Chapter 5

1 1 0
                                        

ANGEL'S POV

Tamang tama lang pala, pagka gising ko eh andito na kami sa destination namin. Parang himbing na himbing pa ang tulog netong gago ah "hoi!" Sigaw ko pa sabay hampas sa kanya nung neck pillow ko "ano?!" "Andito na tayo, dyan ka lang ba?" tanong ko ulit "pwede ka naman magsalita nang malumanay ah, bakit nang hahampas talaga?" Balik nya pa nung tanong nya sa akin. "Tara na kasi, dami mo pang sinasabi"

Naglakad lakad kami, nag tanong tanong at nag offer din. Yung mga interested kinuha namin yung contact info nila tapos hihintayin nalang namin kung sino sa kanila yung tatawag pabalik sa shop namin. Mabuti nga at ngayong araw eh hindi kami masyado nag away netong mamon na kasama ko. Naging cooperative naman sya kaya naging smooth yung trabaho namin ngayong araw. "Teka lang, 6pm na oh diba libre naman tung araw nato pwede kumain muna pagod na ako tapos sobrang gutom ko na din" napatingin ako sa watch ko, Oo nga pala ano? 6pm na tapos burger lang naging lunch namin. Masyado ko yata tinitipid yung pera nang tito nya.

"Hindi ka pa ba gutom? Bilib din ako sa sikmura mo ah, long lasting" tawa nya pa "wala naman akong sinabi ah? Ano bang gusto mo kainin?" Tanong ko ulit "ikaw, ano ba gusto mo?" Balik nya pa nung tanong nya, sa akin "bakit ba ako tinatanong mo? Eh ikaw nga tinatanong ko" irap ko pa "sige na nga ako na bahala, pasalamat ka wala akong sapat na energy para patulan ka ngayon"

Dinala nya ako sa isang restaurant na nag seserve nang meat dishes. "Akala ko ba wala kang alam sa lugar nato, paano mo ako nadala dito?" Nakakaduda na din kasi "google maps? Hello? Taga saang generation ka ba?" May point nga naman ano? "Talino mo sa direksyon, bobo mo kausap" irap ko pa at pumasok na sa loob. Na upo kami sa table for two, at bigla nlang nag tinginan yung mga tao. Anak nang tinapa hanggang dito ba naman magpag kakamalan kaming mag jowa?

"Good evening sir, may I know your order?" Tanung nung waitress "mali pala, nagtinginan pala sila kasi na gwagwapuhan sila kay Hoon. Bulag nga talaga, "may i see your menu first? I'll call later" sagot nya pa. Iniwan nang waitress yung menu nila at halus mahimatay na yung waitress kakatingin kay Hoon. "Ano gusto mo?" Tanong nya pa sa akin "ano bang meron dyan? Eh parang ikaw lang na customer nakita nung waitress eh di man lang lumingon sa akin" irap ko pa "sorry, ang gwapo kasi nang kasama mo kaya hindi kana nila napansin" aba ang kapal talaga nang mukha.

"Patingin nga ako nyan, dami dami pang sinasabi eh" pagka tingin ko sa menu, Jusko bakit ang mahal? Isang perasong barbeque worth 200 pesos na? "Hoi mamon, bakit naman ang mahal nang pagkain dito?" Tanong ko pa "bakit mo ako tinatanong eh hindi naman ako yung may ari. Tska wag mo nga ako tawaging mamon. Nakakahiya ka" irap nya pa "ayoko dito, ang mahal" sabi ko pa "bakit? Hindi ba kasya yung pera ni tito?" Balik nya pa nang tanong sa akin "carry lang naman, pero nakaka konsensya ano. Ok lang siguro sayo kasi tito mo yun. Iba stado natin boi, amo ko yun" sagot ko pa

"Ano kaba, offer nya na librehin tayo ngayong araw. Wag ka mag alala na ma ooverspend mo yung tito ko, ok? Mayaman yun hindi lang talaga halata" irap nya pa na parang proud sya na mayaman pamilya nila. "Basta ayoko" nakakahiya kaya at ang mahal pa pwede naman sa kanto kanto lang kaso pala, mayaman nga pala yung kasama ko baka magka diarrhea pa at maging kasalanan ko pa. "Ako na nga mag oorder para sayo, para paraan ka lang eh" asar nya pa "ang kapal mo" irap ko naman.

"Waitress! Isang chicken barbeque at isang pork barbeque po" at yun nga talaga yung inorder nya, lalakeng to talaga. Kumain nalang ako wala naman akong magagawa andito na kami at gutom na din ako. Habang kumakain bigla syang nagsalita. "Bakit hindi mo ako tinatawag sa pangalan ko?" "Bakit mo tinatanong?" balik ko pa nang tanong sa kanya "kasi, curious ako kung bakit. Sabi nila maganda naman daw yung pangalan ko" sagot nya naman.

"Alam mo, totoo naman. Genius parents mo kasi ang ganda ganda nang pangalan mo, unique at tska sayo ko lang narinig yang pangalan mo. Pero alam mo issue dun? Hindi bagay sa ugali mo" irap ko pa "ang kapal nang mukha mo! Bakit kilala mo naba ako nang lubusan para sabihin mo yan?" Tanong nya pa "hindi, hindi din kita gusto makilala pa nang lubusan ano. Isa pa, mas bagay sayo yung mamon" asar ko pa.

Pagkatapos nami mag bayad sa dinner na yun eh lumabas na kami sa restau. "Hala mamon, umuulan wala tayung payong" sabi ko pa "hindi ko narinig na pumapatak yung ulan kasi ang daldal mo" sagot nya "aba ako na naman?" Ang lakas nang ulan, paano kami pupunta nang bus station neto? "Dyan ka muna" sabi nya at pumunta sa katapat na 7/11 pag balik nya may dala na syang payong. "Halika na, ayoko magabihan dito baka ano pang isipin ni tito" sabi nya

"Bakit isa lang yan? Ikaw chansing ka ha?" Asar ko pa "ang kapal mo! Kala mo type kita? Walis ka girl, hindi coca cola body. Wag kang assuming" irap nya pa "ano?! Tara na kasi!" Hinila nya ako papalit sa payong at dahan dahan kami naglakad sa karsada papuntang bus station. Paksh*t ang bango nya padin ah, amoy baby kahit buong araw kami naka bilad sa araw. Bakit ang bango nyaaaaaa

"Hoi, lapit na lapit ka ha? Baka ikaw yung chansing?" Tanong nya pa "ikaw kaya humila sa akin, kung hindi ako lalapit mababasa ako. Tanga ka ba?" Sagot ko pa "bakit ba isa lang binili mo, kala ko mayaman ka bakit ang kuripot mo?" Tanong ko pa "eh isa nalang natira dun, anong gusto mo maligo nalang tayo nang ulan?" May point nga naman sya.

Part TimerNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ