Chapter 13

1 1 0
                                        

ANGEL'S POV

"Kuya Duke, ano kasi" nahihirapan ako mag explain gaga naman kasi tung si Kiella, ako pa talaga yung inutusan. "Bakit ba? Magsalita kana dumadami na yung customers oh" "kasi tito, dito na muna daw si Kiella for this week kung ok lang ba daw kasi mag pupunta out of town yung may ari nang fast food chain na trinatrabahuan nya. Kaya ayun closed sila for a week, ayaw nya naman ma boringan kaya ayun" minsan talaga itong si Hoon, lifesaver. "Oo naman, walang problema. Akala ko naman kung ano nang nangayare eh. Sige na balik trabaho na" utos pa ni Kuya Duke.

"Bakit na uutal ka pa, hindi naman na bago si Kiella dito?" tanong pa ni Hoon "nakakahiya kaya, hindi naman talaga sya staff dito tapos palipat lipat pa" sagot ko naman "nako, ok lang yan si kuya Duke. Bait kaya nun" tama nga naman si Shun mabait nga talaga si Kuya Duke. Naging smooth yung trabaho namin, kasi maraming nag tratrabaho tapos feeling ko biglang dumali ang araw kasi masaya lang talaga yung vibe namin. During lunch break eh tuloy yung asaran namin tungkol kay Shun at Kiella "nako, sinasabi ko sayo Kiella humihilik to hindi lang talaga halata" asar pa Ni Hoon kay Shun.

"Gago! Hind ka nga nagpapa pasok sa kwarto mo tapos sasabihin mo ngayon na humihilik? Ang kapal mo" sagot pa ni Shun "hoi totoo kaya, nagka roon tayo nang out reach program nung first year sino katabi mo? Ha? Diba ako? Antagal ko kaya nakatulog kasi saksakan ka nang ingay parang barkong umaandar" natatawang asar pa ulit ni Hoon. "Hindi kaya yan totoo! Wag kayo maniwala dito, wala namang proweba" nagpbabatuhan pa nga nang pagkain kala mo hindi 21 years old. "Hoi wag kayong malikot, yung pagkain oh natatapon na" sita pa ni Kiella

"Itong si Hoon kasi kung ano ano yung sinasabi kala mo walang flaws" na iiritang sagot naman ni Shun. "Ok ganito nalang, para makabawi ka Shun. Sabihin mo sakin kung ano yung pinaka ayaw mo tungkol dito kay Hoon" tanong ko pa "grabe naman yan Angel, alam mo ba mabilis kaya manira yang si Shun. Nag sasabi lang naman ako nang totoo ang unfair mo" may pa cute cute pang nalalaman. Nakakatawa na talaga yung mukha nila.

"Wag ka ma ingay Hoon, si Shun yung tinatanong ko" sita ko pa "ano, cold na tao yan kala mo nasa ilalim nang dagat nakatira pero pag sa babae kala mo artista sa sobrang daming regalo na tinatanggap" asar pa ni Shun "tapos ano pa?" Puno pa ni Kiella nang tanong "ano, bobo yan sa math pero archi student" natatawang sagot pa ni Shun "hoi walang archi na hindi bobo sa math, bakit ikaw? Talino ka? Ha? Sabihin mo nga?" hay parang hindi na talaga to sila matatapos dito.

"Sige na, sige na baka magsapakan na kayo dyan. Balik trabaho na" sita ko ulit. Natapos yung araw na nagtatawanan lang talaga kami sa shop. Gumabi nalang wala pa si kuya Duke, kaya nagtanong na ako kay Hoon "Hoon, san tito mo? Bakit wala ata sya today?" "May ginagawa daw sya na importanteng project kaya hindi na muna sya makaka punta dito nang ilang araw. Marami naman din daw tumumulong dito kaya assured si tito na ok lang tayo dito kahit wala sya" sagot naman ni Hoon.

After namin mag close nang shop eh naglakad na kami pa uwi. Since gabi na eh hinatid nila kami kasi binilin daw din ni kuya Duke kay Hoon pero malay ko nalang ba kung binilin ba talaga oh pumaparaan lang tung si Shun sa tropa ko "may extra pay ba kayo dito sa hatid sundo nato?" tanong ko pa "wala, pero ibinilin kasi ni kuya Duke kaya ano pa bang magagawa namin?" Sagot naman ni Shun "seryoso? Oh baka naman pumaparaan ka lang dyan?" asar ko pa "hoi! Malinis kunsyensya ko," aba nakaka tawa talaga tung si Shun.

Hinayaan ko nalang sila mag usap ni Kiella tutal naka bantay naman ako sa likod. "Alam mo nadala ko lang kotse ko, andun na tayo" biglang salita pa ni Hoon "Oo nga no?" "Wag ka mag alala kay Shun. Ako bahala sa mokong na yan, hindi nya paglalaruan si Kiella" assure nya pa sa akin "halata ba nag nag ooverthink ako?" tanong ko pa "for some baka hindi, but I can see through you. Alam ko na may trust issues ka sa mga tao. Kasi kung wala pa, we would've not fought so much in the past" may point nga naman sya dun.

"Hindi ko mapigilan, kasi hindi ko pa naman sya lubos na kilala para pagkatiwalaan ko sya. Si Kiella kasi sobrang friendly at madali makuha ang trust nya, buti nga at hindi pa naloloko" share ko pa sa kanya "that's why you have to trust me about Shun. I've known him for years, classmate ko yan kaya kilala ko yan. Don't worry I'll protect Kiella for you and I'll protect you too" napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko sya "ano?" "Wala, sabi ko andito na tayo" sure akong may sinabi sya eh, ano daw yun? Ang lakas naman nung dumaan na motor hindi ko na tuloy na rinig. "Shun! Tara na, sobra kana" tawag nya pa kay Shun "salamat sa pag hatid, see you tomorrow" nag wave nalang kami at pumasok na.

Part TimerWhere stories live. Discover now