Chapter 7

1 1 0
                                        

ANGEL'S POV

"goodmorning kuya Duke" bati ko pa, "oh, akala ko mag aabsent kadin ngayon? Si Hoon kasi na drain kaya gusto nya magpahinga" sagot pa ni Kuya "so wala po sya today?" Tanong ko ulit "Oo wala sya" yes!!!! Finally magiging peaceful tung araw nato. "Laki nang ngiti mo ha, gustong gusto mo na wala si Hoon dito. Oo nga pala, kamusta naman kayong dalawa kahapon? Naging ok ba?" Tanong pa ni Kuya "carry lang naman po, may mga positive feedbacks naman po. Then i collected the contact infos nung interested po. Tatawag nlang sila pag naka pag desisyon na po" sagot ko pa.

"Eh si Hoon? Ok lang ba?" Tanong nya ulit "cooperative lang naman po sya kahapun, himala nga eh. Pero thankful po ako na hindi sya nag sungit, mas naging smooth po yung trabaho" sagot ko naman "mabuti naman kung ganun, nag alala ako na baka hindi maging ok kasi hindi kayo magkasundo tska baka anung magawa nun. Depressed kasi yun ngayon, hindi stable yung mental health nya kaya medyo iba talaga yung attitude. Salamat naman at naging ok lang lahat" ngiti pa ni kuya Duke.

Depressed? Parang hindi naman halata. Nag simula na akong mag serve at dahil wala si Hoon eh ako na muna yung gumawa nung ibang orders na kaya ko, busy din kasi si Kuya Duke kasi may ibang company work din kasi, sideline business nya lang tung shop. Over lunch eh nagclose sya kasi gusto nya daw mag lunch together. Oh diba ang caring nya? Sobrang swerte nung babaeng makakabihag nang puso nya. Dinala nya ako sa fast food kung saan nag tratrabaho si Kiella at saktong lunch break nadin ni Kiella kaya kumain kami nang sabay. "Hoi baka magalit ka na sumabay ako ah, alam ko gusto mo kumain na kayong dalawa lang nitong amo mong gwapo" bulong nya pa "gaga! Hindi ha, tska ang awkward kaya nun" sagot ko pa.

Na curious ako sa sinabi ni kuya Duke na depressed si Hoon kaya nag tanong ako. "Ah, kuya Duke ngayon ko lang kasi na realize na wala talaga akong alam tungkol kay Hoon. Kaya gusto ko po mag tanong tungkol sa kanya, kung ok lang po" "aba, sure kang curious ka oh baka naman crush mo na yung pamangkin ko?" Tanong nya pa "po? Hindi po ah, katrabaho ko kaya sya kaya dapat may alam po ako tungkol sa kanya" napagkamalan ba naman akong may crush sa mamon na yun.

"Ano bang gusto mo malaman tungol Kay Hoon?" Balik nya pa nung tanong "ah, ano po stado nang pamilya nya?" Inunahan ba naman ako ni Kiella, nay nako mukhang sya yung may crush kay Hoon ah. "Don't worry, jowa material yun Kiella. Mayaman yun" natatawang sagot pa ni kuya Duke. "Pero seryoso, may architectural firm ang pamilya nang ate ko. Engineer ang ate ko at architect yung asawa nya which is daddy ni Hoon. Kaya may kaya talaga sila, tapos si Hoon lang yung anak nila. Busy kasi kaya hindi na sila nag anak nang marami" sagot ni kuya Duke

"So mag isa lang talaga si Hoon noon palang?" tanong ko "lumaki si Hoon kasama yung yaya nya, nanay nga tawag nya dun. Sobrang close sila at baby palang si Hoon eh yun na yung nag aalaga sa kanya. Yun yung kasama nya buong buhay nya" sagot ulit ni kuya. "So wala syang kaibigan?" Tanong naman ni Kiella "nung lumalaki sya, wala syang kasama talaga na ka edad nya. Kasama nya lang yung nanay nya, i mean yung yaya nya. Tapos nung nag aral na sya eh wala din syang maraming kaibigan kasi hindi naman sya pala kaibigan tapos nakita nyo naman, suplado sya" natatawang sagot pa ni kuya.

Ang boring pala nung naging buhay nya ano? Tapos wala pa syang kasama kasi lageng wala yung parents nya. Parehos pala kami na kada achievement eh mag isa naming tinatanggap yung awards kasi wala naman kaming matawag na guardian habang lumalake. Kaibahan lang siguro eh anak mayaman sya habang ako naman lumaki sa single mom at palaging nasa trabaho yung mama ko.

"Kahit ngayon po? Wala syang kaibigan?" Tanong naman ni Kiella "ah, meron naman kaso hindi ko kilala. Nakikita ko lang sa instagram stories nya yung tropa nya. Classmate nya ata yun sa campus or something" sagot pa ni kuya "ilang taon na po sya? Baka kasi walang modo yung tawag ko sa kanya malay ko ba baka sobrang tanda na nun" natatawa ko pang tanong. Mabuti nang sure ano. "21 palang sya, matanda sya sa inyo nang isang taon lang yata. Pero 3rd year na sya sa college kasi na advance sya nung highschool. Alam nyo na walang kaibigan kaya na focus sa pag aaral"

Eh? 21? Pero 3rd year na? Ang sosyal naman nang school nya ano? Tska sobrang talino siguro nun para ma accelerate sya sa school nila. Baka matalino talaga sya tapus hindi lang halata kasi alam mo na, sungit tapos suplado at ang cold cold pa. "May jowa po ba?" Aba ito talagang si Kiella oh, "nako, yan ang hindi ko alam. Wala talaga akong alam tungkol sa personal life nung batang yun. Hindi na kasi kami madalas magkita nung nag open na ako nang shop dito"

After lunch bumalik na kami sa shop, napa isip ako tungkol dun sa mga info na sinabi ni kuya. Ang loner nya pala ano? Loner na nerd pero hindi halata kasi nga ang sungit. Pero infernes nakaka relate ako sa buhay nya. Ganun din kasi ako lumaki. Pero bakit hindi naman ganun yung ugali ko sa mga tao. Parang may nangyare sa kanya bago sya pumunta dito pero parang hindi din alam ni kuya Duke kung ano yun.

Part TimerWhere stories live. Discover now