Chapter 15

0 1 0
                                        

ANGEL’s POV

Isang normal na araw lang ulit sa shop nag aasaran at nagtatawanan like always. Habang nag seserve ako eh may parcel na dumating. “Good morning po, dito po ba yung coffee shop ni Sir Duke?” tanong nung delivery guy. “Opo, dito po yun. Isa po ako sa mga staff nya. Bakit po sana?” tanong ko naman “may parcel po kasi galing sa isang studio para po kay sir Duke” tinawag ko si Kuya Duke para sya na yung mag rereceive nang parcel nya mismo.

“Salamat po” sabi pa ni kuya Duke nung ma receive na nya yung parcel nya. “Dali kuya, unboxing ka para malaman natin kung ano ano yang inorder mo” asar pa ni Kiella “anong ano ano? Eh ang nipis kaya nito oh, ito ata yung photos ni Angel at Hoon galimg dun sa photoshoot” sabi naman ni kuya Duke. Medyo kinabahan nga ako eh baka kasi ang pangit nung kinalabasan. Biglang lumapit si Hoon sa akin at bumulong “don’t worry Angel, you did well. We both did well” ngiti nya pa.

“Buti naman po at napilit nyo si Hoon na mag model. Sa pagkaka alam ko kasi eh allergic to sa camera kaysa sa babae” natatawang asar pa ni Shun “loko! tumahimik ka nga! sinisira mo moment eh” sita pa ni Hoon. Nang mabuksan na ni kuya Duke yung envelope eh natulala ako, ang gwapo ni Hoon este ang ganda pala nung pictures. “shocks!!!!!! Kuya Duke ang ganda nang besie ko!!!!” Sigaw pa ni Kiella, mapang asar talaga “huy totoo nga, ang ganda mo pala pag inayusan ka Angel. Bakit para kang urangutan dito sa shop eh ang ganda ganda mo naman pala” asar pa ni Shun.

“tumahimik ka nga Shun! Ang sabihin mo nagagandahan ka sa akin” pagbalik ko pa nung asar ko sa kanya “totoo Angel, ang ganda mo sa mga litrato” puri pa ni kuya Duke napangiti ako napalingon kung nasaan si Hoon. Pumunta pala sa sulok nakatakip pa yung bibig sa gulat. “hoi! ok ka lang? Bakit nakatulala ka dyan?” Tanong ko pa sa kanya.

“sheezzzh meen ang gwapo ko pala talaga? Sana naniwala na ako sa mga nagsasabi sa akin dati palang” sagot nya pa sakin “gago! Kala ko kung ano nang nangyare sa yo” tawa ko pa “totoo naman kasi!!! ang ganda kaya nung kinalabasan nung mga letrato. Pag yun naka tarpaulin na siguradong dudumugin tayo nang mga tao”sabi nya naman.

“Sigurado yan, ang gwapo mo kasi. Alam mo? Bagay sayo maging model. Bakit sinasabi ni Shun na allergic ka sa camera?” tanong ko pa “sensitive kasi ako, malay ko ba kung saan gagamitin yung photos ano” sagot nya naman. “Understandable naman”

“Pero alam mo, ang ganda mo din sa photos yet nag overthink kapa na panget yung kalalabasan. Maganda ka Angel” puri nya pa sa akin. Hindi ko nga alam kung anong mararamdaman ko sa mga sinabi nya eh. “sus nag biro pa ang loko. Tara tignan natin yung iba” hinila ko sya papunta kela Shun at sabay sabay naming tinignan yung iba pang letrato.

Late na nung ma close namin yung shop kasi naging busy sa dami nang customers. “I want to eat dinner together guys, para ma iba dun tayo sa bahay ko. Mag ihaw ihaw tayo dun” sabi pa ni kuya Duke “hoiii magandang idea yan kuya Duke! Barbecue party tayo” sigaw pa ni Shun

“Party boy nga naman” sagot pa ni Hoon

Pag dating namin sa bahay nila eh walang ka tao tao. "Tignan ko muna kung may kulang na ingredients ba sa ref" bilin ni Kuya Duke "upo kayo, Angel at Kiella" sabi naman ni Hoon "aba, sino ka dyan boy? Parang feel na feel at home ka dito ah?" Natatawang asar pa ni Kiella "ano kaba Kie, naka sleepover na kaya ako dito kaya normal lang yan" sagot naman ni Shun.

Bumalik si Kuya Duke "guys, kulang tayo ng ilang ingredients para sa special sauce ko na ihahanda ko just for tonight para sa inyong bilang celebration kasi may promotional media na tayo. So, sinong bibili dun sa malapit na minimart para sa akin?" Tanong pa ni kuya Duke "kuya! Si Hoon nalang. Tutulungan nalang kita magluto nang ihaw ihaw dito magaling ako magluto kuya" sagot pa ni Shun

"Nako, nag brag pa talaga. Pero sige na ako nalang parang umiiwas lang sa dilim yang gago eh kasi takot sa multo" balik pa ni Hoon nang asar. "Sasamahan na kita, mukhang takot ka din eh" asar ko din kay Hoon. Lumabas na kami at nag lakad papuntang mini mart. "Madalas ba kayo ni Kiella sa bahay?" tanung pa ni Hoon "hindi naman masyado. Alam mo kasi si Kuya Duke iba talaga principles nya sobrang makaluma. Hindi kami madalas sa bahay nya kasi baka kung anong sabihin nang mga tao na may 2 early twenties na babae sa bahay nang isang early thirties na lalake. Mga ganun kay hindi talaga madalas" sagot ko naman.

"You know what? I really felt thankful that you guys existed and that we've come to meet each other. Napansin ko kasi na sobrang dami yung nagbago sa akin after everything that happened here this summer. The fun wouldn't have happened if you guys weren't there" aba parang nag papa alam "still got around a month and half left. Bakit parang nagpapa alam kana?" tanong ko pa "nagpapasalamat lang eh nagpapa alam agad?" natatawang tanong nya pa.

Pretty much totoo naman, sobrang daming nangyare. At kakaiba to sa mga nagdaan ko na summer. But those differences made this summer even more better. Hindi nga ako makapaniwala na sobrang layo na nang growth nang relationship namin ni Hoon at napunan pa kami.

Part TimerWhere stories live. Discover now