ANGEL'S POV
Pumasok ako na palang walang nangyare kasi ayoko naman maging halata na kasi nakakahiya din naman. Kami ni Kiella yung nagbukas nang shop kasi kami yung na pa aga. Nag bilin din kasi si Kuya Duke na mawawala ulit sya nang isang linggo. "Good morning ladies" bati pa ni Shun "oh, andito na pala si Hoon. Tapos na date nyo nang girlfriend mo?" nang asar pa talaga si Kiella. "Regarding that, sorry if Vian made you guys uncomfortable. Nabigla lang din talaga ako" sabi pa ni Hoon "no worries, girlfriend mo sya after all. She has the right" ngiti ko pa na parang walang nang yare. "Pwede kana maging artista besie, ang galing mo umarte" bulong pa ni Kiella.
"Also, about that. Hindi ko girlfriend si Vian, we already broke up even before I came here. She came for me for some personal reasons but we are no longer together. Please don't refer to her as my girlffriend any longer" bilin nya pa at dumiretso na sa kitchen. Ok? So nag break na pala talaga sila? "Shun, anong chika? Akala ko mahal nya pa?" tanong pa ni Kiella, itong mga marites na to talaga oh "yun din akala ko Kie, kaso lang sabi nya kaya nya ni let go kasi nga daw mahal nya. Ewan ko, mahirap kausap yan eh pero basta yun na yun wala na sila" sagot pa ni Shun.
Ano daw? Ewan.
Nagpatuloy kami sa pag tratrabaho na parang walang nangyare. Hindi ko na inisip yung tungkol kay Vian kasi sabi naman nya eh wala na sila. Hindi ko mapigilan pero napapatingin talaga ako sa kanya paminsan minsan. Naiisip ko kasi kung bakit ako na dismaya nung sinabi ni Shun na may girlfriend naman talaga sya. Iniisip ko kung gusto ko ba sya o ano. Hindi ko talaga din kasi alam. Ang alam ko lang sobrang daming nagbago nung dumating sya dito.
Siguro nakahanap ako nang tao na nasa kapareho kong sitwasyon. Tapos nakahanap din ako nang tao na nagpapatawa sa akin at hinahatid ako pag gabi na kami na tatapos sa shop. Pero hanggang ngayon hindi ko talaga alam. Gusto ko na kaya sya? "Alam ko na gwapo ako, pero wag mo ako titigan nang ganyan maka manlumo ako" bigla ako na hinto sa day dreaming ko nung tumingin din sya sa akin at nag abot yung mata namin.
"Hah?" tanga ka Angel bakit mo sya tinitignan, "wala sabi ko may order ba? Ok ka lang bakit sabog ka?" Natatawang tanong ni Hoon "wala, walang order. Tska ok lang ako, ano... Ano kasi may sasabihin sana ako kaya lang nakalimutan ko" ang akward ko gaga. "Ok, sabihin mo nalang sa akin pag na alala mo na kung ano yun" sagot nya naman.
Nagpa tuloy ako sa pag seserve nung orders hanggang mag lunch break na. Dumating si Shun galing delivery tamang tama lang sa lunch break at may dala syang Jollibee. "Huy, bakit may Jollibee?" Tanong ni Kiella "kasi nagpa order si Master Hoon, sabi nya libre nya daw" sagot pa ni Shun "bakit libre mo?" Bulong ko kay Hoon "libre ko kasi ang sabog mo, parang kailangan mo yung bida yung saya" mahinang tawa nya. Siniko ko naman sya "uy, uy, ano yang pinag bubulungan nyo?" sabay na tumingin si Shun at Kiella sa amin.
"Wala, sabi ni Angel kamukha mo si Jollibee" asar pa ni Hoon kay Shun. Nagtawanan kami at sabay sabay na kumain. Kukuha na sana ako sa bucket nang fried chicken nang biglang kumuha si Hoon at linagay yun sa plato ko. "Here, have the big one. Kailangan mo yan para hindi ka bigla biglang natutulala" asar nya pa "sabing may sasabihin nga kasi ako kaya lang nakalimutan ko!!!" Natatawang sagot ko naman.
"Asus, ang sabihin mo ang gwapo ko talaga kaya lang ayaw mo aminin" asar nya pa ulit "anong gwapo? Neknek mo" sagot ko pa. Jusko, wag sana ako mamula sa pinag gagawa nitong gwapong puti ang buhok sa tabi ko. Baka kasi mag mukha akong bola bola. "Alam nyo, ang bilis nang panahon ano? Matatapos na yung 2 months nang summer. Parang naka idlip lang talaga ako tapos na yung summer" sabi pa ni Shun.
"Oo nga ano, tapos sobrang saya pa nung summer namin this year" sagot naman ni Kiella "asus, masaya kasi may gwapo?" asar ko naman kay Kiella "gaga! Masaya kasi dumami tayo tapos isa pa mas nagka time ako pumunta dito this summer" sagot ulit ni Kiella "teka nga bakit ka pala ulit andito? Diba bumalik na yung amo mo?" tanong pa ni Hoon. "Yup, kaso lang tapos na din naman yung summer contract ko kaya nagpatuloy nalang ako dito. Isa pa, the more the merrier kaya! Ito namang si Hoon parang ayaw na andito ako" nagtampo pa, nakakatawa talaga tung si Kiella.
"Hindi ah, nagtanong lang eh" sabay sabay kaming tumawa ulit. Natapos yung araw na medjo walang customers sa shop. Ganun talaga hindi palaging malakas yung benta pero atleast nag enjoy kami tulad nang palaging nang yayare.
After closing the shop eh hinatid na nila kami sa boarding house, may aasikasuhin pa daw kasi sila na ibang bilin ni kuya Duke sa bahay nya kaya hindi na kami nakapag dinner together. "Matatapos na pala talaga yung summer ano? Ang bilis? Parang ayoko pa bumalik" sabi nya pa "edi wag ka bumalik" sagot ko naman "pointless, papasok na kayo kaya ano pang fun sa shop" sagot naman nya "totoo nga naman yan" sagot ko ulit.
"Angel, I just wanted to say thank you kasi sobrang na enjoy ko talaga yung stay ko dito kasi sobrang accommodating mo kahit na suplada ka nung una" sabi nya pa "tska kana mag thank you pag aalis kana. Hindi ko na muna yan tatanggapin for now" ngiti ko pa "ang choosy mo, kahit thank you ayaw mo tanggapin" sabi nya pa ulit "andito na kami sa boarding house namin, thank you ulit" pasalamat pa ni Kiella "kung pwede lang boys sa loob ininvite na namin kayo. Kaso lang protective yung landlady" sabi ko naman.
"It's fine ganun talaga, anyways una na kami good night" nag wave na kami at nagpa alam. Natapos yung araw at hindi ko alam kung ano talaga yung nararamdam ko para kay Hoon. Ewan!
YOU ARE READING
Part Timer
Fanfiction"Angel!!! Ano ba gumising kana!!! May lalakeng puti ang buhok hinihintay ka sa labas!" anak nang tinapa pag dungaw ko sa bintana, sya nga talaga.. ang lalakeng sumira ng summer job ko. PS : na inspire ako magsulat ulit after many years kay sana sup...
