HOON'S POV
Mamon? Anong mamon eh araw araw kaya ako nag wowork out. Ang kapal nang mukha nung walis na yun ah. Kung alam ko lang na makaka kilala ako ng taong walis dito sa coffee shop ng tito ko edi sana hindi nlang ako nagpaka buting pamangkin ano. Habang gumagawa ako ng orders na kape eh nasa isip ko parin yung insultong mamon, nakaka irita kasi nakita nya kaya tapos tatawagin nya pa akong mamon? "hoi, Archiel Hoon mababasag na yang cup. May kinagagalitan ka ba? Bakit parang halos mabasag na yung cup sa pag mimix mo dyan?" tanong pa ni tito nang makita nya ako. "tito naman, wag mo kasi ako tawagin sa pangalan na yan. Nakaka good boy eh alam mo naman na bad boy yung image ko para maka attract nang fans" sagot ko pa.
"bakit pa? eh famous kana naman sa university nyo, yun ngalang famous na pa asa. Yang pagiging gwapo mo, yan ikasisira nang image mo. Hindi mo kasi ginagamit sa tama" sabi pa ni tito. "teka lang naman, hindi ko kasalan na kung ano ano nalang delusyon nang mga babae sa akin ano. Hindi ko naman sila sinabihan na dapat umasa sila sa akin" sagot ko pa "but your actions say otherwise, lahat ng mga babae na nagbibigay sayo nang kung ano ano eh tinatanggap mo, masyado kang friendly kahit sa chats. Kaya ka naka blacklist sa mga babae eh" "hindi ako na inform na bawal pala maging mabait ano" sagot ko naman "hindi yun pagiging mabait pamangkin ko, alam mo ano tawag dun? Pakikipag laro sa damdamin ng mga tao" "hindi kaya, mabait lang talaga ako at appreciative ang mga babaeng yun ang delusyonal" totoo naman kasi, kasalanan ko ba na sadyang mabait lang talaga ako?
Pagdating nang hapon tinulungan namin si tito mag close nang shop kasi pagabi nadin. "ma una na po ako kuya Duke, see you tomorrow" at ngumiti pa, kala mo bagay sa kanya yung ngiti nya. "sabay kana lang samin, on the way lang naman" offer pa ni tito "ay hindi po on the way kuya, at ayoko rin mo macontaminate yang pamangkin nyo" aba naman talaga ah, "sige ikaw bahala mag ingat ka nalang" sabi ni tito. "taga saan ba yang babaeng yan, walang modo" "huy mabait kaya si Angel, sa maling side ka lang nya napunta eh ang kapal naman din kasi nang mukha mo akala ko paman din eh mabait ka girls" "mabait po ako sa mga magaganda at yung totoong anghel yung attitude, hindi po yun sa mga babaeng Angel na nga yung pangalan pero walang modo" napagod na din ako na pag usapan yung walis na Angel na yun kaya tahimik lang ako hanggang makadating kami sa bahay ni tito. "una na po ako, pagod na ako" nakalimutan ko na hindi ko pa pala na checheck dms ko buong araw. Naging occupied kasi sa trabaho.
@lee_shun15
Tawag ka pag out mo, mangangamusta lang kung may chikababes ba dyan sa lugar ng tito mo
Anak ng putakte, ako pa talaga hingan ng babae.
"hello? Anong kailangan mo"
"preeee!!! Na miss kita"
"gago, naghahanap ka lang nang babae eh. Ano kailangan mo?"
"wala, mangangamusta lang. tahimik nang summer ngayon eh, hanggang kailan kapa ba dyan?"
"buong summer ako dito Shun, sinabi ko na sayo ah"
"alam mo, baka lang nagbago na isip mo. Na boboring na ako dito eh wala akong kasama pumarty sa club"
"ang sabihin mo, gagawin mo akong magnet nang mga babae"
"hindi kaya, anong akala mo ikaw lang yung gwapo? Pero di nga, seryoso kamusta first day mo dyan?"
"ok naman, hindi ganun ka worse tapos kaya ko lang naman yung trabaho, tapos ano.."
"tapos may babae? Huy dali sabihin mo!!"
"kalmahan mo nga, oo meron nga kasama ko sa trabaho"
"ano? Maganda ba?"
"may panget bang babae para sayo, Shun?"
"sagutin mo nalang kasi, ano ganda?"
"hindi ok? Hindi sya maganda. Walang maganda dito kaya wag ka mag chat kung babae hinahanap mo kasi hindi sya maganda"
"eh tonong sinuwaling naman yan, tagal mo nakasagot. Sure akong maganda sya, puntahan kaya kita dyan? Gusto ko makita kasi curious ako"
"wag na, dyan ka nalang. Hindi nga sya maganda"
"maganda nga siguro sya kasi defensive ka"
"sige na, medyo lang"
YOU ARE READING
Part Timer
Fanfiction"Angel!!! Ano ba gumising kana!!! May lalakeng puti ang buhok hinihintay ka sa labas!" anak nang tinapa pag dungaw ko sa bintana, sya nga talaga.. ang lalakeng sumira ng summer job ko. PS : na inspire ako magsulat ulit after many years kay sana sup...
