ANGEL'S POV (shooting day)
"Good morning po, ma'am at sir kayo po ba yung sinasabi ni Sir Duke na mag momodel para sa shop?" Tanong pa nung make up artist "ah, yes po kami po yun. I'm Angel" sabay smile ko pa to make good first impression. "Ang cute mo naman miss" sabi ko na ngaba eh "goodmorning, I'm Hoon" aba for the first time ha nag smile sya, baka ngumingiti talaga sya sa iba pero bad blood kami kaya ayaw nya ngumiti sa akin. Na alala ko yung kwento ni kuya Duke sa amin ni Kiella nung nakaraan kaya i tried to be gentle with him para naman din maging smooth yung work namin ngayon. "Hoon, uh.. let's do our best sa shoot today. Para sa coffee shop tska para maging proud naman si kuya Duke sa atin" ngiti ko pa
"Sure" sagot naman nya, pumasok na kami sa magka ibang dressing room para mag ready. Nung nakita ko yung mga susuotin ko shocks para naman akong professional model nito. "Ok ka lang miss?" Tanong nung hairstylist "ah, opo ate medyo na shock lang ang gaganda kasi nung mga damit" ngiti ko pa "dapat kasi attractive talaga yung models pag promotional shoot kasi kung hindi sila attractive, paano sila makaka kuha nang attention?" May point nga naman si ate. Nag simula na yung make up at kung ano ano pa. After 1 hour eh natapos na din lahat "medyo na hassle po talaga kayung pagandahin ako, sorry po ang pangit ko kasi talaga" tawa ko pa.
"Hindi miss, maganda ka. Natagalan kami kasi hindi kami makapaniwala na sobrang ganda mo pala pag na ayusan kaya ayun natulala" binola pa ako ni ate. Lumabas na ako sa dressing room kasi ready na ako sa shoot with my first outfit nang makita ko si Hoon na sobrang ayos. Grabe ang gwapo naman pala nitong mamon nato pag na ayusan. Tska mukha syang professional talaga na model. "Natulala ka? Ang gwapo ko ba?" Asar nya pa "Oo, literal para kang professional" sabi ko pa "himala hindi ka kumontra" "totoo naman kasi, alam mo bagay sayo" ngiti ko pa "thanks"
Nang magsimula na kami sa shoot eh medyo nahirapan yung photographer, awkward daw kasi kami tignan. "Uh, magka away ba kayo? Baka kasi sa mukha nyong yan abutin tayo nang one month wala pa tayong nakukuha na magandang litrato" "sorry po, wala talaga kasi akong experience sa modeling kaya baka awkward po tignan" nahihiyang sabi ko pa kasi baka na dedelay na ang lahat dahil sa akin "sorry, i think it's me. I just couldn't focus today . Can we take 5?" Biglang tanung naman ni Hoon "ah sige po sir".
Bigla syang lumabas at pumunta sa may likuran nang venue at umupo sa may hagdan. Sinudan ko sya nang makita ko na dun sya pumunta. "Hey, are you ok?" "I'm fine, don't worry" nag try sya mag smile. "if you're not ok, we can tell kuya Duke to do this later nalang" offer ko pa "no, we can't. We can't reschedule this. Tito is already too busy to handle this, tska sabi mo kanina we should make him proud diba?" tanong nya pa
"I know that I said that pero ayaw naman kita mapilitang gawin to, if you're really not ok" sabi ko pa "i'm good, isa pa trabaho ko to kaya dapat sumunod ako sa tito ko" i can really see in his eyes that he is feeling miserable though I don't know the reason, i stayed there beside him to comfort him. "Have you ever felt like what you've been doing all along is not enough for those people who's having high expectations of you?" Biglang tanong nya pa "Oo naman, couple of times already. Bakit? Is that what you are troubled about?" Balik ko pa nung tanong sa kanya.
"I do get phases where I think about those kinds of things. But I do think about them especially when I do things that are big like this things. Feeling ko kasi hindi ko naman ma sasatisfy si tito kaya what for am I doing this things?" tanong nya pa "bakit ang dami mong sinasabi? Bakit hindi mo lang subukan para malaman mo. Yang what if's at self doubt na yan, they are just stopping you from doing great big things, Hoon. Inutos ni kuya Duke sayo tung modeling kasi sure sya na kaya mo to kaya bakit hindi mo subukan?"
I really found myself somehow being in the same shoes as Hoon. Somehow, i found myself relating to him. Dahil sa mga narinig ko mula sa kanya, mas naging understanding ako kasi hindi sya yung tipo nang tao na magaan lang yung buhay. After nung break sinubukan namin mag shoot ulit at doon mas naging comfortable nami sa isa't isa. Para bang yung conversation na yun ang naging dahilan para mas maintindihan namin yung isipan nang isa't isa. Nung nasa bus na kami pabalik, galing sa venue eh kinausap nya ako.
"Thanks for today Angel, napa kalma mo ako enough to be ready para sa shoot" "wala yun, ganun din nararamdaman ko most of the time and it's normal. Wag mo isipin na weird ka dahil sa mga nararamdaman mo. Isa pa, wag mo hayaan na pangunahan ka nang mga negative thoughts mo. Hindi yun makakabuti sayo" ngiti ko pa, at for the first time nakita ko syang ngumiti sa harap ko at doon sure ako na yung ngiting yun, para sa akin yun.
BẠN ĐANG ĐỌC
Part Timer
Fanfiction"Angel!!! Ano ba gumising kana!!! May lalakeng puti ang buhok hinihintay ka sa labas!" anak nang tinapa pag dungaw ko sa bintana, sya nga talaga.. ang lalakeng sumira ng summer job ko. PS : na inspire ako magsulat ulit after many years kay sana sup...
