Sumimangot ako."Pervert!"

"I'm not!"

Naiiling kong liningon si Bria. "Nag-away ba kayo ni Archie kagabi?" kuryos kong tanong.

"Hindi." aniya.

"Uhm may problema ba kayong dalawa?"  tanong ko at pinagkatitigan siya ng mabuti.

Umiling ito. "Wala n-naman Bff. . . siya pa nga ang excited na m-magpakasal kami."

"So sad!"

"Yna!" suway sa kaniya ni Rabiya.

Naiiling akong natawa ng mabilis itong tumakbo at nagtago sa pwesto nila Quiro. Sumunod din sa kaniya ang kapatid ko, at dagling nagpabuhat kay Capt. Callius.

"Mama."

Tumayo ako at inalalayan si Nanay Ester, nanay ni Bria. Tipid akong ngumiti nang makita ang mga nakakabatang mga kapatid ni Bria, mukhang masama ang timpla ng mga ito.

"Anak, wala parin bang balita sa nobyo mo?" nag-aalalang tanong ni Nanay Ester kay Bria.

"Baka may emergency po siya Mama, kaya hindi pa dumadating. . ." mahinang sagot ni Bria.

"Ate, mukhang balak lang tayong ipahiya ng gagong yun. . ." galit na saad ni Bricks.

Umiiyak na umiling si Bria. "Late lang yun, hintayin nalang natin. . ."

"Anim na oras na tayo sa simbahan, hindi pa ba malinaw sayo na hindi ka gustong pakasalan ng lalakeng yun!" halos pasigaw na sambit ni Bricks.

"Bricks!"

"Tama naman ako Ate Aye, nahalata ko na noong una palang . . . walang ibang gagawin ang lalakeng yun sa kapatid ko kung hindi ang saktan siya at ipahiya ang pamilya namin sa iba." aniya.

Lumapit si Tita Ara. "Hindi yan totoo, iho."

"Dinideny niyo pa?. . . hindi ba kayo nga rin yung nagpabagsak sa pinatayong negosyo ni Ate sa amin?. . ." pag-aakusa niya.

"Bricks matagal na yun!" humihikbing saad ni Bria.

"Oo Ate matagal na yun! Pangarap natin yun eh, pero anong ginawa nila?. . ." aniya.

Lahat kami ay napalingon kay Tita Ara at hindi makapaniwala sa akusasyon ni Bricks sa kaniya. Tumahimik ang paligid at pansin ko ang mga reporters na nakamasid nalang ito sa pwesto namin.

Maging si Tito Richie ay nagtatanong tingin na nakatunghay sa asawa. Hindi ko lubos maisip na kayang gawin iyon ni Tita Ara kina Bria kung sakaling totoo nga ang bintang ni Bricks.

"Ginawa mo ba iyon, Arabella?"

Marahang tumango si Tita Ara. "I j-just want to m-make sure she d-deserv-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng magsalita si Bricks.

"Gago! Hindi nga deserve ng anak niyo ang kapatid namin." galit nitong pagmura.

"Bullshit! Huwag na huwag mong pagsasalitaan ng ganiyan ang asawa ko." sigaw ni Tito Richie at sinugod si Bricks.

"Tito Richie!"

"Fvck Mondragon you'll kill that man!"

"Honey!"

Hinila nila Tito Kherro at Uncle Logan si Tito Richie, ngunit hindi parin nila napigilan ito sa pagbugbog kay Bricks.

"Huwag Tito!"

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now