Chapter 11

1 1 0
                                        

ANGEL'S POV

"Congratulations for making the shoot successful, Hoon at Angel!! Alam nyo sobrang exited na ako na makita yung photos" ngiti pa ni Kuya Duke "nako kuya, wag kayo mag expect masyado kasi hindi naman ako professional na model baka madismaya lang kayo" nahihiya ko pang sagot "asus, nagsalita ka pa" asar pa ni Hoon. "Sige na, sige na malalaman natin yan pag nakita na talaga natin yung final photos" medyo na eexite talaga ako sa photos pero ayoko mag expect kasi baka nga panget yung kalabasan. Habang busy kami sa shop kasi madaming orders ngayong araw eh may biglang pumasok at tinawag ako.

"Hi miss," customer yata to? Gwapo din ah green kulay nang buhok nya "hello po sir, anong order nyo po?" Balik ko pa nung tanong "ah hindi, Im not a customer. I'm looking for Hoon Mineses. Is he working here?" tanong pa nya, bakit nya kilala si Hoon? "Angel, heto yung------- Shun?!" Biglang lumabas si Hoon galing sa kitchen at nagulat sya nang makita nya yung lalakeng green yung kulay nang buhok sa harapan ko "pre!!!! Namiss kita!" Aba, close sila? Nagyakapan pa talaga.

"Tinotoo mo talaga na pupunta ka dito ah," "sinabi ko naman sayo diba? Na pupunta ako dito kasi na boring na ako" sagot nya pa "speaking of which, you are?" Lumingon sya sa akin at tumingin. Aba parang bawal yata yung panget sa barkadahan nila ah? Eh ang gwapo din nang isang to. "Oh, uhm hi I'm Angel. I work here with Hoon. Sorry ah, napagkamalan ba naman kitang customer" nahihiya ko pang sabi "nako, ok lang sa ganda mo ba namang yan. I'm Shun by the way, ako lang nag iisang kaibigan ni Hoon sa mundo" ngiti nya pa, nako kung andito lang si Kiella hindi na yun uuwi sa boarding house namin. Sa dami ba naman nang gwapo dito sa shop baka dito na yun tumira.

"Oo nga eh, halata" tawa ko pa "how'd you guess?" Tanong pa ni Hoon "cute kasi nang kulay nang buhok nyo parang halo - halo" tawa ko pa "bagay ba?" tanong pa ni Shun, parang magiging close din kami nang isang to. "Huh? Oo naman, bagay" ngiti ko pa. Iniwan ko na muna silang mag catch up at bumalik na ako sa trabaho. Na alala ko kasi mag iisang buwan nang wala si Hoon sa kanila tska baka na miss na sya nitong kaibigan nya. Sa pagkaka alam ko eh ito ata yung university friend nya? Andami sigurong gwapo sa school nila ano? Kasi itong si Shun sobrang gwapo din at amoy mayaman din.

"Oh, may bisita pala tayo" sabi pa ni tito nang makita nya si Shun sa shop. "Ah, tito sya yung kaibigan na sinasabi ko sayo last time. Si Shun po" pakilala pa ni Hoon "nice to meet you Shun, salamat ah mukhang mataas talaga pasensya mo sa mga tao kasi natiis mo tung pamangkin ko" puri pa ni kuya Duke "nako, walang anu man po" ngiti naman ni Shun, nako ang gwapo nya ngumiti, pag ito talaga nakita ni Kiella ewan ko nalang talaga.

"Ah, sir Duke hiring pa po ba kayo? Gusto ko sana mag apply. Magtatagal kasi ako dito boring na kasi dun tapos ang tagal tagal pa po bago matapos yung summer" offer nya pa "sure ka ba? Eh baka anak mayaman ka at hindi mo kayanin trabaho dito" asar pa ni kuya Duke "susubukan ko po para naman magka experience po ako sa trabaho" ngiti nya ulit nako nakaka tunaw na, "sige ok lang, the more the merrier tska kuya Duke nalang. Yun yung tawag ni Angel sa akin eh. Nasanay na ako" mukhang dadami na yung customers starting from now ah. "Sige po kuya Duke, maraming salamat po"

After nya matanggap without any formalities eh nagsimula na sya mag serve. Ewan ko nga kung anong pinunta nung customers dito sa shop, yung pagkain ba namin oh yung mukha nilang dalawa. Pag may humihingi nang number ni Shun kada mag seserve sya eh natatawa nalang ako. "Parang ang lake nang ngiti mo sa tropa ko ah, gwapo ba?" biglang lumapit si Hoon sa akin at nagtanong. "Hah? Hindi ah, na aaliw lang ako kasi andami daming interesado sa inyo. Siguro maraming gwapo sa school ninyo ano?" Tanong ko pa "medyo lang"

Nung papa close na kami eh nag salita si kuya Duke "lumalaki na yata pamilya natin ah, at dahil may bago tayong kasama. Mag cecelebrate tayo! Dinner's on me" ngiti pa ni kuya Duke "nako kuya Duke nakakahiya naman po" sagot pa ni Shun "wag kana kumontra Shun, tradition yun dito. Kahit nung first day ni Hoon eh kumain kami sa labas. Ganun talaga, binyag yun na myembro kana nang pamilya namin"

"Seryoso, may dinner talaga?" Tanong ni Shun sa akin habang nagliligpit kami "Oo, ganun talaga" sagot ko naman "bakit  hindi ako yung tinatanong mo? Akala ko ba ako pinunta mo dito?" tanong pa ni Hoon at pumagitna sa amin. "Ano namang meron kung si Angel yung tinatanung ko? Seloso mo pre" nag asaran pa. Isa sa napansin ko, mas madalas na ngumingiti Hoon kaysa nung una syang dumating dito. Sana habang nagtatagal sya dito eh mas bumubuti yung pakiramdam nya. "Daanan nalang natin si Kiella, na text ko na" sabi naman ni Kuya Duke "sinong Kiella?" tanong pabalik ni Shun "si Kiella? Sya yung chikababes na hinahanap mo" sagot naman ni Hoon. Aba anung chikababes?!

Part TimerWhere stories live. Discover now