Chapter 1

23 1 1
                                        

ANGEL'S POV

"ano ba, bakit ang aga mo?" bwesit na lalakeng to, matapos ang summer ayaw padin ako tantanan "enrollment na po kasi, opo. Ano di kaba sasabay? Nakaligo na si Kiella tapos dadaanan ko lang si Shun" sagot pa nya "seryoso ka ba? Dito ka talaga mag eenroll? Balik kana kaya sa lugar nyo" sabi ko "pwede maligo kana lang, ang daldal mo talaga" ayoko din mag waste nang time kakausap sa kanya kaya naligo nko agad. Nawala sa isip ko na tapos na pala 3 months? Ang bilis, kailan lang nag babangayan pa kami nitong kasama ko sa coffee shop ng tito nya. Hanggang ngayon hindi parin kami pwede maiwan na kaming dalawa lang or else magpapatayan kami.

(3 months ago)

"ayaw mo padin umuwi? Pwede ka naman mag summer job dito sa probinsya ah"

"ano naman pong summer job meron dyan ma? Taga pakain ng alagang kambing ng kapit bahay?"

"Angel naman, umuwi kana lang kasi. Ano pa bang gagawin mo dyan wala kanang pasok"

"ma naman, nag summer job naman po ako nung sem break hindi naman po ganito reaksyon nyo"

"eh kasi sabi mo uuwi kana sa summer, anak summer na oh"

"ok lang kami ni Kiella dito ma, wag kang mag aalala tska na inform ko na amo ko na babalik na ako sa coffee shop eh. Cge na ma, pumayag kana ok?"

"ikaw talagang bata ka, ang tigas na ng ulo mo"

"wala po kasing ulo na hindi matigas. Ok lang po talaga ako dito, tatawag nalang po ako ulit. Babye po"

"Ayan kasi Shelland Angel, kung ano ano sinasabi mo sa mama mo kesyo uuwi kana at kung ano ano pa" sabat pa ni Kiella "sinabi ko yun para kumalma si mama yun gumana pero hindi ko inakala na ma aalala pa nya yun kaya medyo nagka problema pero ok na, napilit ko na naman sya" ngiti ko pa "crush mo amo mo ano? Bakit dun mo padin gusto mag trabaho this summer?" tanong ni Kiella "hindi ah, mabait lang talaga si kuya Duke" totoo naman, mabait kaya si Kuya Duke. Sya yung amo ko sa coffee shop na sobrang cute at sobrang caring. Teka nga lang Angel!!!! Hindi mo nga crush diba? Kumalma ka.

(kinabukasan)

"woi, aga nagising oh at nag make up pa. bakit? Miss mo si kuya Duke mo?" ito talagang si Kiella oh, "hoi hindi ah, parte kaya nang trabaho ko maging decente nu para hindi mandiri customers ko" sagot ko pa. "asus yang mga rason mo talaga, oh sya sige lumayas kana at mukhang miss kana ni Duke na yan" pang asar nya pa "sige una na ako tutal 10am pa naman duty mo sa fast food". Pagdating ko sa coffee shop nakita ko agad hinahanap ng mata ko, "goodmorning po kuya Duke" sabay ngiti "Angel!! Na miss kita, 10 months ka din nawala" sabi pa ni kuya Duke.

"eh ganun talaga Kuya Duke, studyante po. Pero dahil summer na ready na po ako mag duty ulit dito sa coffee shop" "mabuti naman kung ganun, dahil trabaho agad bungad ko sayo madami kasi tayong customers ngayon. Paki dala naman to sa kitchen sa likod, nandun na yung dishwasher paki palitan nadin yan ng bagong serving plates, alam mo na kung nasaan" "ok po Kuya, dadalhin ko nalang dito". Wala naman palang nagbago dito sa coffee shop, na miss ko talaga tung amoy nato. Nang makarating na ako sa kitchen binuksan ko ang pintuan without knowing...... may lalakeng walang pang itaas na damit sa kitchen "whaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!" nabitawan ko ang mga plato dahil napatakip ako sa mga mata ko "Angel, ok kalang?" tumakbo si Kuya Duke papunta sa akin at kinamusta ako. Binaba ko yung kamay ko at nagtanong "kuya, si ------ no----" napatingin ulit ako sa kanya at may damit na sya kaya kumalma na ako pero gulat na gulat padin ako, kayo ba naman maka kita ng lalakeng hubad sa kitchen at gwapo pa. teka nga lang gulat nga tayo Angel diba? Bakit sa mukha agad tingin mo?

"tubig muna oh, pasensya nagulat kaba?" tanong pa ni kuya Duke "po? Ah—" "Hoon naman! Magdamit ka nga, nakakadiri ka" sabi ni Kuya Duke dun sa lalake "anong nakaka diri tito eh napalunok nga yang part timer mo nung nakita nya ko ng hubad ano" aba ang kapal ba naman ng mukha "bakit kaba naka hubad eh kitchen to, hindi cr. Umayos ka nga" sabi ulit ni kuya Duke, teka tito? Bakit tito? "ah, Kuya Duke bakit po tito?" tanong ko pa "sorry Angel nakalimutan ko sabihin sayo kagabi na this summer kasama natin dito sa coffee shop ang pamangkin ko. Anak sya nang ate ko, sya si Hoon" eh? Anak ng ate ni Kuya Duke so blood related sila? Pero bakit ang hangin nang attitude nya? Marami sigurong nagsasabi sa kanya na gwapo sya. "ah ok po" balewala lang ako, weird kasi nang pangalan at puti pa buhok nya kala mo anong lahi, pero infernes bagay sa kanya. Pero kahit na ano, ang kapal ng mukha sinabihan ba naman ako na napalunok daw ako. Umalis na si kuya Duke kasi may customer kaya na iwan kami sa kitchen, lininis ko nalang din yung na basag na mga plato. "Hi, Angel" ngek ngumiti pa "don't call me Angel, hindi tayo close at isa pa wag ka nga mag hubad dito, anong akala mo sa katawan mo? Pandesal? Manalamin ka kaya ano? Mamon ka boi!" sigaw ko pa at umalis na sa kicthen. Nakaka imbyerna, kahit na gwapo sya at bagay sa kanya buhok nya wala syang karapatan mang imbyerna ng tao ano?

Part TimerWhere stories live. Discover now