Chapter 8

0 1 0
                                        

HOON'S POV

"Anong mawawala nang pansamantala? San na naman kami pupunta, tito?" Bigla bigla naman kasi syang nagsasalita nang kung ano anong bagay sa harapan ko "epic fail yung hunting nyo, naka schedule na yung photoshoot. What do you think should we do?" tanong nya pa sa akin "uh? Maghanap ulit?" balik ko pa nung tanong. "We have no time for that Hoon, next week photoshoot na so I've decided na kayo nalang ni Angel ang magiging model" sabi nya pa "ano?! Are you kidding me tito? Model? I don't do modeling at kasama pa talaga yung walis na yun?!" Hindi pwede, hindi ako papayag! Never!

"Then what do you expect me to do? Hindi ko na macacancel to Hoon. Isa pa you should act like an employee, after all amo mo ako. Kaya sumunod kana lang. Ang swerte mo kaya popose kalang may kita kana. Its more convenient than making coffee sa shop" sagot pa ni tito "but its uncomfortable" totoo naman kasi, i dont like my face being seen by everyone. "Pag empleyado ka, gagawin mo lahat nang utos sayo. It's as simple as that ok? Uupo kalang mag bibihis and that's it. I just came to tell you in advance, and pumasok kana bukas kasi pag uusapan natin to kasama si Angel"

Kung mina malas ka nga naman oh, hindi pa ako nakakapag isang buwan dito pero andami dami nang nangyayare.

(Kinabukasan)

"Bakit po may biglaang meeting? Ano po meron?" tanong pa ni walis "epic fail yung model hunting nyo. Sure ba kayo na naging convincing kayo dun sa offer? Wala namang nag reach back sa akin eh, tska naka schedule na yung photoshoot nakakahiya naman kung i cacancel ko pa diba eh scheduled na yun, kaya napag isipan ko na....." "na tayong dalawa nlang yung mag momodel para sa coffee shop" ako nalang nag continue nung salita ni tito, para nahihiya pa sya eh, if i know all along plano nya naman talaga to.

"Ah, ok. Hindi naman po kailangan nang ganitong meeting ok lang naman po kung tinext nyo nalang sa akin wala naman pong problema" aba ang wide nang ngiti ah parang aabot kilay na. Siguro crush nya yung tito ko, go na go sa kahit anong ipagawa eh. "Seryoso ka ba? Sabihin mo nga, crush mo ako ano?" tanong ko pa "eh? Kumain kana boi? Anong konek sayo kung ok lang sa akin na mag model? Kapal din talaga nang mukha mo ano?"

"May connection talaga kasi, AKO! AKO ang kasama mong mag momodel!" sigaw ko pa "oh tapos? Hindi ko kasalanan na may professionalism ako ano tapos ikaw wala" umirap pa talaga, "ok, ok, so final na kayo na yung mag momodel ha? Get yourselves prepared. Isipin nyo nalang na part of the job to" ngiti pa ni tito.

Minsan, hindi ko na talaga alam kung ano talaga trabaho ko dito sa shop. Sabi kasi sa job description eh barista lang ako. Hindi naman ako na inform na may barista na nag rerecruit nang models at barista na model itself. 

During lunch break pinag uusapan nila tungkol sa preparation para sa photoshoot next week. "Kailangan ko na ba mag skin care, kuya Duke?" natatawang tanong pa nya "ha? Wag na, maganda ka kaya. Ok na yan" asus nagloko pa si tito "eh ikaw Hoon, anong prep mo?" tanong pa ni tito "wala, kailangan ba yun? Necessary ba yun? Eh ok na naman yung looks ko ah, kaya nga gusto mo ako mag model diba?" totoo naman kasi, kahit wala akong gawin, kahit yung usual na ayos ko lang ok na yun.

"Ewan ko sayo Hoon, basta alam nyo na dapat gawin nyo. Tska Oo nga pala, before I forget 2 days yung shooting kaya hindi sya agad agad matatapos. Mas tatagal pa talaga to pag nag bangayan pa kayo sa shooting day, tska kayong dalawa lang pupunta sa venue since walang maiiwan dito pag sinamahan ko pa kayo. Kaya nyo naman diba? Hindi to yung first time na magkakasama kayo na kayong dalawa lang"

Totoo nga naman, pero parang uncomfortable lang talaga tung lahat nang to. Buong araw wala akong imik at nag focus nalang sa trabaho ko. Napadaan ako sa instagram at nag memory yung post ko ng mukha namin ni Vian nung gumala kami. 3 years and 6 months na pala kami ngayong araw? Bakit parang hindi naman ako nalungkot sa nakita ko? Parang na dismaya lang.

Pagdating namin ni tito sa bahay eh dumiretso nako sa kwarto ko, inaya nya ako mag noodles pero wala ako sa mood kaya sinabi ko nalang na diet ako para atleast may prep naman ako para sa shoot namin ni Angel. Papasok na sana ako sa shower nang biglang tumunog yung phone ko, si Shun pala tumatawag.

(Pre, ready na bagahe ko!)

(Gago! So talagang pupunta ka dito?)

(Lol! Sinabi ko nga sayo diba?)

(Eh akala ko joke lang yun kasi hindi ka naman talaga seryosong tao)

(Gago! Hindi totoo yan ah! Basta ready na bagahe ko)

(Bahala ka)

(Exited na ako makita yung chikababes sa IG story mo)

(Lol! Hindi maganda kaya wag ka mag expect!)

(What if maganda pero ayaw mo lang aminin kasi natatakot ka na baka magustuhan ko? Magka aminan nga tayo Hoon, nagkakagusto kana ba sa iba?)

(Sino ka? Si Boy Abunda? Chismoso mo ah!)

(Tinatanong ko lang kasi concerned ako, wala ka naman talagang sinabi kung anong nangyare sa inyo ni Vian. Bigla kana lang pumunta dyan pagkatapos nang lahat)

(Just so you know, hindi ganun ka dali magka gusto sa iba after nung lahat nang nangyare sa amin ni Vian. Mahal ko girlfriend ko Shun, hindi ganun ka dali tanggalin yun. May mga bagay lang talaga na finifigure out pa naming dalawa sa ngayon)

(Oh sya sige, basta pag ready kana mag story telling tawag ka lang)

Bakit kaya hindi ko din masagut pag may nagtatanong sa akin kung ano na kami ni Vian.

Part TimerWhere stories live. Discover now