CHAPTER 34 : UNEXPECTED FAMILY

0 2 0
                                    


Unexpected Family

Ilang sandali lang biglang umilaw ang lahat ng daanan na kanina lang ay madilim pa. At narinig ko rin ang napaka-creepy na tawa sa likuran ko kaya lalong nanindig ang balahibo ko. Napahinto silang lahat sa paglalakad at napatakip ng mata. Nakakasilaw naman kasi ang ilaw. At nang bumalik na ang normal naming paningin, biglang may nagsalita sa likuran ko.

“Hek Hek. Oops, napindot.” aniya kaya kaming lahat ay gulat na tumingin sa likuran ko. Ako na halos ayaw nang lumingon ay napalingon ng hindi ko inaasahan.

Nang lumingon ako, bumungad ang malaking tawa ng isang tao na parang... Hindi? Hindi ko alam kung tao pa ba ang may ngising parang napupunit na ang labi sa lawak ng ngiti niya. Nakikita na ang pinakadulo ng ngipin niya. Creepy Woman.

“Hi.” sabi niya pa at kumaway na parang ang tigas ng katawan niya at ang bigat dahil halos di niya maangat. Para siyang robot.

Napalunok ako samantalang naramdaman ko naman ang sabay-sabay bilang paghakbang papunta sa harapan ko. Si Mama at Papa ay nasa harapan samantalang si Ally at Zhyrheil nasa tabi ko, parehong nakakunot ang noo na nakatingin sa babae na nasa harapan namin ngayon.

Actually, hindi naman talaga nakikita ang buong mukha niya, may portion lang na nakikita at alam kong babae siya because of her red lips and long gorgeous hair. And most importantly, her creepy and wide smile na pati ang last tooth niya, nakikita ko na.

“What do you want?”  mautoridad na tanong ni Zhyrheil while pulling me away, slowly. Hinawakan din niya ang pulso ko habang hinahatak ako paalis.

What the heck.

I understand, they also have a reason to be afraid. But are they kidding me?! It's just a woman, though she's creepy but I can't sense any danger by her presence. Mga baliw ang mga 'to.

Winalik ko ang kamay ko at tiningnan si Zhyrheil ng masama. Tumingin din si akin si Zhyrheil ng may pagkagulat.

“Don't let your guard down.” biglang sabi ni Zhyrheil sa aming dalawa ng maramdaman niyang galit akong nakatingin sa kanya. “She's not familiar, we should be careful.” dagdag niya pa kaya napalunok kaming dalawa ni Allyiah. Just what the heck is going on now?! Hindi ba kami titigilan ng kamalasan?!

Bigla namang umatras sina Mama at Papa kaya sabay-sabay kaming tatlong lumingon sa harapan. Nagulantang kami sa nakita namin dahil naglalakad ito papunta sa kinaroroonan naming lahat. At ang hakbang niya, parang calculated...? Parang hindi normal na hakbang ng isang tao. Parang—

“Damn it! Let's run!” mabilis na sigaw ni Zhyrheil at hinatak kaming lahat patakbo. Lalong bumilis ang hakbang ng babae na nakasunod sa amin. What the heck is that thing?! Naglalakad lang siya tapos kami tumatakbo pero bakit parang nasa likod lang namin siya hanggang ngayon?!

“We're just running around! Paulit-ulit lang ang dinadaanan natin!” Allyiah stopped running that makes us do the same, napaangat din ako ng tingin sa kisame. Napadilat ako nang makita kong same design parin ang kisame na una naming hinintuan.

At nang binalikan ko ng tingin si Allyiah, isang hakbang nalang ang pagitan makukuha na siya ng babaeng creepy na 'yon!

“Allyiah!” sigaw ko para makita niya ang nasa likuran niya pero nang lumingon siya biglang huminto ang kamay nitong kukuha sana kay Allyiah.

What... The.... Hell?

“Woo! You okay, Ally?” Zhyrheil suddenly jumped up from the back portion of that woman. “She's a robot.” sabi niya kaya napabagsak kami ng balikat. Grabi, napagod ako kakatakbo. At napakasiraulo nilang dalawa muntik na akong atakihin sa puso sa kaba.

University Of SecretsWhere stories live. Discover now