HOON'S POV
Matapos ang barbeque party namin eh parang sabog kaming lahat. Wala paman din si tito ngayon kasi may lakad. Paano, anong oras na rin kami natapos dun sa party party namin. Nag movie marathon pa kasi kami at kung ano anong bagay pa. "Oh, sabog oh! Ang gwapo mo pre!" asar pa ni Shun "loko! Kala mo hindi mukhang panda" asar ko pabalik "ano ba yan! Umagang umaga nag aasaran na naman kayo" biglang dumating si Kiella at Angel "parang ang aga nakatulog ah, fresh padin" puri pa ni Shun "neknek mo Shun! Wag ako" natawa ako sa sagot ni Kiella kay Shun.
Nag simula yung araw na light lang, simula nung naging close kasi kaming lahat eh biglang gumaan ang lahat. Mas naging madali na din para sa akin na mag trabaho at halos nakalimutan ko na kung ilang araw yung nagdaan na andito ako. Parang habang tumatagal eh ayoko na bumalik sa tunay kong mundo.
"Isang choco frappe po" order nung babae "on the way po" masiglang sagot naman ni Kiella "Hoon, paki gawa naman tung order nung table 7 at 8" utos pa ni Kiella "sige sige" habang gumagawa ako nung order eh yun na naman nag aasaran na naman si Angel at Shun parang ang bilis nila naging close kaysa sa amin ah. Pero siguro normal lang yun kasi sociable naman talaga si Shun kaysa sa akin. Dahil nag dedeliver si Kiella nang orders eh ako nalang yung nag serve nung orders na binilin nya sa akin. "Aba ang gwapo gwapo talaga ng mga staff dito" puri pa nung babaeng may order
"Nako hindi po yan totoo ate, pero salamat po" ngiti ko pa. Babalik na sana ako sa counter nang biglang tumunog yung bell ng pintuan nang shop at may babaeng tumakbo papunta sakin at yinakap ako. Kung hindi sya nag salita hindi ko malalaman kung sino sya. "Missed you, my Hoon" humarap ako at nagulat ako nang makita ko si Vian. "Vian?" pumasok din si tito "nakasa lubong ko sya sa labas ng bahay nung may kinuha ako dun. Hinahanap ka nya, girlfriend mo daw sya. Ikaw pamangkin ha, hindi mo sinabi sa akin na may girlfriend ka pala"
Nang asar si tito pero nakatulala nalang talaga ako. Hindi ko alam kung paano sya napadpad dito. "Babe, didn't you miss me?" Yumakap ulit sya sa akin. Biglang lumabas si Angel at Shun mula sa kitchen at bumalik nadin si Kiella. Nag abot abot silang lahat na gulat kung sino tung babaeng naka yakap sa akin. "Vian?!" gulat din si Shun nang makita nya si Vian. "Hi Shun, na miss kita!" lumapit sya din sya kay Shun at yumakap. "Ah, oo naman namiss din kita Vian" parang pilit nga yung ngiti nya at may kahalung pagka gulat din.
Dahil lunch break na nun eh clinose na muna ni tito pansamantala yung shop yung at sabay sabay kaming kumain. "Hoon, pakilala mo naman kami sa girlfriend mo. Walang modo tung batang to. Ka gandang babae naman pala tung girlfriend mo" sabi pa ni tito, kita ko talaga sa mga mukha nila na gulat sila except kay Shun kasi matagal nya nang kilala si Vian. "Ako nalang po tito, alam nyo naman mahiyain talaga tung si Hoon. Uh, Hi I'm Via Aiarisse Delez. Ang haba nang pangalan ko kaya Vian nalang" ngiti pa nya
"Ka gandang bata mo naman Vian, hindi ako na inform na may standards pa pala tung pamangkin ko. Anyways I am Duke Suarez, nakalimutan ko magpakilala kanina kasi nagmamadali nadin ako. But I am Hoon's uncle, younger brother ako nang mommy nya. And they are my staff, pamilya kami sa shop" ngiti naman ni tito habang nag iintro "Vian, this is Kiella and Angel kasama namin sila sa shop" pakilala pa ni Shun sa kanila habang ako tahimik lang talaga.
Uncomfortable kasi talaga, hindi naman kami nagka roon nang kahit na anung closure para sabihin nyang girlfriend ko pa din sya when she offered to leave me behind. Ewan, parang hindi ko na din maintindihan yung nararamdaman ko. "Anong course mo ija, if I may ask" tanong pa ni tito "sure po, I am 2nd year political science student po. Same school with Shun and Hoon. Kami po yung palaging magkasama sa school" nag share pa talaga
"Liar, wag ka nga magsinuwaling Vian! Eh iniiwan nyo kaya ako ni Hoon dati kasi sinasabi nyo na bebe time and kung ano ano pang rason" natawa silang lahat sa sagot ni Shun. "Pero maypasalubong ka kaya sa dorm, Hoon makes sure na hindi ka magtatampo. Ang bilis mo din kaya patawanin number lang nang girls eh masaya kana" asar pa ni Vian "nako chick boy pala talaga" sabi naman ni Kiella "nako Kie, hindi yan totoo. Sinasabi ko inyo liar tung couple nato" tumirik yung mata ko kay Shun nung sinabi nyang couple. Hindi naman kasi yun totoo. Sa pag kaka alam ko before ako pumunta dito eh break na kami ni Vian kaya hindi ko talaga alam kung bakit sya andito.
Napansin ko din na wala din sa mood si Angel, baka naging uncomfortable na din sya kay Vian. "Angel, ok ka lang?" tanong pa ni tito "kuya Duke, I'm sorry but can i have the rest of the day off? Biglang sumama yung pakiramdam ko eh" bigla syang nagpa alam at umalis. Susundan ko sana sya pero bigla akong hinawakan ni Vian. "Where are you going, Babe?" tanong nya pa "pre, hayaan mo muna si Angel. Nakakahiya kay kuya Duke eh, wala syang alam" bulong pa ni Shun kaya umupo nalang ako ulit at nagpatuloy sa pagkain nang lunch namin.
YOU ARE READING
Part Timer
Fanfiction"Angel!!! Ano ba gumising kana!!! May lalakeng puti ang buhok hinihintay ka sa labas!" anak nang tinapa pag dungaw ko sa bintana, sya nga talaga.. ang lalakeng sumira ng summer job ko. PS : na inspire ako magsulat ulit after many years kay sana sup...
