HOON'S POV
"teka lang naman tito, baka naman pwede na ikaw nlang yung sumama sa pag hunting nang mga models na yan. Hindi talaga ako tatagal ng isang oras kasama yung hinayupak na walis na yun. What more pa yung isang buong araw?" Nakakainis naman kasi tung si tito parang pinaglalaruan nya talaga ako. "Alam mo Hoon, feeling mo lang talaga yan, sure ako magiging close din kayo ni Angel. Tska ano ka ba maghahanap lang kayo ng pwede mag model para sa coffee shop hindi kayo mag dadate at isang araw lang kaya, hindi to forever"
Alam nya na badblood kami nung Angel na yun tapos ako pa talaga yung pinasama nya.
(Kinabukasan)
Wala na naman akong magagawa kasi nakapag desisyon na si tito na talagang ako yung pasasamahin nya kay Angel, pumayag nalang ako tutal wala na naman akong ibang choice kundi pumayag nalang na sumama sa kanya. "I've found a place where you can go first next week para sa model hunting nyo. May mapa na at lahat lahat kaya wag na kayo mag aalala. At hindi deducted sa sweldo nyo ang gagastuhin nyo dito bilang napipilitan lang din naman kayo" irap pa ni tito na parang nagtatampo pa.
"Nako Kuya Duke, wala naman problema sa akin. Alam nyo naman na go na go ako sa adventures eh. Yang pamangkin mo lang yung may matinding galit talaga sa akin" aba't ako pa talaga "tumahimik ka ngang walis ka, ang peke mo talaga" sagot ko pa "oh yan na naman tayo eh. Umagang umaga pa oh tska tungkol dito sa model hunting, pwede isipin nyo nalang na gagala kayo tapos free lahat. Yun nalang" kahit na gala pato na free lahat, kung may choice lang ako aalis talaga ako mag isa kairita.
Hindi kami nagpansinan buong araw, iniisip ko din kasi kung paano ako susurvive nang isang buong araw na sya ang kasama. Parang hindi ko talaga kasi kaya pero susubukan ko nalang kasi nga WALA AKONG CHOICE. "kuya barista, ang gwapo mo naman po. Kung mukha mo yung nasa labas nang coffee shop for sure dudumugin nang tao tung shop nyo" ngiti pa ng isang bata, highschooler ata to. "Salamat, pero hindi ako gwapo ano naninibago kalang siguro sa akin" ngiti ko pa balik. After umorder nung bata eh bumalik na sya sa seat nya "aba iba din marketing strategies mo ah, sana magamit natin yang mukha mo next week"
(A week later)
"Ngayon na yung model hunting nyo, sana may madala kayong good news para sa akin ok? At sana wag kayo mag away nang mag away kahit nasa daan kung ayaw nyo mag mukhang tanga" natatawang sabi pa ni tito. "Kuya Duke, susubukan ko po yung best ko para makadala nang goodnews para nadin sa coffee shop" papapel talaga kahit kailan "ano Hoon? Ready kana ba? Wag kang lalayo kay Angel ha? Bago ka pa naman dito" bilin pa ni tito "sya yung sabihan mo tito, duda ako iiwan ako nyan" "Hoon, kakasabi ko lang wag na mag away kahit ngayon lang. Oh sya sige mag iingat kayo"
Dumiretso na kami sa bus station para maghintay ng bus papunta sa pupuntahan namin. "Taga saan kaba talaga, bakit wala kang alam tungkol sa lugar namin. Taga abroad ka ba?" Tanong nya pa "bakit mo ba tinatanong? Census kaba?" Balik ko pa nang tanong "aba gusto ko lang siguraduhin na hindi kidnapper yung kasama ko ano, malay ko ba nagpapanggap ka lang" irap nya pa "wag ka ngang feeler, kahit na maging kidnapper pa ako hindi ako magkaka interes na kidnappin ka. Kala mo naman ang ganda ganda mo, at isa pa, walang kidnapper na ganito ka gwapo" balik ko naman nang irap ko
"Hoi kayong dalawa! Sasakay ba kayo oh mag aasaran lang kayo dyan?!" Nang marinig na namin na sumigaw yung bus driver eh napa takbo na kami sa luob nang bus. Eh timing na punong puno, edi inunahan ko na sya na umupo sa bakanteng upuan. "Tignan mo nga, kung sinong walang modo?" Na iirita nya pang tanong "sorry, first come first serve" natatawa kong sagot. Halata kasi na hindi sya makabalance pag yumuyugyog yung bus nakakatawa lang.
"Ijo, baka gusto mo pa upuin yung jowa mo. Kahit na may away pa kayo dapat palaging gentleman nakaka awa kaya baka tuluyan kang i break nyan" tumirik yung mata namin nang magsalita yung matandang babae sa tapat ko "ah, hindi ko po sya jowa, lola at hindi ko din po sya kilala. Tska mukang malusog pa naman buto nya kaya nya na po yan" sagot ko pa dun sa matanda.
"Nako lola, sanay na po ako sa mga lalakeng ganyan kadalasan kasi po wala na talagang lalakeng gentleman sa mundo. Halata din po sa mukha nya na priority nya sarili nya kaysa sa ibang tao kaya ok lang po ako, maraming salamat nalang po sa concern nyo lola" irap nya pa "mga kabantaan nga naman sa panahon ngayon oh ang aga aga mag jowa tapos hindi na makasolusyon pag nag aaway na, hay nako"
"Hindi nga po kami mag jowa!" Sigaw pa naming dalawa "huy mga bata wag nyo naman sigawan yung matanda" sita pa nung isang babae kaya natahimik kaming dalawa. Bakit ba kasi kami tinatawag na mag jowa eh hindi nga kami mag jowa kahit na magkaiban nga man lang hindi ko kaya ano. Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako sa byahe, medyo nag panic pa ako kasi hindi ko na sya nakita pag mulat nang mata ko yun pala tulog din. Paano kaya pag nalagpasan na namin yung pupuntahan namin ano?
YOU ARE READING
Part Timer
Fanfiction"Angel!!! Ano ba gumising kana!!! May lalakeng puti ang buhok hinihintay ka sa labas!" anak nang tinapa pag dungaw ko sa bintana, sya nga talaga.. ang lalakeng sumira ng summer job ko. PS : na inspire ako magsulat ulit after many years kay sana sup...
