! Simulan na natin ang FINAL ROUND ng Elite Super Modelling Competition!

Lumabas si Jihan suot ang metallic red suit. Nagliliyab ang kanyang kagwapuhan sa entablado. At mapapansin rin na napaka elegante ng design ng damit.

Huminto si Jihan sa gitna ng catwalk at marahang inalis ang pagkaka butones ng kanyang suit kaya't lumabas na naman ang kanyang sexy at magandang katawan.

Makalipas ang ilang sandali ay lumabas si Yue suot ang see through na ternong pants at long sleeve. Kitang kita na ang magandang hubog ng kanyang katawan. At ang tanging takip na lamang dito ay ang mga silver rhinestone na nakapalibot sa kanyang dibdib pababa sa kanyang braso. Bumagay rin ang silver scarf sa kanyang leeg na hinahangin habang siya ay naglalakad.

May takip din maraming rhinestone ang lower part ng kanyang katawan upang maikubli ang kanyang private part. Pero kung pagmamasdan sa malayo ay parang hubad na talaga ito. Kumikinang lang ang kanyang buong katawan dahil sa dami ng batong nakapalibot dito.

Noong tumalikod si Yue ay halos nakikita na ang kanyang pwet bagamat punong puno pa rin ng rhinestone ang lower part ng pants! Mas malakas ang cheering ng audience sa kanyang pangalan at noong gabing iyon ay naging popular na rin ang pangalan ni Yue.

Matapos rumampa ang 10 finalist ay nagkaroon muna ng kaunting intermission number bago muling umakyat ang host sa stage hawak ang resulta ng contest.

Bago iannounce ang resulta ay muling tinawag ang mga candidate sa stage at this time kasama na nilang lumakad ang kanilang mga designers.

It was a touching moment noong lumabas si Yue at Kurt na magkahawak ang kamay. Hindi mapigilan ng kurt ang mapa iyak na lamang dahil sa matindiny kaligayahan. At mas lalo pa siyang naiyak noong icheer siya ng mga audience at isigaw ang kanyang pangalan.

Masaya na si Kurt noong mga sandaling iyon dahil para na rin siyang nanalo. Kahit hindi na manalo si Yue ng kahit na anong pwesto ay habang buhay na siyang magiging proud.

HOST: Narito na ang aking kamay ang resulta ng competition. Sino kaya sa ating Top 10 finalist ang tatanghaling Elite Super Model of the Year? Pero bago iyan ay magbibigay muna tayo ng special awards.

"The first award is brought to you by Shining Smile Toothpaste. And the best in close up smile is non other than.. number 28! Yue Fortaleza!"

"Next award is the most beautiful FACE OF THE NIGHT! And the winner is.. number 28! Yue Fortaleza!"

"Next is the FACE OF ELITE SUPER MODEL.. non other than.. number 28! Yue Fortaleza!"

Crowd cheering..

Matindi ang pagwawala ng mga tao sa venue!

Hinakot ni Yue ang lahat ng special awards noong gabing iyon. Halos hindi siya makapaniwala ang sa mga nangyayari. Wala naman siyang inaasahang kahit ano, basta ang mahalaga ay nakarating siya sa finalist.

Samantala ay halos sumabog sa galit si Jihan noong mga sandaling iyon lalo't ang mga gusto niyang awards ang napunta kay Yue katulad ng Face of the night at Face of ESM.

Hindi niya mapigilan ang galit noong mga sandaling iyon, nasaan na ang mga kaibigan ng kanyang ama? Nasaan na yung mga perang ibinayad nila para manalo?

Noong mga sandaling iyon ay nakatingin lang ng masama si Jihan kay Yue at hindi na siya masaya sa mga nangyayari. Lalo lamang siyang kinabahan dahil baka makawala pa sa kanya ang titulong inaasam-asam.


The Ocean Tail: Loving The Merman BXBWhere stories live. Discover now